Burnsteem25|| August 22, 2022|| Diary Game Season 3|| "Ang Kaarawan"

in Steemit Philippines2 years ago (edited)

png_20220822_155659_0000.png

Edited By: Canva Application
Magandang hapon sa ating lahat..
May mga magagandang mga bagay at sitwasyon ang darating sa ating buhay. Isang sitwasyon o kaganapan na hindi natin malilimutan at kakambal na sa ating buhay. Ang ibabahagi ko sa inyo ngayon ay ang isang kaarawan ng aking lola. Para mas malaman niyo pa ang mga kaganapan sa kaarawan dito ay ganito ang mga pangyayari...

IMG20220820174145.jpg

Bisperas pa lang ng kaarawan ni lola ay binili na ang kailanganin sa pagluluto. Plano kasi ni papa na magluluto ng adobo at escabetche dahil isa ito sa mga paborito ni lolang kainin. Kaya ito ang niluto ni papa para sa kanyang espesyal na araw ng kanyang buhay. May iba pa ding mga lulutuin maliban sa adobo at escabetcheng isda para mas marami-rami din ang kanyang handa.

IMG20220820174120.jpg

Bumili rin si papa ng kalahating sako ng bigas para saingin. Inaasahan talagang maraming mga bisita gaya ng mga kaibigan, kakilala at iilang mga kamag-anak namin. Pinaghahandaan talaga ito nina papa at ng kanyang mga kapatid ang kaarawan ni lola dahil isang beses lang ito sa isang taon kaya napakahalaga talaga ito sa buhay ng isang tao. Nagpapakita ito ng pagmamahal sa isang tao at para masuklian naman ang mga paghihirap at sakripisyo ni lola para sa kanyang mga anak.

IMG20220820174249.jpg

Dahil tradisyon na talaga na may kasamang softdrinks para panghimagas kapag tapos nang kumain kaya nagpagdisisyunan din bumili ng ilang case ng softdrinks para sa mga dadalong bisita sa kaarawan. At para mapalamig pa ang mga biniling softdrinks pagdating ng kaarawan kaya minabuti naming ilagay ito sa cooler para lumamig.

At ang higit sa lahat ang karne at isda na siyang pangunahing sangkap sa pagluluto ng ulam para sa kaarawan. Kahit simple lang ang paghahanda ay malaking tulong ito upang mapasaya at maipakita ang pagmamahal namin kay lola. Kinabukasan ay nagsimula nang magluto si papa sa kanyang mga ulam na ihahanda sa kaarawan ni lola. Nagpagdisisyunan nila na gaganapin ang isang salo-salo sa Calangahan, Lugait dahil malapit lang sa dagat at makakita magagandang tanawin gaya ng karagatan. Kaya binilis-bilisan naming matapos ang pagluluto para makapunta na sa Calangahan, ang lugar na tinitirhan ng aking tito.

IMG20220821112611.jpg

Kaya nang matapos na ang pagluluto ay agad namang isinilid sa sisidlan at isinakay sa tinatawag naming baja at traysikel. Tulong-tulong kami sa pagsakay ng mga dadalhin para madaling matapos at makapunta na sa venue kong saan gaganapin ang selebrasyon.

received_3370603513170652.jpeg

Pagdating doon ay bago nagsimula ang piging ay nagdasal muna at pagkatapos ay nagsimula na ang isang simple pero masayang pagsasalo.

images.jpg

Ang ganitong uri ng selebrasyon ay hindi talaga maisantabi o ipawalang bahala. Napakahalaga ito sa ating buhay at ito ay kaakibat at kakambal na sa ating buhay hanggang tayo ay mawala dito sa mundong ibabaw.
Maraming salamat sa pagbisita at pagbasa ng aking talaarawan para sa hapong ito.


Bago ko tatapusin ang talaarawan ko ay nais kong ibabahagi ang 25% mula sa payout kong ito sa @null.

1638606703422.png

Sort:  
 2 years ago 

Happy birthday 🎈🎉 to your grandma 🎂🥰

 2 years ago 

Thank you 😊😊

Hi, @manticao
Please remember to use the club tag !

cc
@juichi
@loloy2020

 2 years ago 

Correction is done, sir. Thank you.

 2 years ago 

Youre welcome sir..

 2 years ago 

Okay. Thank you for curating and Notifying me.. 😊😊

 2 years ago (edited)

Hello bro. @maticao,
Please don't forget to include your club status tag as the Steemit team advises. Your badge shows that you belong to the #club5050 tag. Place it next to your main tag. Could you please edit it?
Thank you.

 2 years ago 

I will sir.. Thank you for notifying me. 😊

Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.

Manually curated by @jasonmunapasee

r2cornell_curation_banner.png

 2 years ago 

Thank you very much..

 2 years ago 

Happy bday sa imo lola @manticao

 2 years ago 

Salamat po ate.. 😊😊

 2 years ago 

Happy birthday sa lola mo! Sarap icelebrate ang birthday na salo-salo with the family and loved ones.

StatusRemarks
#steemexclusive✔️
At least #club5050✔️
Plagiarism free✔️
Bot free✔️
At least 300 words✔️
Verified member✔️

Luzon Mod
@kneelyrac

 2 years ago (edited)

Tama ka ate,, salamat sa greetings at pagbisita at pagrate sa aking post..

Coin Marketplace

STEEM 0.24
TRX 0.21
JST 0.036
BTC 97319.92
ETH 3332.05
USDT 1.00
SBD 3.33