Club5050||Diary Game Season 3|| June 24, 2022|| "An Act Of Kindness And Photo-hunting Activities"
Edited By: Canva Application
Magandang umaga sa lahat.
Kahapon ay nagpasya si mama na tingnan ang mga pinaglumaang mga gamit ng aking kapatid lalo na ang kanyang mga kasoutan. Dahil hindi na magkasya kaya itinago nalang muna sa isang kahon para hindi mapunit o masira. Kahapon lang naisipan ni mama na tingnan uli ang mga pinaglumaan ng aking kapatid dahil mayhinahanap din siya.
Sa patuloy ng paghahanap sa mga gamit na pinaglumaan na ay ito ang aming naipon o nakita sa loob ng kahon. Nakakatawang isipin habang bumalik sa amin ang mga araw na isinoaout pa namin ang mga gamit na ito pero hindi na magkasya kaya ipamimigay nalang sa iba para mapakinabangan naman.
Pinili namin ang ganitong uri mg gawain, ang magbigay ng pinaglumaang mga gamit doon sa ibang tao para mapakinabangan pa at makakatulong sa iba na hindi na makabili at makakatipid na sila sa pagbili ng mga gamit o kasoutan. Iniisa-isa namin hanggang naubos na namin lahat ang pagpili. Ang plano naming bibigyan nito ay amg aming kapitbahay na may dalawang anak na lalake. Sa tantya ni mama ay magkakasya talaga ito sa mga anak ng aming kapitbahay kaya inabangan namin sila.
Nang nakita na namin ang mga anak niya ay dali kong tinawag at pinapalapit sa aming bahay. Agad namang ibinigay ni mama ang mga gamit at tuwang-tuwa ang mga bata na nakatanggap ng jacket, polo at tshirt. Nagpapasalamat naman sila pagkatapos at dali-daling umuwi.
Nais ko rin ibahagi itong napakasarap na tinapay at bigay dito sa mga paaralan. Programa kasi ito bilang feeding ng mga bata kaya nagasagawa at nagluto ang ibang ahensya ng Pamahalaan. Isa sa mga pangunahing niluto nila ay ang tinapay o nutri bun o milk bun ang tawag sa iba.
Nakarinig na ako ng pangalan na ito dahil ikinwento ito mg aking lola habang bata pa siya. Kapag araw ng myerkules ay binibigyan daw sila ng nutri bun kaya laking tuwa ko talaga na nakakita na ako ng nutri bun sa personal.
Ibabahagi ko rin itong bunga ng papaya dito sa likod ng bahay namin. Tinanim ko ito at sa wakas nagbunga na rin ang mga paghihirap at pagsisikap ko na itanim itong papaya. Balak ko na paramihin ito sa pamamahitan ng pagtatanim gamit ang mga buto nito.
Pwede ring ibenta ang mga papaya doon sa pamilihan kaya mas mabuti na marami ang mga tanim ko para may magandang aanihin at minus budget sa pangangailangan ng pamilya.
Ang pagtulong at pagbibigay ng biyaya mula sa Panginoon ay isang magandang uri sa buhay ng tao.Kapag magbigay ka, hwag umasa ng kapalit. Napakasaya at masarap sa pakiramdam ang nakatulong ka sa ibang tao. Ang mga gamit ay mawawala pero ang kabutihan ay mananatili sa kaisi0an ng bawat tao.
-Bago ko taposin ang talaarawan ko sa araw na ito ay nais kong ibahagi ang 20% na payout mula sa post kong ito sa @steemitphilippines-
Details | Remarks | |
---|---|---|
Date | June 24, 2022 | |
Time | 10 Am | |
Location | Manticao, Misamis Oriental | |
Community | Steemitphilippines |
Miss ko yang Nutri Ban. Dati sa elementary pa kami kahit 50 centavos lang baon namin no problem dahil yang Nutri Ban na napakalaki Yan Ang supply sa lahat na nag aral noon busog na busog kami.
Yan din ang sabi ng lola at mama ko ate. :) Salamat sa pagbisita sa aking post.
Congratulations, your post has been upvoted by The Team Industrial Seven.
We support posts using the @Steemcurator06 account.
Keep typing #thediarygame and using the thediarygame tag
Have a nice day.
Curated by @nadeesew
Thank you very much..
apakabait naman at namigay ng mga damit kayo sa mga bata... salamat sa inyung act of kindness
Nagpasalamat din ako dahil sa mama ko na napakabait ate. 😊
Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.
Thank you very much..
Sadyang mapahbigay, mapagkawang-gawa ang Filipino. Isa sa mga magagandang kaugalian natin. Ang mga biyayang natatanggap natin ay ininabahagi din sa kapwa. Yan ang tunay na Filipino. God bless you more for your kindness.
Thank you po. Godbless you too.