Burnsteem25|| August 19, 2022|| Diary Game Season 3|| "Food Trip Day"

in Steemit Philippines2 years ago

1_20220819_211923_0000.png

Edited By: Canva Application

Magandang gabi sa lahat..

Isa na namang napakasaya at katakam-takam na araw ang nangyari sa akin kanina dito sa aming lugar. Alam naman nating lahat na paborito natin sa ating sarili ang kumain ng masasarap na pagkain lalo na kapag paborito natin ito. Kahit simple lang ang pagkain na ating kinakain basta kompleto lang ang pamilya sa hapagkainan ay nakakaenjoy parin at ito ang ibabahagi ko sa inyo ngayong gabi. Ang mga larawan na ng mga pagkain na ibabahagi ko sa gabing ito ay napakasimple lamang pero ito ay nakakatakam at masasarap. Isa rin ito sa mga paborito kong kainin lalo na kung mainit ang panahon. Dahil medyo busy ang aking pamilya kahapon at kanina ay nagpasya kaming magluto ng ng masarap na ulam.

IMG20220816115752.jpg

Ito ay ang Piniritong itlog na may kasamang sardinas. Ang aking pamilya ay mahilig kumain nito kadalasan ay inilalagay namin ito sa tinapay bilang palaman at minsan sa kanin naman dahil masarap din ito kapag pinarisan ng kanin. Napakasimple nitong lutuin at hindi gaanong magastos at madali lang din itong lutuin. Isa ito sa mga pagkaing probinsya kaya malimit lang ang nagluluto nito.

Narito ang mga sangkap sa pagluluto nito:
DamiSangkap
3 PirasoItlog
1 lataSardinas
1 BoungSibuyas
2 LusokBawang
Asin
Ibang Pampalasa
Mantika

IMG20220816115324.jpg

Bago ang lahat, dapat hiwain muna ang bawang at sibuyas sa maliliit na piraso. Ito talaga ang inuuna kapag tayo ay magigisa ng anumang uri ng ulam. Kapag nahiwa na lahat, maglagay at magpainit ng mantika sa kawali at pritohin ito. Kapag lumabas na ang mababangong amoy at maging kulay golden brown ay pwede nang ilagay ang sardinas.

IMG20220816115426.jpg

Kapag tapos na ang paggisa ng bawang at sibuyas, sunod ilagay ang sardinas at haluin ito ng maayos. Pwede ring durugin ang laman ng sardinas para dadami ito at gisahin ito ng ilang segundo.

IMG20220816115525.jpg

Magbatil ng itlog at pagkatapos ay ihalo ito sa ginisang sardinas. Haluin ito ng mabuti hanggang sa maging malaput na ito. Lagyan ng katamtamang dami ng asin at iba pang pampalasa, haluin uli at hintaying maluto.

Ganyan lang kasimpleng lutuin ito, hindi magastos at napakasarap pa. Paborito ito ng mga bata at matatanda.

images(2).jpg
Syempre, hindi kompleto sa hapagkainan kapag walang panghimagas.

IMG20220802090654.jpg

Ito ang tinatawag naming Tapioca. Isa ito sa mga paboritong kainin at angkop na angkop na kainin kapag mainit ang panahon. Nilalako at itinitinda din ito sa palengke o malapit sa paaralan. Medyo magastos nga lang ang mga sangkap nito pero minsan lang din naman kaming gumagawa nito.

Narito ang mga sangkap sa paggawa ng tapioca:
Sangkap
Tapioca
Asukal
Condense Milk
Gulaman

IMG20220802075815.jpg

Una, ilagay muna ang gulaman powder sa kawali, kaldero o takuri man at pakuluan ito ng ilang minuto. Kapag kumulo na ay agad itong ilagay sa isang malinis na plato at hintaying lumamig. Kapag lumamig na ay titigas ito, hiwain ito sa maliliit na piraso.

IMG20220802090618.jpg

Ihanda ang condense milk. Ito ang isa sa magpapasarap sa gulaman o tapioca o alin mang mga pangmeryenda na sinasahugan ng gatas.

IMG20220802090200.jpg

Pagkatapos hiwa-hiwain ang mga gulaman ay agad itong ilagay sa isang sisidlan. Pwede ring lagyan ng buko o macaroni kong meron man. Kapag nalagay na lahat ay agada ilagay din ang condense milk at white sugar. Haluin ng mabuti at lagyan ng ice o di kaya ay ilagay sa refrigerator para lumamig.

images.jpg

Talagang naaliw at puno ng katakam-takam na pangyayari sa aking buhay. Magandang balik-balikan ang pagluluto nito at ang higit sa lahat, nagkakatipon ang boung pamilya kahit sa simpleng salo-salo.
Bago ko tatapusin amg talaarawan ko para sa gabing ito ay nais kong ibahagi ang 25% na payout mula sa post kong ito sa @null.
Sort:  
 2 years ago 

Yummy ahh, fave ko din yang Tapioca.

 2 years ago 

Me too ate.. perfect panghimagas yan. 😊😊

Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.

Curated by Blessed-girl

r2cornell_curation_banner.png

Enhorabuena, su "post" ha sido "up-voted" por @dsc-r2cornell, que es la "cuenta curating" de la Comunidad de la Discordia de @R2cornell.

Visit our Discord - Visita nuestro Discord

 2 years ago 

Thank you very much.. 😊😊

 2 years ago 

Sarap!...nakakAtakam hehehe

 2 years ago 

Yes.. kain tayo 😁😁 Salamat sa pagbisita sa aking post.


Nice day 🥰


 2 years ago 

Yes it was.. Thank you for visiting my post..

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.13
JST 0.027
BTC 59139.97
ETH 2676.50
USDT 1.00
SBD 2.44