Burnsteem25|| October 8, 2022|| Diary Game Season 3|| "Farm Land Cleaning"

in Steemit Philippines2 years ago

5_20221007_202913_0004.png

Edited By: Canva Application

Magandang umaga sa ating lahat mga ka-steemians.

Kapag produktibo tayo sa lahat ng oras o bagay ay makakakuha talaga tayo ng magagandang resulta o bunga ng ating pagsisikap. Ito ang ibabahagi ko sa aking taalarawan ngayong araw na ito. Para mapakinabangan ang lugar ay nagpasya kaming maglinis sa isa sa aming lugar dito sa Probinsya. Medyo matagal na itong hindi nalilinis at naging masukal na ito dahil sa mga damo na tumubo dito.

IMG20221007151447.jpg

Ito ang taniman lugar na pinagtatamnan ng mga saging. Dati, hindi malinis ang lugar na ito at napapalibutan ng mga nagtataasang mga damo. Medyo natagalan kasi ang paglilinis sa naturang lugar kaya ganon nalang ka dumi ang paligid. Ang lugar ay magandang pagtamnan ng saging. Puro matataba at hitik talaga sa bunga kaya nagpasya kaming puntahan ang lugar para linisin ito. Buti nalang at medyo hindi na mainit ang lugar kaya nagtuloy-tuloy kami sa paglilinis.

IMG20221007151517.jpg

Kahapon napag-isipan naming linisin ang naturang lugar. Nakakaawa kasing tingnan ang mga pananim na napapalibutan ng maraming mga damo. At para hindi maputol ang puno ng saging ay dahan-dahan lang na inaalis ang mga damo. Halos nasa 20 na mga puno ng saging ang nakatanim dito at ang iba ay namumunga na. Kamakailan lang ay nakakuha kami ng isang buwig ng saging dito mismo sa lugar na nilikinis namin at hinintay namin itong mahinog. Medyo mahirap ang paglilinis dahil kinakailangan pang gumamit ng patpat at dapat hindi tatama sa mga bato ang ginamit na panglinis. Kinakailangan ding tingnan ang ilalim ng mga damo baka may ahas o di kaya ay mga delikadong insekto na nakatago dito.

IMG20221007151529.jpg

Para hindi pamugaran ng mga insekto gaya ng mga lamok at mga delikadong hayop gaya ng ahas ay minabuting sunugin ito. Lubos naman ang aming pagbabantay para hindi kakalat ang apoy at pinapatay namin ito kapag lagpas na sa lugar. Katuwang naman sa paglilinis ng lugar ang aking tito at tita kaya napadali talaga ang paglilinis nito. Dahil napakainit ng panahon noong nagdaang araw kaya madali lang natuyo ang ibang mga patay na damo at madali lang itong nasunog. Nagpapaalis din ang usok sa mga lamok at mas maging kaaya-aya at malinis tingnan ang lugar.

IMG20221007151505.jpg

Sa ngayon ay namumunga na rin ang iba pang mga punong saging namin at ang plano nito ay ibebenta ito sa pamilihan o sa mga taong bumibili ng bulto-bultong saging. Nakakatuwang tingnan na ang pinaghirapan natin ay nagdudulot at nagbibigay na ng magagandang bunga o resulta. Para hindi masira ang bunga ng saging ay inalisan namin ng mga patay na dahon o gasing kong tawagin namin. Madali lang itong masunog dahil sa pagkakatuyo nito. Dito kasi namumugad ang mga insektong nakakasira ng mga saging gaya ng Appids at marami pang iba.

Nais ko ring ibahagi ang mga biyaya na nakuha namin sa likod ng aming paghihirap at pagsisikap sa pagtatanim ng mga saging. Ngayon ay nakaani na kami at unti-unti nang nahinog ang mga ito. Plano namin na ipamigay sa aming kamag-anak ang iba pang hinog na saging. Maganda kasing magbibigayan o magbigay sa kapwa.

images(2).jpg

Ngayon ay bumalik na sa dati ang ganda at kalinisan ng lugar. Sisikapin namin na maging produktibo at kapaki-pakinabang ang lugar para sa susunod na henerasyon.
Bago ko tapusin ang talaarawan ko sa araw na ito ay nais kong imbitahan sina ate @amayphin, ate @jurich60 at @jessmcwhite at ang 25% ng payout mula sa pot na ito ay ibabahagi ko sa @null.

IMG_20220922_191546.jpg

Sort:  
 2 years ago 

Hang sarap naman ng saging fresh na fresh. Yummy dahil hinog sa puno.

 2 years ago 

Yes ate, masarap talaga lalo na kapag na hinog ito sa puno mismo.

 2 years ago 

Kugihana uy heheheh... Kapag may itinanim may aanhin talaga hehe..Sarap ng saging pa deliver ako sa Bohol ah hehe 😊

 2 years ago 

Sure, ipa LBC ko nalng 😅😅

 2 years ago 

Evaluation Date: 10-08-2022

StatusRemark
Club status#club5050
#steemexclusive
Verified member
Not using bot
Plagiarism Free
Delegator
Supports burn steem 25

Evaluated by @juichi
Admin/Philippines Country Representative

 2 years ago 

Thank you for evaluating my post sir.

 2 years ago 

আমি গাছে কখনও পাকা কলা দেখিনি৷ ভালো হইছে আপনার পোস্টটি।

 2 years ago 

😊😊 Thank you very much for visiting my post..

 2 years ago 

Wow! Ganda naman at ang laki ng lugar nyo. Super ganda if ganyan kasi marami ka talagang maitatanim. Good yan po

 2 years ago 

Yes po. Napakablessed namin dahil may magagandang lugar kami.😊

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.16
JST 0.030
BTC 59007.15
ETH 2493.89
USDT 1.00
SBD 2.46