Club75||Diary Game Season 3|| June 25, 2022|| "Ang Kaarawan Ng Aking Ate"
Edited By: Canva Application
Magandang gabi sa ating lahat mga magigiliw kong magbabasa at mga kaibigan dito sa steemit.
Tayong lahat ay may espesyal na araw ang dumarating sa ating buhay, isa na dito ang ating kaarawan. Nais kong ibahagi sa inyo dito sa talaarawan na ito ang mga kaganapan sa espesyal na araw ng aking ate, ang asawa ng aking Kuya. Kaarawan niya kasi ngayon kaya napakahalagang araw ito para sa kanya.Kahapon pa lang ay bumili na sina Kuya ng mauulam sa pagdating ng kaarawan ni ate.
Mga Binili
Ito ang binili nila, tigdadalawang pack ng lumpia at marinated na karne ng manok. Ito daw kasi ang paborito ni ate na kainin. Minabuti kasi ni kuya na bumili habang maaga pa para hindi na mahihirapan at tuloy-tuloy na ang gagawain para sa kaarawan. Hindi naman ito masisira kasi nakareef naman, ito kasi ang tamang paraan para hindi agad masira ang mga pagkain o mga iniimpok na pagkain.
Kaninang umaga ay inihanda na ang mga gamit para sa pagluluto gaya ng paghuhugas ng paglulutuan at mga sangkap sa pagluluto.
Halang-Halang Recipé
Ito ang unang niluto ni Kuya kaninang umaga, ito ang tinatawag naming halang-halang kasi napakaanghang nito. Wala itong halong siling maanghang pero dahil ang lasa o flavor niya chilli o spicy flavor kaya maanghang talaga.
Mga Sangkap:
👉 Mantika
👉 Bawang at Sibuyas
👉 Tuyo
👉 Karne ng manok
👉 Asin at iba pang pampalasa
Paraan ng Pagluluto:
✍️ Una, pinapainit muna ang mantika at pagkatapos ay ilagay ang bawang at sibuyas. Haluin ito hanggang lumabas ang mabangong amoy at magiging kulay golden brown na siya.
Sunod ilagay ang karne ng manok at lagyan ng kaunting malinis na tubig para may sabaw siya. Takpan ito at maghintay ng ilang minuto hanggang sa lumambot na ang karne nito. Lagyan ng kaunting asin, paminta at iba pang pampalasa.
Kasunod na niluto ni Kuya ay lumpia at ito ay paborito ko ring kainin lalo na kapag nasa paaralan ako noong una. Madali lang itong lutuin at nakabalot na ito nang bilhin ito ni Kuya. Madali lang itong maluto at masarap ito kapag isinawsaw sa tuyo na may sili.
Latik Recipé
Nagluto rin kami kanina ng Latik, isa sa mga paborito naming kainin tuwing meryenda.
Mga Sangkap
👉 Asukal
👉 Hinog na Saging
👉 Gata ng Niyog
Paraan ng Pagluluto
✍️ Pagsama-samahin at ihalo lahat ang mga sangkap bago lutuin. Maghintay ng 45 minutes bago ihain.
Nagkatay rin si papa ng manok kaya medyo nadagdagan ang handa sa kaarawan ng aking ate. Dito sa ilog namin nililinis ang karne ng manok at hinuhugasan lang namin ng pangalawang beses sa bahay bago lutuin. Mapadali kasi ang paglilinis ng mga karne dito sa ilog kahit karne ng baboy o kinatay na baboy ay dito rin namin nililinis.
Ang ganitong uri ng okasyon ay pinagtutulungan talaga para madaling matapos ang mga gawain. Abalang-abala si Papa sa paglilinis ng karne ng manok habang si Kuya naman ay abalang-abala rin sa pag-iigib ng tubig. Si mama naman ay naghihiwa ng bawang at sibuyas para maluto agad pagdating sa bahay.
Agad naman itong niluto sa adobong potahe kaya sulit na ang among kainan at may natira pa para sa hapunan.
Happy bday sa ate mo.
Salamat po. 😊
Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.
Enhorabuena, su "post" ha sido "up-voted" por @dsc-r2cornell, que es la "cuenta curating" de la Comunidad de la Discordia de @R2cornell.
Thank you very much :)
happy Birthday kay Ate mo.
Salamat po.. 😊😊
Belated Happy Birthday po and God Bless you always reah...
Salamat sa Greetings kuya.. 😊
happy bday sa imo ate... kalami sa manok oi
Thank you ate.. 😊
Congratulations your post has been upvoted by the diligent team of seven, with a 40% vote percentage. we support quality posts by using @steemcurator06 . Keep using the tags #thediarygame and #country , when you write this theme Post.
Curated by @fantvwiki, June 28, 2022 .
Thank you very much :)