Club5050||Diary Game Season 3|| December 5, 2022|| "Night Photo Hunting"

in Steemit Philippines2 years ago

IMG20221205191158.jpg

Magandang gabi sa ating lahat mga ka-steemians..
Kumusta ng boung araw ninyo? Sana ay nasa maayosna kalagayan kayong lahat ngayon. Ang ibabahagi ko sa gabing ito ay tungkol sa pagkuha ko ng mga letrato ngayong gabi dito sa aming harden malapit lang sa bahay namin. Dahil maganda ang panahon kaya nakakalabas ako at makakagawa ng pagkuha ng mga magagandang larawan ng aming mga halaman. Ang una kong pinuntahan ay itong bagong bukang bulaklak ng gumamela. Mahilig kasi si mama na mangolekta ng mga bulaklak gaya nito. Nakabighani sa mata dahil sa matingkad na kulay at desenyo nito. Ang isa sa mga motibo kong bakit tiningnanko ng mga halaman dahil din sa mga maliliit na mga insekto na sumisira sa mga halaman.

IMG20221205191346.jpg

Sunod kong pinuntahan itong rosas na malapit nang malanta. Natutuyo na ng mga petals nito at unti-unting naging kulay brown ito. Minsan, naisip ko na ang buhay ng isang tao ay nahahalintulad sa bulaklak na ito, darating ng araw ay mawawala talag dito sa mundong ibabaw. Sinubukan ko ring tingnan ang mga dahon nito baka may mga appids na sisira sa mga halaman lalo na sa mga bulaklak. Nag-iisang bulaklak lang ito ni mama kaya inaalagaan talaga niya ito ng husto.

IMG20221205191204.jpg

Ito naman ang koleksyon naming halaman na kong tawagin ay San Francisco Plant. Maraming uri ng kulay ang halamang ito at kasamana rin ng desenyo sa dahon nito. Ang nakakabighani sa halamang ito ay ang kulay at desenyo ng mga dahon nito. Maganda itong itanim sa tinatawag na landscape o di kaya ay nakapaso lang. Pero dito sa amin, ginagawa namin itong bakud dahil may halos 30 na klaseng halaman kami dito.

IMG20221205191329.jpg

Ito naman ang tinatawag na bougonvilla o boombells sa maikling salita. May mga maraming klaseng kulay ng bulaklak ang halamang ito at ang iba ay may kaunting tinik pa sa puno nito. Hindi nauubusan ng bulaklak ang halamang ito pero nagadepende ito sa lugar na pinaglagyan. Kong nakalagay ito sa lugar na hindi masisikatan ng araw ay puro dahon lamang ang lalabas at kong sa lugar naman na nasisikatan ng araw ay lalabas ng napakaraming bulaklak.

IMG20221205191231.jpg

Hindi lang sa mga halamang ornamental ako tumingin kong maayos lang ba ang mga halaman tuwing gabi at wala bang mg maliliit na mga insekto sa mga dahon at bunga nito. Kasama ko ring tiningnan ang bunga ng aming bell pepper. Masaya ako dahil sa wakas ay namunga na ang matagal kong hinihintay at ito ang isa sa mga sangkap na sinasahug namin sa tinolang isda. Nang tiningnan ko ay maayos naman at walang mg insekto ang nakakapit dito. Sa susunodna araw ay pwede na itong anihin at isahug sa lulutuing ulam.

Sa pagtingin ko kanina aymaayos naman ng lahat kayalking tuwa ko naman dito. Bago ko tatapusin ang talaarawan ko para sa gabing ito ay nais kong imbitahan sina @jessmcwhite, ate @jurich60, at ate @amayphin para sa isang talaarawan at ng 25% mula sa payout sa post kong ito ay ibabahagi ko sa @null.

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.12
JST 0.027
BTC 64187.97
ETH 3476.17
USDT 1.00
SBD 2.49