Burnsteem25|| Diary Game Season 3|| July 19, 2022|| "Food Distribution"

in Steemit Philippines2 years ago

20220719_170020_0000.png

Edited By: Canva Application

Magandang hapon sa lahat.

Marami tayong mapapasayang tao kapag natulungan natin sila kahit kaunti. Makadarama tayo mg kagalakan kapag may napapasaya tayong tao. Ito ang ibabahagi ko sa inyo ngayong araw na ito, ang pamamahagi ko ng bigas sa dalawa naming kapitbahay na matatanda at walang pamilya. Matagal na namin silang kapitbahay dito at tanging sila-sila lang ang nakatira sa kani-kanilang bahay. Napag-isipan kong magbigay kanina ng bigas sa aming kapitbahay. Saksi ako sa kanilang dalawa dahil tanging ikabubuhay lang nila ay ang mga suporta at bigay na pagkain din sa kanilang kamag-anak at dahil malaki pa rin ang tubig baha ay hindi makakatawid ang nagbibigay ng pagkain nila.

IMG20220719131955.jpg

Bawat isa sa kanila ay makakatanggap ng tiglilimang kilo ng bigas. Isang malaking tulong na ito para sa kanila. Ang naipon kong earnings mula sa ibang crypto ay binili namin ng bigas para sa kanila. Inihanda ko ang mga ibibigay na bigas sa kanila.

IMG20220719142001.jpg

Ang una kong pinuntahan para bigyan ng bigas ay ang bahay na ito. Pag-aari ito ng nagngangalang Bonifacio, 84 na taong gulang at walang pamilya. Nakakaawa siya dahil walang nag-aaruga sa kaniya at tanging ang tulong mula sa kamag-anak niya ang inaasahan niya sa araw-araw. Pero dahil sa nagdaang malakas na pagbaha ay hindi makatawid ang maghahatid sana ng pagkain kaya halos walang makain si lolo Boni.

IMG20220719142048.jpg

Nang makita ni lolo boni ang dala kong bigas para sa kanya ay laking tuwa niya talaga. Aniya, hindi daw siya makakain ng tatlong beses sa isang araw dahil binabudget niya ang kanyang bigas dahil paubos na ito. Sana raw ay huhupa na ang baha para makatawid na ang kanyang mga kamag-anak para sa kanyang pagkain. Nagpapasalamat naman si lolo sa natanggap niyang bigas at magbibiruan pa kami dahil palabiro rin siya.

IMG20220719143313.jpg

Sunod kong pinuntahan ang lugar na malapit sa bundok at medyo pahirapan talaga ang pagpunta doon sa maputik at madulas na lugar. Kinakailangang dahan-dahan lang talaga sa pag-akyat dahil napadulas ang daan at baka mahulog ako.

IMG20220719143543.jpg

Ito ang bahay ng isa rin sa aming kapitbahay at ang pangalan niya ay itatago natin na "Ragy" siya ay wala ring pamilya at nag-iisa lang su buhay. Dahil sa sakit na tuberculosis noong una ay tumigil siya sa kanyang trabaho bilang construction worker. Dahil sa tulong ng aking mama ay naipagamot siya agad at binigyan pa ng vitamins at gamot para sa sakit na Tuberculosis.

Dahil sa tumigil na siya sa trabaho dahil sa kanyang sakit ay malaki ang pagbabago sa kanyang buhay. Tanging ang tulong lang din ng kanyang kamag-anak ang kanyang inaasahan.

Barong-barung lang ang kanyang bahay at gawa sa pinagtagpi-tagping yero ang dingding nito. May mga dingding na kawayan din malapit sa kanyang maliit na kusina at napakiliit lang talaga mg kanyang bahay.

IMG20220719143559.jpg

Laking tuwa niya sa kanyang natanggap na bigas at aniya, malaking tulong na daw ito para sa kanya lalo na at panahon ng tag -ulan. Lubis naman siyang nagpapasalamat dahil kahit matanda na daw siya ay marami pa ring kaibigan at kapitbahay ang tumutulong sa kanya.

images.jpg

Masaya ako dahil unti-unti dumarami ang aking natulungan kahit sa simpleng paraan. Masaya ako dahil sa mga hatid kong kaligayan para sa aking kapwa.


Ang 25% ng payout ko sa post na ito ay ibabahagi ko sa @null.

Sort:  
 2 years ago 

God bless the cheerful giver like you po. Nakaka Blessed kang subra. 😇

 2 years ago 

Salamat po 😊😊

 2 years ago 

Evaluation Date: July 19-2022

StatusRemark
Club status#club75
#steemexclusive
Verified member
Not using bot
Plagiarism Free
Delegator
Supports burn steem 25
 2 years ago 

Thank you for the rate sir..

 2 years ago 

Ka very good nimu dodong oi... At your young age, naisipan mong mamigay, praying that God will bless you more

 2 years ago 

Daghang salamat ate.. 😊😊

 2 years ago 

Bless you more sa paging generous.

 2 years ago 

Salamat po ate..

Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.

Manually curated by @jasonmunapasee

r2cornell_curation_banner.png

 2 years ago 

Thank you very much..

 2 years ago 

God bless and more blessings sa inyu! For sure may balik ang Diyos sa mga nasagawa nyu pong pamimigay ng blessings!

 2 years ago 

Salamat ate. God bless you too.

 2 years ago 

May the good Lord bless you even more! May you continue to be an inspiration to everyone!

 2 years ago 

Thank you ate. Godbless you too 😊

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.13
JST 0.028
BTC 64074.25
ETH 3195.10
USDT 1.00
SBD 2.62