Burnsteem25||@null|| Diary Game Season 3|| "Calangahan Beach Resort"

in Steemit Philippines2 years ago

IMG20211217115042_00.jpg

Magandang umaga sa lahat.

Tayong lahat ay mahilig pumunta sa mga magaganda, malinis at preskong lugar gaya ng mga bundok, kapatagan at malapit sa mga ilog o karagatan. Ibabahagi ko sa inyo ngayon ang mga magagandang pangyayari ng aking buhay kahapon at ito ay ang pagpunta ko sa isa sa mga sikat ng baybayin ng Barangay Calangahan sa Lugait Misamis Oriental. Kaya samahan nyo akong maglakbay dito sa baybayin ng Calangahan at tuklasan ang mga magagandang lugar na makikita dito.

IMG20220606150845_00.jpg

Mula sa Barangay Poblacion ng Manticao patungong Calangahan ay babyahe pa ng 45 minutes bago makapunta sa naturang lugar. Marami namang masasakyan dito kaya lang aandar o babyahe lang sila kapag puno na ang sasakyan gaya ng baja o di kaya ay trisikad. Hindi naman gaanong may kalayuan mula sa manticao ang Calangahan at ito ang nagsisilbing border line sa pagitan ng dalawang Munisipalidad at ito ay ang Manticao at Lugait.

Maluwag ang daan dahil naka 4 lanes na ito kaya napapaluwag ang daloy ng mga sasakyan na dunaraan dito. Alas 7 lang ng umaga ay naghanda na ako para sa aking paggala sa naturang lugar.

IMG20211217115034_00.jpg

Malaparaiso ang naturang lugar, dahil sa ganda nito. Malinis ang lugar at napakapresko ng hangin. Malapit sa lugar na kinaroroonan ko ay matatagpuan ang bagong beach resort pero sa ngayon ay hindi pa ito pinapasukan ng mga bisita dahil kasalukuyan pang sinusuri ang bawat lugar kong ito ba ay pasado.

May mga kahoy din dito gaya ng romblon, isang uri ng halaman na pwedeng gawing banig ang mga dahon. Pero dito sa lugar na ito ay sinadya talagang itinanim ang kahoy na romblon dahil dagdag ganda ito sa lugar at sa resort na matatagpuan malapit dito.

IMG20211217115605_00.jpg

Medyo malalakas at malalaki ang mga alon dito sa lugar. Pero kahit ganon ay marami pa ring nagsisipunta dito para maligo at makita ang kagandahan ng lugar. Hindi naman lahat ng lugar ay puro mababato, may mga parte din ng lugar na mabuhangin. May mga mangingisda din na pumupunta dito para kumuha o maghanao ng makakain gaya ng alimasag, hipon, isda at mga iba pang lamang dagat na pwedeng ibenta o kainin.

received_394064965774562.jpeg

Para sa akin, hindi kompleto ang paglalakbay kapag walang masasarap na meryenda gaya nitong doughnuts. Bigay ito ng aking Uncle kaya napasarap ang kain ko ng meryenda. Minsan lang ako makakakin ng ganitong uri ng pagkain dahil kadalasan sa syudad lang ito makikita at minsan lang dito sa Probinsya. Bawat kahon o box ay may ibat-ibang uri ng flavors kaya makakapili ka talaga kong ano ang gusto mong kainin.

IMG20211217174802_00.jpg

Nang nakabalik na ako sa Manticao ay sakto namang ininyayahan ako ng aking pinsan na kumain ng halo-halo sa isa sa mga sikat na kainan dito sa aming lugar at ito ay ang skippers. Mahilig din akong kumain ng halo-halo kaya hindi ko pinalagpas ito dahil isa din kasi ito sa aking paboritong kainin.

image.png

Masasabi ko talaga na napakaganda ng lugar kapag ito ay mapanatiling mapangalagaan. Kaya habang hindi pa huli ang lahat ay dapat mapangalagaan natin ito.

Nais kong ibahagi ang 25% mula sa payout ng post kong ito sa @null.

Sort:  
 2 years ago 

Evaluation Date: August 01-2022

StatusRemark
Club status#club75
#steemexclusive
Verified member
Not using bot
Plagiarism Free
Delegator
Supports burn steem 25
 2 years ago 

Thank you for the rate sir.. ☺️

 2 years ago 

Ganda ng dagat, lalo na yung sa 4th pic.

 2 years ago 

Salamat ate.. 😊😊

 2 years ago 

Ganda Ng place or beach ninyo.

 2 years ago 

Salamat ate.. ☺️☺️

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 63768.98
ETH 3410.21
USDT 1.00
SBD 2.49