Burnsteem25|| Diary Game Season 3|| August 30, 2022|| "Farm Visit"

in Steemit Philippines2 years ago (edited)

png_20220830_075055_0000.png

Edited By: Canva Application

Magandang umaga sa lahat.

Muli ako ay nagbabalik dito sa steemit platform at nagpapasalamat ako dahil sa wakas ay naging bahagi uli ako sa club ng steemit. Ngayon lang umaga ay naisipan naming bisitahin ang lupain namin sa bundok at sa tabi ng ilog. May nakapagsabi kasi na may parte ng aming lugar ang gumuho dahil sa landslide dulot ng malakasang pag-ulan noong nakaraang araw. Mas maganda din kasi na maaga pupunta dahil hindi pa mainit at paraan din ito ng pang-ehersisyo. Pero bago ang lahat ay ibabahagi ko muna ang sitwasyon ng aking munting hardin malapit sa aming bahay. Marami nang beses na naibahagi ko dito ang tungkol sa aking STEEMIT GARDEN. Bibigyan ko kayo ng update tungkol sa aking mga pananim dito malapit sa aming tinitirhan.

IMG20220830065858.jpg

Ito ang tanim kong talong. Naibahagi ko na dito ang tungkol dito pero dahil sa nakita ko kanina na malusog ang mga pananim ko kaya tuwang-tuwa akong ibabahagi dito. Mas dadagdagan ko pa ang pagsisikap ko na alagaan ang aking mga halaman para may mapakinabangan pagdating ng tamang panahon. Sa tulong din ng mga bakud ko ay hindi nakain ng mga hayop ang aking mga pananim at ang paglalagay nalang ng abono ang gagawin ko dito.

IMG20220830065840.jpg

Ito naman ang mga tanim kong sili. Maliit pa ito nang ibahagi ko dito sa ating kumonidad. Pero mgayon, malusog din itong tumubo. Sa katunayan, napakamahal ng kilo ng siling maanghang dito sa aming lugar at mahilig din kami sa maanghang kaya naisipan kong magtanim ng mga sili. Dahil medyo matagal na akong hindi nakabisita dito kaya marami nang mga damo ang tumubo sa lugar kaya naisipan kong linisin at alisin ang mga ito.

IMG20220830065926.jpg

Ito naman ang tanim kong malunggay. Itinanim ko gamit ang mga buto ng malunggay. Ngayon, tumubo na ito na puro malulusog at para mapanatili ang pagiging malusog nito ay aalisin ang mga damo sa paligid ng malunggay. Ang malunggay ay isa sa mga masusustansyang gulay at maraming mga bitamina ang makukuha dito. Masarap itong isahog sa tinola o kahit anong sabaw.

IMG20220830071117.jpg

Ngayon pupunta tayo sa main topic ko para sa araw na ito. Sa kalagitnaan ng aming paglalakbay papunta sa lupain namin ay napansin namin itong mga bato ng silica na natangay dulot ng malakas na agus ng tubig. Ang mga bato mula sa mataas na lugar ay nasa mababang parte na ng lugar. Maraming mga lugar ang nawasak at ang mga bato nito ay nagkabitak-bitak na rin.

IMG20220830071237.jpg

Nagulat kami nang makita namin itong malaking tipak ng lupa na gumuho dahil sa malambot ang lugar at sa walang tigil na pag-ulan. Ang mga pananim na saging at niyog ay natumba rin at hindi na ito madadaanan ng tao. Daanan kasi ito ang nagsisilbing short cut sa mga taong nakatira sa bundok. Nangangamba na kami bago lalawak pa ang bitak ng lupa kong magpapatuloy ang malakasang pag-ulan.

IMG20220830070558.jpg

Sa kabila ng pagkawasak ng ibang partr ng lugar ay may mga magagandang bagay naman ang ating makikita, gaya nitong maliit na paru-paru nandumapo sa dahon ng halamang-ligaw. Nagpapakita ito na ang lugar ay maganda ay maraming pang mga punong-kahoy at halaman ang tumubo pa dito.

IMG20220830071927.jpg

Binisita rin namin ang aming mga pananim lutya kong tawagin, dito malapit sa ilog. Masarap itong gawing suman at puto. Hindi maabot ng tubig baha dahil nasa mataas na parte ng lugar ito nakatanim. Madali lang itong tumubo at dumami, aalisin lang ang mga tuyo at patay na dahon para magkakaroon ito ng bunga.

images(2).jpg
Medyo nalungkot ako sa mga pangyayari na aking nakita. Pero bou pa rin ang loob ko na hindi na mauulit ang mga masamang pangyayari dito sa aming lugar gaya ng pagguho.

Bago ko tatapusin ang talaarawan ko sa araw na ito ay nasi kong ibahagi ang 25% sa @null.

Sort:  
 2 years ago 

Ganda nman.. sanaol plant lover hehehe

 2 years ago 

Yes. Plant lover ako. 😁😁 Salamat sa pagdalaw sa aking post..

 2 years ago 

Evaluation Date: August 30-2022

StatusRemark
Club status#club100
#steemexclusive
Verified member
Not using bot
Plagiarism Free
Delegator
Supports burn steem 25
 2 years ago 

Thank you very much sa rate sir.. 😊😊

What a fun plant post🌿

 2 years ago 

love it dong.. pero sige n lge ug guho mga areas diha sah?

 2 years ago 

Yes ate.. Kay nahumukan gyud ang mga yuta tungod atong kusog nga ulan. Nagool gyud mi basin maguba ang area. 😌😌

 2 years ago 

Congratulations! This post has been upvoted through steemcurator08.


Curated By @f2i5
By SteemCor07 - Lifestyle Curation Team

 2 years ago 

Thank you very much..

 2 years ago 

Hi @manticao! I'm swinging by to let you know that you made it to our top 3 recommended posts for booming support. Check this post for more details:

Steemit Philippines Community: Weekly Report by @Junebride as Moderator | 08-31-2022 | #Club100

Thank you for creating quality blogs for Steemit Philippines community! Keep it up! We will be looking forward to reading more of your blogs!

Also, you may join our latest contest: Steemit Philippines Community Contest of the Week: Easy Writing Contest (Aug. 30 - Sept. 6, 2022)

Luzon mod,
@junebride

 2 years ago 

Thank you very much for choosing my post.. 😊😊

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.13
JST 0.029
BTC 57378.99
ETH 3121.38
USDT 1.00
SBD 2.24