Diary Game Season #3| October 26, 2021| Ang Una Kong Diary
Magandang gabi sa inyong lahat, ito po ang kauna-unahang post ko dito sa community na ito. Nais kong ibahagi sa inyo ang ginagawa ko kaninang umaga habang ako ay naglalakad sa aming hardin dito malapit sa aming bahay.
Habang naglalakad ako ay napansin ko itong magandang paru-paru na palipadlipad at palipat-lipat sa ibat-ibang mga bulaklak. Maganda ito kaya nakakaakit na tingnan ang isang paru-paru na lumilipad.
Ayon sa mama ko, dinadagsa daw ng mga paru-paru at tutubi kapag ang lugar ay maraming bulaklak. Dito sa amin medyo marami ang mga bulaklak kasi ang mama ko ay mahilig sa mga ito.
Ito kasi ang libangan niya kapag wala siyang duty sa barangay at health center. Tinutulungan din naman siya ni papa sa pagtatanim ng mga halaman dito sa amin.
Ang kulay ng paru-paru na nakita ko ay may kulay blue at itim, pati na rin ang kaunting kulay na puti, kaya napakaganda nito. Mabuti nalang at hindi ito lumipad kanina kaya nakunan ko talaga ng letrato.
Ibahagi ko rin itong maliit na isda dito sa aming ilog. Habang tumatawid ako sa ilog ay napansin ko itong maliit na isda na nakapatong sa isang bato. Nang lapitan ko ay akala ko lalangoy ito papalayo pero hindi pala, kaya kinunan ko ng letrato.
Tinatawag namin itong iswil, kasi ito kasi ang sinabi ni papa sa akin nang nanghuli siya ng isda. Masarap ang isda na ito lalo na kapag piniprito, isa rin sa aking paboritong pagkain ang isdang ito.
Ito pala ang pusa naming si jake-jake. Napakacute ng pusang ito kaso hindi ito makakita kaya naawa ako sa kanya. Simula nang ipinanganak ang pusang ito ay hindi na siya makakita. Kaya inaalagaan ko siya ng maayos at pinapakain ng maayos. Amg mama naman ng pusang ito ay dinadalhan siya ng insekto para ipakain sa kanya.
Kapag naglalaro si jake-jake lalo na kapag tumatakbo kahit saan ay nababangga nalang sa dingding, kaya napakaawa talaga.
Pero kahit ganito ang pusa namin ay mahal namin ito dahil nakakawala ng pagod at nakapagbibigay ng kasiyahan namin dito.
Ang ganda naman ng iyong nasaksihan sa iyong kapaligiran. Napakagandang paru-parong nakuhanan mo ng larawan at pati na ang isda sa ilog. Mayaman talaga ang Pilipinas nakakalungkot lang hindi napapangalagaan ang kalikasan. Muli kong inaasahan ang magandang diarygame mo sa susunod na mga araw.
Okay po Ma'am. Salamat po.
Kawawa Naman Yan 😭
Inilagay ko po sa mataas na lugar para hindi kainin ng manok.
Congratulations sa una mong post brother, kunting practice pa. Maganda ang natuklasan mong insekto swerte at ikaw ang nakakita 😁
Salamat kuya. Unhan na tika aron ako ang makapost .
yon sana sasabihin ko eh, naunahan mo lang si kuya mo😄😄.
Opo Ma'am. Umangal si kuya sa letrato ko. Hejehe
Patuloy ka at patiro sa kuya mo
Salamat po Ma'am, tinuturuan niya po ako ngayon.
Ang gaganda ng mga nakuha mong mga letrato sa inyong kapaligiran. Maganda ang kulay nung paru-paru parang katulad nung nakita ko din dito sa amin. Pero ang pinakanstutuwa ako ay yong isda na hindi umalis nung nilapitan mo. Malaki din ang size nya ha. Sobrang natutuwa talaga ako sa ilog ninyong napakalinis at napakahealthy pa ng eco-system ninyo dyan kaya puno pa ng mga maraming kalikasan.
Kawawa naman si Jake Jake, pero happy pa din sya dahil meron syang owner na nagmamahal ss kanya.
Good job sa una mong post. Continue lang.
Salamat po Ma'am
Now lang ako naka encounter may pusa palang di nakakakita. Kawawa naman si Mingming Jake ninyo.Nice first post mo. Go go go lang gaya ni Kuya mo.
Salamat po Ma'am..
Ang ganda naman ng post mo cj, magkakasingtulad lang tayo ng post.
Salamat ate, oo nga paru-paru din pala sayo.
ganda ngbutterfly... continue writing!
Salamat Po Ma'am.
Makikita sa post mo na mahilig ka sa animals at nature. That's very good. Naaappreciate mo ang kalikasan. Keep it up. God bless.
Salamat po Ma'am. 😊