Steemit Philippines Photography Contest Week #5 - Filipino Food Photography : TURON!!

in Steemit Philippines3 years ago

Polish_20211006_180129003.jpg

Meryenda ba kamo?? Hindi magpapahuli ang mga pinoy dyan. Isa sa mga popular na meryenda ng mga PInoy ang Turon. Gawa sa saging na saba na binalot sa lumpia wrapper. Ang espesyal na turon ay may kasama pang langka. Pero itong gawa ko ay wala lang kasi wala pong nabibiling langka dito sa malapit sa amin na palengke.

Sinong bang hindi nakain ng Turon dito? taas ang Kamay! LOL Bihira lang sa mga pinoy ang hindi nakain nito. Ewan ko lang if hindi mo magugusthan ang Turon!!

Noong isang araw, gumawa kami ng aking asawa nito para sa meryenda ng aming mga anak na nagmomodule. Madali lang naman hanapin ang mga sangkap na kakailanganin sa paggawa nito.

Ito po yung mga ingredients sa paggawa ng pagkain na ito.

Saging na Saba
Lumpia Wrapper
Asukal
Mantika

Polish_20211006_175841854.jpg

Paano ito Gawin at Lutuin?

Ang unang gagawin ay sympre balatan natin ang saging at hatiin. Makikita po sa larawan sa baba. Pwede naman din po na buong saging. Pero para sa recipe ko na ito ay hinati ko lang.

Polish_20211006_180613631.jpg

Ibalot sa lumpia wrapper ang saging. Gumamit po ako ng tubig para selyado ang pagkabalot at hindi ito bubuka pagpiniprito na.

Polish_20211006_180826826.jpg

Polish_20211007_162703893.jpg

Ito na po lahat ang nagawa ko na turon. Handa na para sa susunod na hakbang. Ang pagpiprito nito.

Polish_20211006_180707075.jpg

Sa isang kawali, painitin ang mantika at iprito ang mga nabalot natin na mga saging na saba. Hanggang sa maging "golden brown" ang kulay nito. Hanguin at itabi.

Polish_20211006_180929296.jpg

Polish_20211006_180859910.jpg

Pagnaiprito na lahat, ang susunod na hakbang ay ang pagcaramelized ng asukal para maging coating ng ating turon.

Sa mainit na mantika pa rin, idagdag ang asukal. Hintayin itong matunay. kagaya ng nasa larawan sa baba.

Polish_20211006_181009649.jpg

Matapos na matunay ang asukal, idagdag ang mga naprito na na saging for sugar-coating. Wala na po akong larawan ng nasa kawali pa ang mga sugar-coated na turon. :D Haluin lang ito hanggang maging coated na ang mga saging. Hanguin at palamigin.

Handa na ang ating turon at pwede ng kainin!!

Polish_20211006_180046129.jpg

Ganun lang po kasimple ang pagawa at pagluto ng Pinoy snack na ito!

Busog na busog kami nito noong isang araw kasama ang mga bata! Gustong-gustong nila ang tamis at ang crunchiness!

Type mo rin ba ang TURON?? Please do leave a comment. LOL

I am inviting my friends to join this Steemit Philippines Food Photography Contest - @aideleijoie, @olivia08, at @chy07.

Sana ay nagustuhan ninyo ang naibahagi ko na recipe ngayon.

Hanggang dito na lang at keep safe everyone!

Love,

Met

@me2selah

footer.png
Footer by @kennyroy.

me2selah.gif
Gif by @baa.steemit.

steemitachievers.gif
Gif by @junebride.

Sort:  
 3 years ago 

proof of my Tweet:

image.png

 3 years ago 
Judge: @loloy2020
CategoryDetails (✅/❌)
Theme: Filipino Food Photography
Fully Verified
Correct Title and Tags
Used the #steemexclusive tag
At least 300 Words
set @steemitphcurator 20% benefactor
Mentioned 3 Friends
Write-ups RatingGood
Criteria for JudgingRatings/Score)
1. Relevance to the theme9.8
2. Creativity9.5
3. Technique9.5
4. Overall impact9.6
5. Quality of story9.8
Total Ratings/Score9.64

Ka lami pud ani ate oi...paborito nako nga snacks...

 3 years ago 

Salamat Mel! Lami gyud ni samot na if naay langka. :D

 3 years ago 

Ka yumminess ani oy! Fave ko pod ni basta di pa lata ang saging. Hmm anaon diay yong sugar ipaseparate diay malanay, abi nakog didto mismo sa mga turon ipalanay. Good technique and very good presentation.

 3 years ago 

Oo lami kaayo Ate. Lami pa gyud ni if naay langka. Salamat Ate.

 3 years ago 

Gutom

 3 years ago 

ayay ayay kalami ba... gahapon nikaon si matti ug kamote turon sis..hehe lami sab

 3 years ago 

Lami pud na Sis. Go Matti sa kaon! Hehe

 3 years ago 
Criteria for judgingRate 0-10
1. Relevance to the theme.9.7
2. Creativity.9.7
3. Technique.9.7
4. Overall impact.9.7
5. Story quality.9.7
6. Total9.7

Tulo ang laway, bow!

 3 years ago 

Mangaon ta Sir!! Hehe salamat sa rating!

Hi : @me2selah

I'm the founder of the SteemFoods Community and I saw you have a great channel on youtube. I have a very important job offer for you. If you join our discord and telegram group below, I would like to talk to you in detail. It's important and I think it's a great job for you.

Thank You.. .

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.16
JST 0.030
BTC 58211.91
ETH 2476.26
USDT 1.00
SBD 2.38