Club75|| Diary Game Season 3|| July 30, 2022|| "Simpleng Pagluluto Ng Gulay"

in Steemit Philippines2 years ago

20220729_183213_0000.png

Edited By: Canva Application

Magandang umaga sa lahat. Hangad nating magkaroon ng malulusog na pangangatawan dahil ito lang ang ating puhunan sa buhay. Kapag nagkakasakit tayo ay wala tayong magawang trabaho kundi ang humiga lang palagi. Nagdedepende sa ating kinakain ang sustansyang makukuha natin at kadalasan makukuha ito sa mga prutas at gulay. Sa probinsya kadalasang makakita tayo ng mga ibat-ibang uri ng gulay na nakatanim sa simpleng harden, at kadalasan ding luto nito ay ang tinatawag na BINAS-OY, o ang lutong walang sahog na karne kundi luya at kamatis lang.

IMG20220729174903_00.jpg

Bago tayo tumungo sa ating paksa para sa araw na ito ay iisa-isahin muna natin ang mga pangalan ng gulay na kadalasang nakikita natin sa ating bakuran. Isa sa mga popular na mga gulay ay itong tinatawag na Camote taps o talbos ng kamote.

Ito ang hitsura ng talbos ng kamote madali lang itong patubuin, putulin lang ang sanga nito at siyang ilalagay o itatanim sa lupa. Isang linggo mula sa pagkakatanim nito ay magkakaroon na ito ng ugat at may dalawang uri ng kulay ang talbos ng kamote, ito ay ang Pula at Puti.

IMG20220729173000_00.jpg

Ito naman ang tinatawag na Pako, isang uri ng gulay na matatagpuan at tumutubo malapit sa mababasang lugar gaya ng malapit sa sapa o ilog. Ang dahon nito ay parang dahon ng fern at gumagapang din ito. Madali lang din itong patubuin pero sa mababasang lugar. Masarap itong isahog sa sardinas at kalimitan, ginigisa ito kasama ang sardinas. Noong nakaraang araw ay naisipan kong magluto Pako vegetables na may kasamang sardinas na maanghang.

Napakasimple lang ang potahe pero masustansya at masarap. Kaya kapag pumupunta ako sa palengke ay agad akong bumili ng ganitong uri ng gulay.

🤔

Paano ba magluto ng BINAS-OY?

💡

*Bago lutuin ay kunin muna ang mga dahon ng mga gulay, ito lang kasi ang maluluto at hugasan ng mabuti para maalis ang mga maliliit insekto o ano mang mga maruming bagay.

IMG20220729180235_00.jpg

Sunod, maghiwa ng kamatis at luya. Nagbibigay ito ng magandang lasa sa lutuing pagkain. Ito na talaga ang tradisyon sangkap sa pagluluto ng pagkain.

Magpakulo ng tubig at kapag kumulo na ito ay agad ilagay ang talbos ng kamote. Medyo matagal kasi itong maluto kaya una itong ilagay at kapag luto na ito ay agad isunod ang Pako. Lagyan ng kaunting asin at vetsin at haluin ng mabuti hanggang sa maluto na.

IMG20220729232054_00.jpg

Ito na ang ating binas-oy recipé pwedeng-pwede ito sa mga bata dahil nagtataglay ito ng maraming sustansya na nakakabuti sa ating katawan.

image.png

Ang pagkain ng gulay ay nagtataglay ng maraming sustansya sa ating katawan. Kaya mas maganda na ugaliing kumain ng maraming gulay.

Bago ko tatapusin ang post ko ito ay nais kong ibahagi ang 20% mula sa payout kong ito sa @steemitphcurator.

Sort:  
 2 years ago 

oi hala, pwede tong pang entry sa vegetable recipe ba..ang sarap ng binas-oy bro😊

 2 years ago 

Yes ate.. pero magluluto nalang ako ng bago kasimas nauna pa kasi ito kaysa contest natin. 🤭🤭

 2 years ago 

Woah! Sarap nyan!

 2 years ago 

Salamat ☺️

 2 years ago 

This post has been chosen to be recommended for the @booming support program.

Date Evaluated: July 31, 2022

CategoryRemarks
#steemexclusive
At least Club5050
Plagiarism Free
Bot-Free
At least 300 Words
Delegator
Verified Member/Visitor
Voting CSI[ ? ] ( 0.00 % self, 0 upvotes, 0 accounts, last 7d )

Feedback: I encourage you to upvote more posts on Steemit Philippines Community to increase your Voting CSI.

Thank for creating a quality content in the Steemit Philippines Community.

-Admin/CR-Philippines-
@loloy2020

 2 years ago 

Thank you very much.. ☺️

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.16
JST 0.029
BTC 61129.24
ETH 2376.01
USDT 1.00
SBD 2.54