Burnsteem25|| September 6,2022|| Diary Game Season 3|| " Nature Exploration"

in Steemit Philippines2 years ago

image.png

Edited By: Canva Application
Magandang hapon sa ating lahat.

Isa na namang napagandang araw para sa akin dahil sa paglilibut ko dito malapit sa aming lugar. Totoo talag na kapag inaalagan nating ang ating kapaligiran ay matatamasa talaga natin ang napakagandang lugar. Ngayong hapon ay ililibot ko kayo sa isa sa mga lugar na napakayapa at nakakarelax sa ating sarili.

Sa aking paglilibut sa naturang lugar marami akong nakikitang mga kakaibang mga halaman at mga insekto at nakakabighani ito sa mata. Dahil bakante ang aking oras at araw ay nagpasya talaga akong gumala kaninang umaga. Maganda kasing gumala kapag umaga pa dahil hindi mainit at napakalamig sa lugar. Para makita ninyo ang kagandahan ng lugar, ay iisahin ko ang mga larawan na kuha ko kanina.

image.png

Habang nasa paglalakbay ako ay nakita ko itong napakagandang insekto na nakagapang sa isa sa malalaking puno dito sa aming lugar. May mga magagandang kulay gaya ng kulay bughaw at pula sa likod nito. Hindi ko alam ang pangalan nito pero masasabi ko talaga na napakaganda niya. Pero ayun sa mga taong nakakilala nito ay hindi daw ito nakakasira sa mga pananim at ang kinakain nito ay mga maliliit lamang na mga insekto din. Nakatira ito sa mga dahon lalo na ang mga malalaking dahon kaya pahirapan o mahirap talagang hanapin ang ganitong uri ng insekto.

image.png

Isa itong uri ng insekto na kong tawagin namin ay gangis, kadalasan nakatira ito sa mga kahoy na medyo nalalanta na. Lumalaki ang mga insektong gaya nito depende sa lugar kong saan sila nakatira. Hindi rin ito nakakasira sa halaman dahil mga nalalantang mga kahoy lamang ang kinakain nito at kumakain din ito ng mga maliit ng mga insekto. Marami na akong nakikitang ganitong uri ng insketo nakakatakot itong tingnan dahil sa porma at mga kulay nito.

image.png

Sa pagpapatuloy ko sa aking paglalakbay, ay nakita ko itong isang pang uri ng insekto na kong tawagin namin ay tayangao. Napakabaho ang uri ng insektong ito dahil nagbubuga kasi ito ng mabahong amoy kapag ito ay nahawakan at maipit. Nakatira din ito sa mga dahon at mga bulaklak kaya mahirap din itong makita kapag ito ay nakatago.

image.png

Ang ang buhay ng tao ay sumasalamin sa isang halaman at bulaklak gaya nitong nakunan ko na letrato. May mga antas sa ating buhay hanggang tayo ay darating sa pagkamatanda at mawawala dito sa mundo. Kapag makakita ako ng mga bulaklak ay agad kong kukunan ng letrato. Dagdag pa dito ang mga tubig mula sa hamog kapag malamig ang panahon at mga insektong dumadapo dito sa naturang bulaklak. Maraming mga uri ng bulaklak na makikita dito sa aming lugar gaya nitong Gumamella. May mga ibat-ibang uri ng mga kulay ng gumamella at tumutubo ito depende sa lugar na pinagtutubuan nila.

image.png

Isa itong uri ng kabute na tumubo sa puno ng malunggay. May mga ibat-ibang uri ng kabute ang tumutubo dito dahil sa malamig at magagandang lugar. Kaunti lang ng kabute ang pwedeng kainin at may mga kabute ring hindi ligtas kainin at nakakalason.

image.png

Ito ay isang uri ng oud na napakadilikado. Kapag nakadapo ito sa balat ay napakakati nito. Isa itong uri ng oud na kong tawagin namin ay sapiring at kadalasang nakatira ito sa mga madamung lugar lugar, mga damuhan at mga malalaking uri ng punong-kahoy. Kahit ang mga manok nito ay hindi kumakain ng ganitong uri ng oud. Iniiwasan ito ng maraming tao lalo na ang mga bata dahil napakakit ito sa balat.

image.png

Ito ang tinatawag naming labod, isa sa mga malalaking oud na makikita dito sa lugar. Nakatira ito sa ilalim ng mga malalaking bato at malalamig na lugar. May mga iba pang kulay ng labod depende sa laki nito. Ang mga malalaking uri nito ay kulay sky blue at ang mga maliliit naman ay kulay pula. Hindi ito nakakasira ng mga pananim at sa katunayan ito ang kadalasang nilalaro ng mga bata dito. May mabahong amoy ang lalabas kapag ito ay napisa o naipit.

image.png

Dahil sa mapagmahal kami sa kalikasan kaya may mga magaganda kaming lugar dito. Isa rin ito para mapanatili ang kasiglahan ng lugar at magagamit pa sa susunod na henerasyon.

Bago ko tataposin ang talaraarawan ko sa hapong ito ay nais kong ibahagi ang 25% na payout mula sa post kong ito sa @null.

Sort:  
 2 years ago 

This post has been recommended for booming support today. Continue creating quality content here at Steemit Philippines Community.
Maraming salamat po.🙂

@fabio2614
Visayas Mod

 2 years ago 

Thank you very much..

Together we can rebuild.🌱💪 We have resteem this.🛡♻

 2 years ago 

Keep it up Bro, yang pangalaga ng kapaligiran ninyo kasi maka maintain nga pag aayos ng paligid.

 2 years ago 

Yes ate, tama po kayo.

Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.

Manually curated by @jasonmunapasee

r2cornell_curation_banner.png

 2 years ago 

Thank you very much..

 2 years ago 

super full of information naman ang blog na to..maraming salamat sa pagshishare ng mga insecto at iba pang mga bagay bagay na nakikita jan sa paligid ninyu.

i hope na mas malaki ung images para kitang kita ung mga insekto sa susunod! maraming salamat!

StatusRemark
Club status#club5050
#steemexclusive
Verified member
Not using bot
Word Count300+
Plagiarism Free
Delegator
burnsteem25

Thank you for joining the #burnsteem25 program!

Luzon Mod,
@junebride

 2 years ago 

Salamat po ate.. 😊😊

 2 years ago 

Macro photos. Takot ako dun sa mga uod. Hehe

 2 years ago 

Yung iba po nakakatakot talagang tingnan. 😊

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 58478.70
ETH 3158.37
USDT 1.00
SBD 2.43