Burnsteem25|| Diary Game Season 3|| Diary Game Season 3|| "My enjoyable Activity"

in Steemit Philippines2 years ago

png_20221012_164812_0000.png

Edited By: Canva Application
Isang mapagpalang araw sa ating lahat mga ka-steemians.
Tayong lahat dito sa mundo ay may kanya-kanyang papel sa buhay. Abalang-abala sa lahat ng mga ibat-ibang gawain sa bahay man o sa komunidad. Ang ibabahagi ko sa inyo ngayon ay ang mga aktibidades sa aking buhay kahapon . Para mas maliwanagan o di kaya ay para malaman nyo ang aking ginagawa sa araw na ito, narito ang mga pangyayari.

IMG20221012102820.jpg

Kaninang umaga ay naisipan naming magpaharvest ng mga niyog dito sa aming lugar, hinaharvest kasi ito kada dalawang buwan. Masaya kami dahil marami ang naharvest naming niyog kaninang umaga. Napakasaya ko dahil nagbubunga ng maganda ang mga paghihirap at pagsisikap ng aking papa sa pagtatanim ng mga niyog. Ito ang pangunahing pinagkukunan ng panghanap-buhay. Umaga pa lang ay nagsidatingan na ang mga tao na siyang aakyat at maghuhulog ng mga niyog. Mas maganda daw na magsisimula ng maaga para maaga ring matatapos.

IMG20221012103134.jpg

Hindi madali at napakahirap ng kanilang trabaho pero para maitaguyod ang pamilya ay kinakailangan talagang kumayod. Napakdilikado para sa kanila ang kanilang ginagawa dahil isang maling hakbang ay tyak mahuhulog sila mula sa itaas ng niyog. Masaya naman kami dahil sa loob ng maraming taon ay hindi pa rin sila nagsawa na manilbihan bilang tagahulog ng niyog. Pero sa napapansin ko kahapon ay parang mahal nila ang kanilang trabaho at parang magaan lang para sa kanila ang kanilang ginagawa.

Habang naghuhulog sila ng niyog ay abala naman kami sa baba sa pagtitipon ng mga hinulig na niyog para madali nalang hakutin ng tagahakot. Kangga o kariton na hinihila ng kalabaw ang gamit sa paghahakot ng mga niyog at dinadala pa ito sa kabilang parte ng lugar na malapit sa kalsada.

IMG20221012102957.jpg

Buwig ng niyog ang kadalasang nahuhulog, ibig sabihin sagana at marami ang maaani namin ngayong buwan ng Oktobre. Kahit sa matinding init na nagdaan pero nananatili pa rin ang pagiging sagana at dami nito. Sakto naman at habang nagsasagawa ng pagharvest ay maganda naman ang panahon kaya tuloy-tuloy ang pagtatrabaho. Ang prediksyon ng aking papa ay mas marami pa ang makukuha sa susunod.

IMG20221012151703.jpg

Syempre hindi mawawala ang buko bilang pangmeryenda sa matinding init dulot ng matinding sikat ng araw. Kinaugalian na talaga namin na magpapahulog din ng mga buko para gawing Labog o yung buko na nilalagyan ng gatas, biscuit at mani at yelo. Minsan lang kasi kami makakain ng buko kahit may mga niyogan kami dahil walang gustong aakyat dahil takot. Makakain lang kami kapag ganito ang pangyayari.

Ayun din sa mga sabi-sabi na ang sabaw ng buko ay nakakatulong para mapalinis ang daanan ng ihi ng isang taoat nakapagpababa ng blood pressure. Nakakagamot din ito sa mga taong may matinding ubo at may U.T.I.

Coin Collecting

IMG20221011155335.jpg

Nais ko ring ibahagi ang mga inipon at kinolekta kong lumang mga barya gaya ng 25 cents. Mahilig kasi akong mangolekta ng mga lumang barya gaya nito. Ayon din sa mga sabi-sabi ay may mga taong naghahanap at bumibili ng mga lumang mga barya kaya naisipan kong iponin at kolektahin ang mga lumang barya na meron kami. Ang nakakaagaw pansin sa lahat ay itong lumang barya na ang marka ay nagmula pa sa ibang bansa dahil sa hindi maiintindihan na marka at ayon sa marka ay nagmula pa ito sa bansang españa. Nakita ko ito sa malaking kahoy ng mangga habang ako ay naghahanap ng bunga ng mangga, agad ko namang kinuha at pinakintab.

Usapang food trip naman. Nais ko ring ibabahagi ang napakasarap na snacks ko at espesyal ito dahil pagkaing japanese ang isa at ang tawag ay Chizu. Ang isa naman ay malaputo bong-bung ang dating. Ang lahat ng ito ay mga paborito kong kainin.

images(2).jpg

Mahalaga para sa ating lahat ang palaging produktibo sa sarili. Nakakatulong ito para tayo aasenso sa buhay.
Bago ko tatapusin ang talaarawan ko para sa araw na ito ay nais kong imbitahan sina ate @jurich60, ate @amayphin at @jessmcwhite at ang 25% na payout mula sa post kong ito ay ibabahagi ko sa @null.

IMG_20220922_191546.jpg

Sort:  
 2 years ago 

Sus, fave namin ni hubby ang buko, almost everyday kain kami but noong nalaman namin maka taas pala sa blood sugar gi stop na namin. Ay nice yang collecting ng old coins laki ang value pag daan ng panahon.

 2 years ago 

Tama ka ate.. kaya inipon ko talaga ang mga old coins.

 2 years ago 
Date verified: October 13, 2022
StatusRemark
Verified user
At least #club5050 status
Plagiarism free
#steemexclusive
Not using bot
At least 300 words
#burnsteem25

Thank you for creating quality content here at Steemit Philippines Community.

 2 years ago 

Youre most welcome. Thank you also for evaluating my post. 😊

Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.

Curated by Blessed-girl

r2cornell_curation_banner.png

Enhorabuena, su "post" ha sido "up-voted" por @dsc-r2cornell, que es la "cuenta curating" de la Comunidad de la Discordia de @R2cornell.

Visit our Discord - Visita nuestro Discord

 2 years ago 

Gracias..

Your article has been supported by @josevas217 from Team 2 of the community curator program. We encourage you to keep producing quality content on Steem to enjoy more support from us and a likely spot in our weekly top 7.

20220902_095909_0000.png

 2 years ago 

Thank you very much..

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.16
JST 0.029
BTC 74226.19
ETH 2639.64
USDT 1.00
SBD 2.42