Burnsteem25|| Diary Game Season 3|| July 20, 2022||Steemit Garden Journal: "Eggplant Transferring"

in Steemit Philippines2 years ago

png_20220720_071233_0000.png

Edited By: Canva Application

Magandang umaga sa lahat.

Nagmahal na ang mga bilihin ngayong panahon lalo na ang mga gulay gaya ng Pechay, ampalaya, kalabas, pipino at talong kaya mas maganda talaga na madiskarts tayo sa buhay para minus gastos na tayo. Ibabahagi ko sa inyo ngayong umaga ang paglilipat ko ng mga pananim kong talong sa ginawa kong plot dito sa aking STEEMIT GARDEN at ito ang bahagi ng aking garden journal sa araw na ito.

IMG20220720060948.jpg

Ang paglilipat ng mga maliliit pang mga halaman na talong ay medyo delikado dahil malambot ang mga puno nito at madaling mabali. Sa katunayan, pinupunla muna ito bago itanim sa gagawing plot. Ang kagandahan ng pagpupunla ay mapoprotektahan ang mga halaman laban sa mga hayop gaya ng kambing, manok at iba pa. Pwede mo kasing ilagay ito sa mataas na lugar na hindi maabot ng mga hayop.

Sa aking pagkakaalam tungkol dito, dapat ililipat ang mga pananim na talong kapag ang haba nito na isang pulgada. Nakakatulong kasi ito para hindi manghihina ang gulay, kapag kinukuha kasi na malaki na manghihina ang halaman at may tsansa na ito ay mamatay.

IMG20220720060951.jpg

Dapat sa paglilipat nito mula sa punlaan ay kinakailangang dahan-dahan at hindi dapat matamaan ang mga ugat nito. Mas mabuti na isama ang lupa para hindi mabali ang mga puno ng talong. Ito ang mahalaga kapag itinanim mo lang ng mababaw dahil madali lang itong bungkalin kapag ililipat na sa ibang lugar.

Ang lalim na sukat ng pagtatanim ng mga buto ng Talong ay dapat isang pulgada lamang. Madali lang itong tumubo kapag nadidiligan ng tubig na may kasamang organic fertilizer. Dahil organic fertilizer ako, ang ginamit kong pataba ay ang fermented na bani ng saging. Ibinababad ko ito sa tubig ng 3 araw bago ko idinilig sa aking mga halaman.

IMG20220720061001.jpg

Ganito ang tamang paglilipat ng mga gulay na talong. Kinakailangang samahan ng lupa para hindi mabali o mapunit ang mga puno nito. Sa paglilipat nito ay dapat malambot ang lupa para madali lang matanggal, kinakailangan ding basain muna ang lupa bago bungkalin para mas mapalambot at mapadali pa ang pag-alis o pagtatangal nito.

Sa pagtatanim ng talong ay dapat suriin muna kon ito ba ay tama sa sukat, malulusog ba o malalaki ang mga puno nito, bago ilipat sa plot na pagtatamnan.

IMG20220720061035.jpg

Agad ilalagay sa plot ang mga nakuhang mga halaman na talong at sa pagtatanim nito, pwedeng isa o dalawang piraso ang itatanim sa lugar. Dapat ang lugar na pagtatamnan nito ay malinis at walang damo nakatubo. May tsana kasing agawin ng mga damo ang sustansya na dapat ay para sa mga halaman lamang.

Mas madaling tutubo ang talong kapag malambot ang lupa at palaging binubungkal kaya panatilihi na malambot at mabasa ang lupa na pagtatamnan nito.

Dahil wala akong water sprinkler kaya ang naisip ko ay gumamit nalang ng lata. Binutasan ko ito sa dulo at ito ang ginamit kong pandikig sa halaman. Hindi kasi pwedeng diligan ito gamit ang tabo dahil mawawala ang lupa sa pinagtatamnan nito kaya nararapat talaga na hindi malakas ang pwersa ng tubig sa pagdidilig.

Hinaluan ko ng organic fertilizer ang tubig na pinandilig ko sa mga halaman. Nakakatulong ito para malusog at madaling tumubo.

IMG20220720065630.jpg

Tapos ko nang inilipat ang aking mga gulay na talong dito sa plot na ito. Ang tanging gagawin ka nalang ay mapanatili ang malinis na lugar at alisin ang mga damo na siyang nakakasira sa aking mga halaman dito sa aking munting hardin.

images.jpg

Bago ko tataposin ang Garden Journal ko sa araw na ito ay nais kong ibahagi ang 25% mula sa payout ng post kong ito sa @null.

Sort:  
 2 years ago 

Evaluation date: 07-20-2022

StatusRemark
Club status#club75
Verified member
Plagiarism-free
steemexclusive
Bot-free
Words count300+
 2 years ago 

Thank you for the rate..😊😊

Sprouting goodness!🌱

 2 years ago 

Dami kong natutunan dito. Wala talaga akong kaalam-alam sa pagtatanim. Yung lola and papa ko lang talaga ang mahilig. May succulent ako before, bigay ng best friend ko, pero namatay. Succulent na nga yun, pero namatay parin.

 2 years ago 

Yung succulent ate, once a week lang bibinyagan yan. 😊😊 May succulent din kami dito, Black prince ang pangalan.

 2 years ago 

Congratulations! This post has been upvoted through steemcurator08.


Curated By - @samuel20
Curation Team - Lifestyle Curation Team

 2 years ago 

Thank you..

 2 years ago 

Galing Naman di mo lang mamalayan Ang araw may maharvest na kayo

 2 years ago 

Yes ate, salamat sa pagbisita sa aking post. 😊😊

Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.

Curated by Blessed-girl

r2cornell_curation_banner.png

Enhorabuena, su "post" ha sido "up-voted" por @dsc-r2cornell, que es la "cuenta curating" de la Comunidad de la Discordia de @R2cornell.

Visit our Discord - Visita nuestro Discord

 2 years ago 

Thank you very much..

 2 years ago 

maayos tingnan ang mga halaman.. for sure lalaki sila ng mabuti!

StatusRemark
Club status#club75
#steemexclusive
Verified member
Not using bot
Plagiarism Free
Delegator

Luzon Mod,
@junebride

 2 years ago 

Tama ka ate. Salamat po sa rate..

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.12
JST 0.028
BTC 65805.01
ETH 3514.46
USDT 1.00
SBD 2.47