Burnsteem25||Diary Game Season 3|| July 27, 2022|| "Tabing-Ilog"
Magandang gabi sa ating lahat.
Dahil mainit ang panahon kanina kaya naoag-isipan kong maglakad-lakad sa tabing-ilog. Sa aking paglalakad ay nakikita ko ang napakagandang lugar isa na dito ang napakaganda at preskong lugar dahil sa mga nagtataasang mga kahoy at malamig na simoy ng hangin.
Kapag inaalagaan natin ang ating lugar ay matatamasa talaga natin ang mapresko at malinis na lugar. Maiiwasan pa natin ang mga ibat-ibang sakit at mga mapaminsala at mapanganib na mga hayop gaya ng mga ahas kapag malinis ang ating lugar.
Malakukay kristal ang tubig sa ilog dahil napakalinaw ito. Makikita sa ilalim ang mga isda, hipon at alimasag na lumalangoy papunta sa malalim na parte ng lugar. Dito sa mga malalaking bato na ito kadalasang nagtatago ang mga hipon, alimasag at isda lalo na yung nangingitlog pa. Dito rin nagsisipaglaba ang mga karamihang nakatira malapit sa ilog.
May mga nagtataasang mga punong-kahoy na nagsisipagtubo malapit sa ilog. Hinayaan ng mga tao ang mga Puno na tumubo malapit sa ilog para magsisilbi itong pangharang upang hindi guguho ang lupa kapag may matinding pagbaha at pag-ulan. May mga puno din dito na oarang mga niyog at tinatawag namin itong Lubi-lubi ang hitsura nito ay parang niyog talaga. Sa kanyang katawan, dahon at maganda din itong haligi o sahig ng bahay.
Tumataas ito gaya kataas ng niyog at ang pinagkaiba lang sa niyog at ng punong ito ay hindi ito namumunga. Maraming mga ganitong uri ng puno ang makikita dito sa aming lugar. Ang ibang mga tao na nagmula pa sa malalayong lugar ay pumupunta lang dito para bumili ng ganitong puno para sa kanilang bahay. Ang ibang tao ay tinatawag itong Bogo depende lang kasi sa lugar ang pangalan nito.
Ang malaking kahoy na ito na kong tawagin namin ay macao ay nakatulong ito noong humagupit ang bagyonh sendong dito sa aming lugar. Nagsisilbi kasi itong harang sa malakas na agos na tubig. Buti nalang at may mga tanim na mga kawayan at mga Puno malapit sa ilog kaya hindi deriktang tumama ang malakas na agus ng tubig baha. Umapaw ang tubig baha pero hindi malakas ang agus nito.
Halos 45 na taon na itong malaking ouno na tumubo sa naturang lugar. May mga ibat-ibang uri ng mga hayop gaya ng mga ibon na dumadapo sa lugar . Nagsisilbi kasi nilang bahay ang malaking puno na ito at dahil nasisiyahan kaming makakita ng mga ibat-ibang uri ng mga ibon kaya hindi namin pinutol ang puno.
noong bata kami ng mga kapatid ko naliligo kami sa ilog. malinis pa noon. ewan ko lang ngayon.
Dapat talaga ingatan natin ang kalikasan.
--
Evaluation Date : July 27, 2022
#steemexclusive ✅
at least #club5050 ✅
Plagiarsm Free ✅
Bot-free ✅
at least 300 words ✅
Delegator ✅
Verified Member ✅
Thank you for creating quality content in the Steemit Philippines Community.
Visayas Moderator,
@me2selah
Sa panahon ngayon ate, kaunti nalang ang ilog na malilinis..
Hang lucky ninyo malapit kayo sa ilog. Sarap maligo at maglaba sa ilog.
Yes ate.. dito din kami naliligo. ☺️
Napaka swerte nyu po dahil malinis ang ilog na malapit sainyu. Kadalasan kc ngayon sa mga cities, ang mga ilog may mga basura. Pero sa mga tagong lugar like probinsya pasalamat dhil naPreserve pdin ang kalinisan.
Yes ate. Nagpapasalamat din ako dahil sinusunod naman ng mga taong nakatira malapit sa ilog ang pagbabawal sa pagtapon ng basura sa ilog.
malapit din kami sa ilog, pero di pa ako nakaka explore dun ng mabuti.. sana soon...
Wow talaga ate?
Curated by @marlyncabrera
SteemCor07 - Lifestyle Curation Team
Thank you very much..
I wish to have a small house near a river...
Naku sir, dilikado sa baha.. 😁😁