THE DIARY GAME | 08032021 | โ˜๐ŸŒคโ˜ Cloudy Tuesday in Bacoor and getting used to something... โ˜๐ŸŒคโ˜

in Steemit Philippines โ€ข 3 years ago

Magandang araw sa lahat. Sana ay naging maganda ang inyong Tuesday at productive din.

Maulap ang panahon ngayon dito saamin sa Bacoor. May onting pag-araw lang at mahangin kaya naman ay di ganoong masyadong mainit ang panahon.

Naunahan ko na naman yung alarm ko ng paggising ko. Nagising kasi ako ng mga bandang 6:30 ng umaga at hindi na ulit ako nakabalik sa pagtulog. Nagphone nalang ko at nagpasa ng mga posts sa Twitter at yung mga binabasa kong mga short stories sa internet. Nanood lang din ako ng mga videos sa YouTube at TikTok pagkatapos kong basahin yung mga updates sa ibang social media accounts ko.

Bumaba na ako makalipas ang isang oras o mahigit simula ng pagkagising ko. Pagkababa ko ay gising na si Nanay (lola) at kumakain na ng agahan niya. Dahil sa hindi niya kabisadi kung paano gumagana ang mga appliance dito saamin ay di siya nakakain ng kanyang oatmeal. Naghintay pa siya saamin para magpainit ng tubig. Pagkainit ko ng tubig ay kinain na niya yung dapat kainin niya kanina.


219120213_2936891319894168_5835453097037307778_n.jpg

Pagkatapos noon ay pinalabas ko na yung pusa ni kuya para magbanyo ito sa kanyang litter-box. Diniligan ko din yung mga halaman ko sa labas. Yung halaman ko lang. ๐Ÿ˜๐Ÿ˜๐Ÿ˜๐Ÿ˜๐Ÿ˜

217392439_138288121719435_7441867249272321189_n.jpg

Pagtapos kong gawin iyon ay nagayos muna ako ng kaunti dahil sa madaming nakakalat sa table namin. Pagkatapos kong gawin iyon ay tumaas na ulit ako at humiga ulit sa kama ko. Pero bago pa ako tumaas ay nakita ko si Nanay na ang eexercise sa labas ng bahay. Pagtapos noon ay nanood lang ulit ako ng mga fino-follow ko sa TikTok.
Mga 15-30 minutes tapos noon ay gumising na si ate. Nagingayna kasi yung aso niya at di ko lang din ito pinansin. Guato ko talaga siyang magising na.

219219487_232246328748882_7420521400957940265_n.jpg

Bumaba na ulit ako after 10 minutes at nagsaing na ako ng kanin na kakainin naming pang lunch namin. Nagluto na din ako ng tatlong itlog para saamin. Pagkatapos kong lutuin iyon ay tinawag ko na si ate para magluto siya ng isa pang ulam na kakainin namin ngayon.
Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga muna kami ng saglit ni ate at nagsigawa na kami ng dapat naming gawin ngayong araw. tinuloy ko na yung pagdilig ko ng mga halaman namin sa labas habang si ate naman ay nagwalis na sa loob ng bahay. Naghugas na din siya ng pinagkainan namin kanina.
Pagkatapos naming gawin lahat iyon ay naligo na ako.

Nanood lang kami ng TV buong araw kasama si Nanay. Pero pag natutulog na siya ay hinihinaan na namin yung TV para mahimbing yung pagtulog niyao yung pagpahinga niya.
Mga mag-3 ng hapos ay nagsi kain kami ng meryenda namin. Nagtimpla lang ako ng strawberry milk ko at kumuha ng fudgee bar sa lalagyan ng mga biskuit namin.

225142195_1199409127190477_4147405269879999395_n.jpg

Mga bandang 4:15 ng hapon ay tumaas na ulit ako kasama ng violin ko. Tumugtog nalang ako sa taas para di masyadong maingayan si Nanay incase na matulog siya ulit. Di ganoong katagal yung pagtugtog ko pero nakakamiss talagang tumugtog ng instruments. Yung unang instrument kasi na tinugtog ko ay yung tinatawag namin na "Mother Lyre" pero ang pangalan pala talaga nito ay Glockenspiel. Napaka comforting para saakin yung tumugtog ng instruments. ๐Ÿฅฐ๐Ÿฅฐ๐Ÿฅฐ

Mga 5 ay bumaba na ulit ako para magsaing ng kanin namin pang dinner. Nagluto ulit si ate ng uulamin namin na adobong baboy. Binake naman niya yung mga natirang tahong sa oven toaster namin. Nilagyan niya lamang ito ng cheese at nilagay na niya ito sa oven.
Medyo napaalat ni ate yung luto niya ng adobo. Pero okay lang saakin ito dahil sa malasa ito. Ang sabi niya ay may na sobrahan ata siyang ingredient kaya umalat ito ng ganoon.
Pagkatapso naming kumain ay hinugasan ko na yung mga pinagkainan namin ngayon.

Pagtapos kong gawin iyon ay binuksan ko na yung laptop ko. Medyo nagkaproblema nga yung unang pag open ng laptop ko. Ni-restart ko lang ito at umokay na ulit ito ng pag-login ko ulit. Binuksan ko na agad yung browser ko at binuksan ko na yung Steemit ko.
Nag-post muna ko ng sa ibang community bago dito dahil sa sinuggest saakin ni ate.


Iyon lang ang maikukwento ko sa inyo ngayong araw na ito.


ESPN
Source

Congratulations sa ๐ŸฅˆSilver Medal๐Ÿฅˆ ng Philippines sa Tokyo Olympics, kay Nesthy Petecio sa larangan ng Boxing in Womens featherweight division. ๐ŸŽ‰๐ŸŽ‰๐ŸŽ‰๐ŸŽ‰
Sana ay yung iba pa nating atleta ay makakuha o makauwi din ng Medalya. Bronze, Silver o Gold man ang makuha nila ay nakaka-proud pa rin dahil sila ay Pinoy.


๐Ÿ”˜๐Ÿ”˜๐Ÿ”˜๐Ÿ”˜๐Ÿ”˜๐Ÿ”˜๐Ÿ”˜๐Ÿ”˜๐Ÿ”˜๐Ÿ”˜
๐Ÿ”˜๐ŸŸก๐ŸŸก๐Ÿ”˜๐ŸŸก๐ŸŸก๐Ÿ”˜๐ŸŸก๐ŸŸก๐Ÿ”˜
๐Ÿ”ต๐Ÿ”˜๐Ÿ”˜๐Ÿ”˜๐ŸŸก๐ŸŸก๐Ÿ”˜๐Ÿ”˜๐Ÿ”˜๐Ÿ”ด
๐Ÿ”ต๐Ÿ”ต๐Ÿ”˜๐Ÿ”˜๐Ÿ”˜๐Ÿ”˜๐Ÿ”˜๐Ÿ”˜๐Ÿ”ด๐Ÿ”ด
๐Ÿ”ต๐Ÿ”ต๐Ÿ”ต๐Ÿ”˜๐ŸŸก๐ŸŸก๐Ÿ”˜๐Ÿ”ด๐Ÿ”ด๐Ÿ”ด
๐Ÿ”ต๐Ÿ”ต๐Ÿ”ต๐Ÿ”ต๐Ÿ”˜๐Ÿ”˜๐Ÿ”ด๐Ÿ”ด๐Ÿ”ด๐Ÿ”ด
๐Ÿ”ต๐Ÿ”ต๐Ÿ”ต๐Ÿ”ต๐Ÿ”ต๐Ÿ”ด๐Ÿ”ด๐Ÿ”ด๐Ÿ”ด๐Ÿ”ด
๐Ÿ”ต๐Ÿ”ต๐Ÿ”ต๐Ÿ”ต๐Ÿ”ต๐Ÿ”ด๐Ÿ”ด๐Ÿ”ด๐Ÿ”ด๐Ÿ”ด
๐Ÿ”ต๐Ÿ”ต๐Ÿ”ต๐Ÿ”ต๐Ÿ”ต๐Ÿ”ด๐Ÿ”ด๐Ÿ”ด๐Ÿ”ด๐Ÿ”ด
๐Ÿ”ต๐Ÿ”ต๐Ÿ”ต๐Ÿ”ต๐Ÿ”ต๐Ÿ”ด๐Ÿ”ด๐Ÿ”ด๐Ÿ”ด๐Ÿ”ด
๐Ÿ”ต๐Ÿ”ต๐Ÿ”ต๐Ÿ”ต๐Ÿ”ต๐Ÿ”ด๐Ÿ”ด๐Ÿ”ด๐Ÿ”ด๐Ÿ”ด
๐Ÿ”ต๐Ÿ”ต๐Ÿ”ต๐Ÿ”ต๐Ÿ”ต๐Ÿ”ด๐Ÿ”ด๐Ÿ”ด๐Ÿ”ด๐Ÿ”ด
๐Ÿ”ต๐Ÿ”ต๐Ÿ”ต๐Ÿ”ต๐Ÿ”ต๐Ÿ”ด๐Ÿ”ด๐Ÿ”ด๐Ÿ”ด๐Ÿ”ด
๐Ÿ”ต๐Ÿ”ต๐Ÿ”ต๐Ÿ”ต๐Ÿ”ต๐Ÿ”ด๐Ÿ”ด๐Ÿ”ด๐Ÿ”ด๐Ÿ”ด
๐Ÿ”ต๐Ÿ”ต๐Ÿ”ต๐Ÿ”ต๐Ÿ”ต๐Ÿ”ด๐Ÿ”ด๐Ÿ”ด๐Ÿ”ด๐Ÿ”ด
๐Ÿ”ต๐Ÿ”ต๐Ÿ”ต๐Ÿ”ต๐Ÿ”ต๐Ÿ”ด๐Ÿ”ด๐Ÿ”ด๐Ÿ”ด๐Ÿ”ด



โœจ ๐ŸŒƒ โœจ ๐ŸŒƒ โœจ ๐ŸŒƒ โœจ ๐ŸŒƒ โœจ ๐ŸŒƒ โœจ ๐ŸŒƒ โœจ ๐ŸŒƒ โœจ ๐ŸŒƒ โœจ ๐ŸŒƒ โœจ

Sort: ย 
ย 3 years agoย 

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Anroja

ย 3 years agoย 

Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Diary Game. Ang iyong post po ay kabilang sa Top 5 posts picks of the day at recommended para sa @booming support program.

ย 3 years agoย 

Wow, nice entry. Ang cute naman ni muningning, behave lang.

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.25
JST 0.039
BTC 97542.75
ETH 3458.83
USDT 1.00
SBD 3.15