Burnsteem25|| Diary Game Season 3|| Garden Journal: "Vegetables Checking"

in Steemit Philippines2 years ago

png_20220721_195151_0000.png

Edited By: Canva Application

Magandang gabi sa ating lahat.

Magkakaroon talaga tayo ng kasayahan sa buhay o sarili kapag nakita natin ang magandang resulta ng ating pinaghirapan at pinagpaguran. Kaninang umaga ay binisita ko uli ang munting hardin ko malapit sa aming bahay, at inisa-isa kong tiningnan ang mga gulay na itinanim ko. Isasama ko rin kayo sa aking munting hardin dito sa aming lugar para makita nyo rin ang magandang resulta sa likod ng aking pagsisikap at paghihirap. Ang unang larawan na inyong nakikita ay ang mga tanim kong pipino. Noong una isang pulgada lang ang haba nito at maliliit pa ang mga dahon, pero ngayon malalaki na at sa susunod na araw ay may vine na ito na siyang kumakapit sa pwedeng makapitan at mamunga.

Dahil hindi ko pa natapos ang paglilipat ng iba kong mga gulay mula sa punla kaya minabuti munang ilagay sa ligtas na lugar para hindi mawasak o masira dahil sa mga hayop gaya ng baka , manok at iba pa.

IMG20220721135145.jpg

Ang mga tanim ko ring alugbati ay unti-unti na ring lumago at gumagapang na kaya nagpasya akong lagyan na ng frame sa susunod na araw at nakakatulong talaga ito para may ulam na sa pang-araw-araw. Marami pa akong dapat gawin sa aking munting hardin at iilan sa mga proyekto ko ay ang pagbubungkal ng lupa para mapanatili ang malambot na lupa para madaling tumubo at lumaki. Ang palaging nakabungkal na lupa ay nakakatulong ito para madaling makapasok ang tubig na dinidilig sa halaman at madaling makarating ugat ng tinanim nating gulay.

IMG20220721135120.jpg

Naibahagi ko na dito noong nakaraang post ko amg tungkol sa paggawa namin ng frame sa iba pang plot nang hardin at ngayon ay lumagpas na sa frame ang mga tanim kong alugbati. Mahilig kaming kumain ng gulay na ito kaya palaging bumibili si mama ng alugbati at ang mga tubers nito ay itinanim namin para hindi na kami makabili sa palengke at maging minus gastos. Masaya ako dahil lumaki sila na malulusog at matataba dahil sa mga organikong pataba na inilagay ko sa aking mga pananim.

IMG20220721135226.jpg

Ang tanim kong malunggay na dati ay puro mga sanga lang ang nakikita pero ngayon ay may mga dahon nang umusbong sa puno niya. Ang malunggay ay nagtataglay mg maraming bitamina at sustansya na makakatulong sa ating katawan. Pwede rin itong panggamot sa mga sumasakit ang tiyan at sa mga bagong panganak na mga ina ay nagbibigay din ito ng bitamina para marami ang gatas ng ina.

Masaya akong nakita ito kanina dahil a wakas ay tumubo na rin ang aking malunggay dahil sa ilang linggo kong paghihintay ay nakita ko na rin ang mga magagandang dahon nito.

IMG20220721173520.jpg

Dahil medyo tigang na ang lupa na tinaniman ko pipino kaya napag-isipan kong bungkalin din ito. Ang mga pipinong ito ay ang una kong inilipat sa pagtatamnan nito, at ang iba ay hindi pa nailipat dahil sa may ginawa kaming importanteng bagay. Bago ko binungkal ay binasa ko muna ng tubig ang boung paligid nito para madaling bungkalin at mapalambot ang lupa. Inalisan ko ng mga damo ang paligid nito para malinis siyang tingnan. Dahan-dahan kong binubungkal ang paligid nito hindi matamaan ang mga ugat ng pipino.

IMG20220721171545.jpg

Ito ang inihalo ko sa tubig. Ito ang tinadtad na bani ng saging at nilagyan ko ng tubig at hinayaan kong ibabad ang bani ng tatlong araw at fermentation ang tawag dito. Mapapadali ang pagtubo ng mga gulay kapag dinidiligan nito. Natutunan ko ito sa paaralan lalo na ang paggawa ng organikong pataba para sa mga halaman.

images.jpg

Dahil sa patuloy na lumalago at lumalaki ang mga malulusog kong mga gulay ay magpupirsigedo talaga ako para mapanatili ang kagandahan ng aking munting hardin.

Bago ko taposin ang post ko sa gabing ito ay nais kong ibahagi ang 25% sa payout ng post kong ito sa @null.

Sort:  
 2 years ago 

Hmm now ko lang alam abono Pala Ang bani Ng saging.

 2 years ago 

Yes ate..😊

Breeding green goodness!💚☘ Resteemed.

 2 years ago 

Thanks..

 2 years ago 
Evaluation date: July 21, 2022
StatusRemark
Club statusclub75
Verified member
Plagiarism-free
steemexclusive
Bot-free
Words count300+

Maraming salamat po.🙂
@fabio2614, MOD

 2 years ago 

Salamat po sa rate.

 2 years ago 

pwede pala ung bani ng saging gawing fertilizer? ang galing naman! salama t at may natotonan din ako!

StatusRemark
Club status#club75
#steemexclusive
Verified member
Not using bot
Word Count300+
Plagiarism Free
Delegator

Luzon Mod,
@junebride

 2 years ago 

Yes ate pwede po. Hayaan nyo ibabahagi ko pa ang ibang paraan ng ng organikong abono.

 2 years ago 

Congratulations! This post has been upvoted through steemcurator08

Curated by @mrsokal

SteemCor07 - Lifestyle Curation Team

 2 years ago 

Thank you very much..

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.20
JST 0.033
BTC 92034.70
ETH 3102.77
USDT 1.00
SBD 3.07