Club75|| Diary Game Season 3|| August 2, 2022|| " Ang Malakas Na Pagbaha Sa Ilog Ng Manticao"

in Steemit Philippines2 years ago

IMG20220801164313_00.jpg

Magandang umaga sa ating lahat mga ka-steemians.

Nakaranas kami ng matinding pagbaha dito sa aming lugar kahapon dahil sa sama ng panahon. Inuulat sa balita na may masamang panahon ang tatama dito sa Mindanao at nagdadala daw ito ng malakas na pag-ulan at malakasang pagbaha at nagkatotoo talaga ito. Ibabahagi ko sa inyo ngayon ang sitwasyon ng ilog namin dito sa bayan ng Manticao sa Misamis Oriental.

Sanay na kami sa ganitong sitwasyon gaya ng pagbaha maraming makikitang mga kahoy o kahit anong bagay na tinatangay sa malakas na agos ng tubig at nasanay na kaming palaging nakaalerto at nagmomonitor sa galaw ng ilog.

IMG20220801104111_00.jpg

Alas 11 ng umaga kahapon nang nagsimulang bumuhos ang napakalakas na ulan kasabay ng may kaunting pagkulog. Halos umabot ng 5 oras ang pagbuhos ng malakas na ulan habang kami naman ay naghahanda na sa posibleng pagbaha. Inihanda namin ang mga importanteng gamit gaya ng mga mahahalagang dokumento at iba pa. Hindi pa tumitila ang baha ay nagsimula nang tumaas ang tubig baha dito sa ilog. Nagsimula na kaming nagmonitor sa galaw ng ilog para hindi na maulit noong bagyong sendong na malapit kaming hindi makapunta sa mataas na lugar dahil biglang tumaas ang tubig.

IMG20220801160053_00.jpg

Dahil sa malakasang pagbuhos ng tubig ulan ay rumaragasa na kahit dito sa daan na ito ang tubig. Isa ito sa mga nagiging sanhi ng pagkawasak ng lupa at hindi na madaanan kong magpapatuloy pa ito. Ang mga lupa at mga bato mula sa mataas na lugar ay tinangay pababa dahil sa malakas na agos ng tubig.

Isa rin ito sa mga nagpapabaha dahil naiipon ang mga ito sa ilog. Pero kapag ganito lang ang sitwasyon ay maliit lang ang pagbaha pero hindi namin inaasahan na lalaki pa pala ito.

IMG20220801164319_00.jpg

Kapag mula sa mga maliliit na ilog nanggaking ang baha ay tiyak malaki ang pagbaha dito sa ilog namin kasi dito kasi naiipon ang mga tubig. Kaya kahapon ay nagulat kami sa aming nakita, napakalaking baha at mga punong-kahoy na tinangay ng agos. Nagulat din kami nang dumaan itong napakalaking puno ng kawayan at kahoy ng acasia.

Nasasabi ko talaga na napakalalim talaga ng ilog dahil madali lang tinangay ng tubig ang napakalaking kahoy at kawayan. Sa pakiwari ko ay may mga lugar na may malaking pagkawasak dahil sa walang humpay na pag-ulan kaya tuluyang gumuho ang lupa at tinangay ng tubig ito.

Nangangamba na kami baka aapaw uli ang tubig dito sa aming lugar kaya minabuti talagang nakaalerto kami palagi. Hindi kalaunan ay unti-unti na ring humuhupa ang tubig sa ilog at nag-iwan ito ng mga makakapal na putik. Dahil medyo madilim na nang humupa na ang tubig kaya hindi namin matansya kong ano-anu ang mga sira na naidulot ng pagbaha.

image.png

Pero kahit medyo delikado ang lugar namin dito ay palagi naman kaming nakaalerto kapag may sama ng panahon na nagbabadya. Masaya din kami dahil sa pagbaha sa ilog ay malinis na ulit ang aming ilog at magkakaroon din ng mga mapagkukunan namin ng pagkain sa araw-araw.

Bago ko tatapusin ang talaarawan ko oara sa araw na ito ay nais kong ibahagi ang 20% na payout mula sa post kong ito sa @steemitphcurator.

Sort:  
 2 years ago 

Hmm Buti alerto na kayo di biro talaga Ang bumaha relate na relate Ako Dyan. Wala tayong masalba pag laki na talaga Ang baha kundi sarili lang natin.

 2 years ago 

Tama ka ate.. kaya ang pag-iingat at alerto palagi ang pinakaimportante sa ganitong sitwasyon.

 2 years ago 

bakit ikaw ay nasa labas habang anlakas ng ulan? ingat ka!

 2 years ago 

Para may pangpost ate.. 🤭🤭 salamat po sa paalala.

 2 years ago 

lagi palang umuulan diyan. Ingat kayo lagi and dapat laging handa.

StatusRemarks
#steemexclusive✔️
At least #club5050✔️
Plagiarism free✔️
Bot free✔️
At least 300 words✔️
Verified member✔️

-Luzon Mod 02/08/2022

 2 years ago 

Salamat po sa rate.. ☺️

 2 years ago 

Salamat po ate.. opo, palagi kaming naghahanda dito lalo na kaoag may sama ng panahon..

 2 years ago 

Dahil sa kagagawan ng tao, tumatangis ang kalikasan. Yan ang isang proseso upang maghilum ito.

 2 years ago 

Tama ka ate.. ang ginawa natin ay tayo rin ang kawawa.Maraming salamat po sa pagbisita sa aking post.

 2 years ago 

amping mo diha!

 2 years ago 

Salamat ate.. ☺️

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 63749.66
ETH 3419.02
USDT 1.00
SBD 2.48