Burnsteem25|| Diary Game Season 3|| September 8, 2022|| " Tapioka"
Edited By: Canva Application
Tayong mga pinoy ay mahilig kumain ng mga panghimagas dahil nakakarelax ito sa sarili natin lalo na kapag napakainit ng panahon. Isa mga pangmeryenda at patok na patok sa panlasa nating mga pinoy ay ang samalamig o cold drinks lalo na ang tinatawag na "tapioka".
Kaladasan, ito ang isa sa mga inihanda sa isang selebrasyon gaya ng kaarawan, binyag, kasal at marami pang mga mahahalagang okasyon. Ito ang kinakain kapag tapos nang mananghalian o di kaya ay meryenda tuwing alas 10 ng umaga at alas 3 ng hapon.Ngayon araw ay ituturo ko sa inyo ang mga kaunting kaalaman ko sa pagluluto ng tapioka, hindi ito perpektong pagkakaluto pero masasabi ko na masarap talaga. May mga kakaunting sangkap sa paggawa nito at iilan sa mga sangkap nito ay may kaunting kamahalan ang presyo.
Mga Sangkap:
📝 Tapioka
📝 Condense milk
📝 White sugar
📝 Gulaman
📝 Buko ( Optional )
📝 Gulaman Powder
Paano ba gawin ito?
Ganito ang hitsura ng tapioka na hindi pa niluluto sa kumukulong tubig, mga maliliit na bilog at makukulay ang mga ito.
Pakuluan muna ng ilang minuto ang mga malikiit na mga tapioka sa mainit at kumukulong tubig. Para hindi magkakapikit ang mga tapioka ay magandang palagi itong hahaluin hanggang sa ito ay maluto na. Pagkatapos, ay hauinin ito at ilagay sa steamer at hugasan ng malamig na tubig.
Para naman sa gulaman, kumuha ng gulaman powder at pakuluan din ito. Lagyan ng kaunting mantika ang tubig at ilagay ang powder at haluin ng mabuti. Magandang haluin ito ng mabuti para maging balanse ang kulay at maganda ang texture nito.
Pagkatapos pakuluan ay ilagay ito sa malapad na sisidlan para madali lang itong pagpirapirasuhin. Palamigin ito at pagkatapos ay pirapirasuhin ito gamit ang matutulis na bagay gaya ng kutsilyo.
Ihanda na ang gatas kondensada at white sugar. Sabay ilagay ang tapioka at gulaman sa isang malinis na jar at ilagay ang kondensada at puting asukal.
Haluin ito ng mabuti para madaling matunaw ang asukal at maging balanse ang lasa nito. Hindi rin kompleto ang tapioka kapag walang yelo o hindi pinapalamig ng ilang oras.
Patok na patok din ito bilang pangnegosyo at mahilig kumain ang mga bata at matatanda nito lalo na kapag mainit ang panahon.
Many likes tapioka and you can try cooking the recipe too. It's nice especially you put it in the ref, you can give this to visitors on fiestas and they will like because it's a nice dessert, you will just put tapioka gulaman and you can buy it at the market too.
Yes , that is tru my friend. Thank you for visiting my post .
Congratulations!
Your quality content qualifies the TEAM 5 guidelines.
Your post is upvoted using the @steemcurator08 account by @frafiomatale. Continue making quality content for more support.
Thank you very much..
Masarap po yan. Asawa ko ginagawa nya rin yan na salad.
Tama ka kaibigan. Patok din ito sa negosyo.
Kalami ana oi, pag makasuroy mi diha sa inyo pakan a mi ana ha (:
Yes sir.. 😊😊