Burnsteem25|| October 18,2022|| Diary Game Season 3|| "My Activity For The Day""

in Steemit Philippines2 years ago

20221018_055608_0000.png

Edited by: Canva Application

Isang mapagpalang araw sa ating lahat mga ka-steemians.

Napakahalaga para sa ating lahat ang pagiging produktibo sa sarili. Nakakatulong ito para makamit ang ating tagumpay sa pamamagitan ng pagsisikap sa pamamagitan ng pagtatrabaho ng maayos. Kahit nasa bahay lang tayo ay may mga trabaho pa rin na naghihintay gaya ng pagluluto para sa pananghalian, haponan o di kaya ay sa agahan. Ang ibabahagi ko para sa araw na ito ay ang mga ginagawa ko kahapon dito sa bahay. Bawat kasapi ng aming pamilya dito ay may kanya-kanyang obligasyon, nakakatulong ito para mapadali ang trabaho ng aming pamilya. Napag-utusan ako ni mama na magluto ng ginisang kalabasa para sa tangahalian kaya agad ko namang ginawa para matapos. Simple lang na paraan ang pagluluto ko sa kalabasa at nais kong ibabahagi ito sa inyo.

received_1228612424662909.jpeg

Ang kalabasa ay isa sa mga gulay na napaksarap kainin. Ayun sa mga eksperto, nakakatulong daw ito para mas maging malinaw ang ating paningin at nakakatulong upang maging mapalakas ang ating katawan. Nakuha ko itong gulay na ito sa hardin namin malapit sa bukid, at masaya ako dahil namumunga ng marami ang mga kalabasa doon.

Narito ang mga sangkap sa pagluluto ng ginisang kalabasa;

  • Kalabasa
  • Bawang
  • Sibuyas
  • Mantika
  • Asin
  • Iba pang pampalasa
  • Tuyo

Una dapat balatan muna ang kalabasa bago hiwain, pwede ring hindi ito balatan basta hugasan lang ito ng mabuti sa malinis na tubig para maalis ang mga maruming mikrobyo na kakapit dito.

received_1299297177489082.jpeg

Magbalat ng bawas at sibuyas at hiwain ito ng pinong-pino para madali lang itong lutuin. Ang bawang at sibuyas ay isa sa mga sangkap na nagpapabango sa mga nilulutong ulam.

received_537516018384155.jpeg

Maglagay ng mantika sa kawali at painitin ito. Sunod ilagay ang bawang at sibuyas, haluin ito ng mabuti hanggang sa lumabas ang kulay golden brown nito kasama na ang mabangong amoy nito.

received_862069361485012.jpeg

Isunod na ilagay ang kalabasa, lagyan ito ng tuyo at haluin ng mabuti. Para sa mahilig magsabaw, pwede ring lagyan ng tubig para may sabaw ito. Kapag malambot na ang kalabasa ay lagyan ito ng pampalasa at haluin uli ng mabuti para maging balanse ang lasa nito.

1655301247470.jpg

IMG20221014163005.jpg

Nais ko ring ibahagi ang mga inani kong mga gulay ng talbos ng kamote dito malapit sa aming bahay. Masaya ako dahil sa wakas, nagbubunga na rin ang aking pagsisikap sa pagtatanim ng mga gulay dito sa aking simpleng hardin. Kapag ganitong klaseng gulay ay masarap ito kapag ito ay ginigisa rin kaya ito ang potahe na niluto ko mula sa talbos ng kamote.

IMG20221015071457.jpg

Agad ko namang niluto ito at ito ang naging output sa aking pagluluto ng ginisang talbos ng kamote. Maganda din itong gawing salad, pakukuluan lang ito at lagyan ng sibuyas, luya at suka.

images(2).jpg
Isa na namang katakam-takam ang ibinahagi ko uli dito, sana ay nagustuhan ninyo ang mga potahe na ibinibagi ko dito sa ating kumunidad.

Nais kong imbitahan sina ate @jurich60, ate @amayphin at @jessmcwhite sa talaarawan at ang 25% mula sa post kong ito ay ibabahagi ko sa @null.

IMG_20220922_191546.jpg

Sort:  
 2 years ago 

You have great photography. I like it very much. Your photography rules are beautiful. Moreover, the rules of writing are also very good.

 2 years ago 

Thank you for your inspiring comments bro.

 2 years ago 

Thank you for contributing content here at Steemit Philipinnes Community.
We are also inviting you to join our community ongoing Christmas Series Contest “Christmas Carol”
Also, refer a Friend to join Steemit and get rewards - read the details here.

Date verified: October 20, 2022
StatusRemark
Verified user
At least #club5050 status
Plagiarism free
#steemexclusive
Not using bot
At least 300 words
#burnsteem25

Keep creating quality content to have a greater chance of getting support from the curators.

 2 years ago 

Thank you very much ate.

 2 years ago 

This post has been recommended for booming support today.
Continue creating quality content here at Steemit Philippines Community.

Maraming salamat po.🙂

@fabio2614
Visayas Mod

 2 years ago 

Thank you..

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.12
JST 0.032
BTC 66903.90
ETH 3098.58
USDT 1.00
SBD 3.67