Burnsteem25|| Diary Game Season 3|| October 7, 2022|| "Exploring Sitio Along-Alongon"
Edited By: Canva Application
Isang mapagpalang umaga sa ating lahat mga ka-steemians.
Ito ang lugar ng along-alongon na matatagpuan sa Paniangan. Napapalibutan ito ng mga Malalaking punong-kahoy at mga ligaw na mga halaman kasama na dito ang mga damo. Kaunti lang ang nakatira dito at itong lugar na ito ay dating pastolan ng mga baka at kambing. May mga puno ng niyog din ang makikita dito sa lugar at ito ang isa sa pinagkukunan ng ikabubuhay ng mga residente dito. Ang pangalan nito ay hango pa sa mga ipinapangalan ng mga sinaunang taong nakatira dito. Ayun sa mga sabi-sabi, ang lugar na ito ay kinukuhanan ng mga kahoy para gawing kabaong o di kaya ay dito ginagawa ang mga kabaong para sa mga pamilyang yumao na. Nagpasalin-salin ang kwentong ito hanggang sa naging pangalan na ng lugar.
Dati, malinis pa ang naturang lugar dahil may mga tao pa kasing naglilinis at nag-aalis ng mga damo sa lugar. Dati kasi pinagtatamnan din kasi ito ng mga root crops at mga mais pero nang lumisan at umalis na ang ibang nakatira dito malapit sa lugar ay naging masukal na ito at pinagtutubuan uli ng mga damo. Ayon sa mga dating naglilinis dito, wala nang panahon para sa paglilinis ng lugar dahil iba na ang nagmamay-ari dito.
Gaya ng sinabi ko, may mga malalaking punong-kahoy ang matatagpuan dito sa lugar. Gaya nalang nitong malaking puting kahoy na tumubo malapit sa daan. Sa pagkakaalam ko ang kahoy na ito na kong tawagin namin ay Kalout ay ginagawang pospuro o di kaya ay kabaong konektado sa mga sabi-sabi tungkol sa kasaysayan ng lugar. Ito ang isa sa mga nagbibigay ng malamig at sariwang hangin sa lugar. Dahil sa nakakatulong ito sa lugar kaya hindi na pinutol ng mga tao ang kahoy na ito.
Dahil sa lamig ng lugar, may mga nagsisipagtubong mga halamang-ligaw gaya nitong fern na ito. Sa katunayan, may mga ibat-ibang uri ng fern ang makikita dito at isa sa mga fern na matatagpuan ang birds nest fern na makikita sa larawan. Kadalasan, tumutubo ito sa puno ng niyog o di kaya ay sa mga malalaking kahoy at bato. Ginagawa din itong palamuti kapag may mga programa lalo na kong may graduation, kasalan at iba pa. Pwede din it9ng gawing pang hanging-plant o di kaya ay panglandscape.
Ito ang puno ng Tugas na kong tawagin namin. Isa ito sa mga matitibay na kahoy at magandang gamiting haligi sa bahay. Ayun sa mga taong mas may kaalaman tungkol sa lugar, dati marami daw mga kahoy na Tugas ang nagsisipagtubo dito pero nang dahil daw sa paglilinis ng lugar para pagtamnan ay nawala ang mga ito. Nakalipas ang napakaraming taon, ay unti-unti nang bumalik ang sigla sa naturang lugar.
Gaya ng sinabi ko, unti-unti nang bumalik ang kasiglahan ng lugar. Sana mapapanatili ang kagandahan at kaayusan ng lugar para mapakinabangan pa sa susunod na henerasyon.
Bago ko tatapusin ang talaarawan ko sa araw na ito ay nais kong imbitahan sina ate @jurich60, ate @amayphin at @jessmcwhite para sa diary game dito sa steemit Philippines. Ang 25% mula sa payout sa post kong ito ay ibabahagi ko sa @null.
Details | Remarks | |
---|---|---|
Captured By | OppoA12e | |
Date | October 7, 2022 | |
Time | 7:30 AM | |
Location | Sitio Along-alongon Paniangan Misamis Oriental |
Buti yung lugar niyo marami pang puno. Sana di mahanap ng mga greedy businessmen.
Sana nga po sir. Para mapanatili ang kagandahan dito sa lugar namin.
Ang ganda ng place ninyo as in virgin place pa talaga kung baga ang daming anions pa ang hangin na malalanghap.
Yes ate.. Kaya blessed talaga ang lugar namin na sariwa at malayo sa mga pulosyun. 😁
Evaluation Date: October 07-2022
Thank you for the rate sir.. 😊😊
Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.
Thank you very much..
daming puno, malamig yata sa lugar nyo bro at saka ang ganda pa!
Yes ate.. Na preserve kasi ang mga puno dito dahil pinagbabawal na ang pagpuputol ng mga kahoy.
Siguro maganda jan mag camping...
Opo sir. Noong nakaraang araw may nag camping po dito at nagmula pa sila sa Iligan city.
Nindot gyud ning Lugar nga dghan ug green uys heheh
Lagi, makarelax sa kaugalingun hehe