THE DIARY GAME | 06302021 | 🔪🦶😫 Sumakit na naman yung paa ko... 😫🦶🔪

in Steemit Philippines4 years ago

Magandang araw sa lahat. Sana ay nasa magandang kalagayan kayo ngayon at naging magandang araw ninyong lahat.

201023460_528752781614899_9205800951722630026_n.jpg

Nagising ako ng maaga ng mga 6 siguro yon ng umaga. Di agad ko bumangon dahil sa medyo tuyo pa din ang aking mata at medyo inaantok pa ako. Nakabalik naman ako kaagad sa pagtulog ng hanggang 8:40 na ng umaga at narinig ko na yung GF ni kuya na inaasikaso na siya. Medyo mataas kasi yuung lagnat ni kuya kagabi at sobrang naghihina siya kaya naman ay siya na ang nagaalaga kay kuya.
Sa totoo lang, buti nalang na nandito siya dahil diko alam kung ano yung gagawin ko kung ganon. Di ko kasi talaga alam kung paano mag-alaga ng may sakit dahil sa nasanay na din ako na ako yung inaalagaan nila. Ako kasi yung bunso saakin at palagi din akong sakitin nung bata ako kaya naman ay parang nasanay na ako na ako yun inaalagaan nila.

Mga bandang 9 nung bumaba na ako. Napansin ko na medyo masakit na yuung paa ko. Nang dahil siguro ito sa kinain namin kahapon na century tuna. Bawal kasi ako sa mga seafood at canned goods ehh. 2-in-1 pa yung bawal saakin doon sa century tuna. Medyo iba na yung lakad ko ng dahil dito. Di na ko mabilis nakakababa ng hagdan ng dahil sa sakit nga ng aking paa.
Nagpakulo agad ako ng tubig at nag-tea, medyo nakakatulong kasi ito para mabawasan yung crystalization sa paa ko. Gusto ko sanang lagyan ng hot compress pero di ko na asi mahanap kung nasaan yung pang hot compress namin.
Medyo napansin ko nga sa GF ni kuya na parang kulang ang kanyang tulog. nainis nga ako sa sarili ko dahil di ako makagalaw ng dahil sa sakit ng paa ko, kailangan ko din kasing itaas lang ito para mabilis mawala yung sakit.

Dahil sa medyo onti lang ang nabili namin na pang ulam ay medyo namoblema kami sa kung ano ang aming lulutuin. Medyo madami kasing bawal ngayon na lutuin ng dahil sa mga nararamdaman namin ngayon. Pero nagluto nalang sila ng omelet at tocino (kahit bawal pa ito saakin ngayon dahil sa mamantika ito).

Nauna muna kaming kumain ni ate dahil may inimom si kuya na gamot na 30-minutes before eating, at di pwedeng kumain yung GF ni kuya ng maiinit na pagkain dahil sa binunutan ito ng ngipin. Habang kumakain kami ay nanood din ako ng series na pinapanood ko sa YouTube na Thai BL series.


tumgir.com
Source

Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga muna kami ng saglit at ginawa na ang mga gagawin namin. Lumabas muna ako para bumli ng Ice Cream at Pocari Sweat ni kuya. Dahil sa tirik ang araw ay nagdala nalang ako ng payong. Pumunta na ko sa labas ng subdivision namin para bumili ng mga pinapabili nila. Medyo masakit parin yung paa ko pero ako langa ng pwedeng lumabas ngayon dahil sa di sila pwedeng lumabas ng dahil sa mga nararamdaman nila kuya.
Bumili nalang ko sa AlfaMart sa tawid lang ng entrance ng subdivision namin.

Screenshot (94).png

Medyo natagalan nga o sa pagbili dahil sa plain lang na ice cream ang kailangan ng GF ni kuya, dahil sa kakabunot lang ng kanyang ngipin ay baka matamaan daw pag yung may mga halong mani ang bibilhin. Ang request ay vanilla flavor, pero walang plan na vanilla dito, kaya doon ako tumagal kakapili kung meron bang ibang pwede kong bilhin na ice cream.

Pagbalik ko sa bahay ay nagworkout ako ng saglit at naligo na. Pagkabihis ko ay napansin ko na may nag text saakin n pinagapplyan ko ng trabaho. Pumasa daw ako sa unang assesment at nasa sunod na daw ako na step. May document lang na binigaya t pinasagutan saakin. Medyo natagalan nga ako a pagsagot dahil sa iniintindi ko pa at chinecheck ko kung tama ba yung sinagot ko sa mga questions na binigay.

Mga bandang 4 na ng hapon ay nanod na kami ni ate ng katuloy na episodes ng Blacklist, na nasa season 3 na kami.

IMDb
Source

Sort:  
 4 years ago 

This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

Anroja

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.27
JST 0.044
BTC 101747.77
ETH 3677.44
SBD 2.55