Burnsteem25+Club5050|| September 12,2022|| Diary Game Season 3|| "Birthday Celebration"

in Steemit Philippines2 years ago

png_20220912_065449_0000.png

Edited By: Canva Application

~Part ll~

Sa pagpapatuloy ng aking paglalakbay kahapon ay sinabayan naman ng isang kaarawan ng isa sa aking mga kamag-anak. Tradisyon na nila na kapag madaling araw ng kaarawan ay kumakanta sila at tinatawag naming mañanita. Isa itong uri ng harana ang kinakanta ay mga birthday songs. Naalala ko ito noong bata pa ako, mahilig din kaming pumupunta sa ibat-ibang lugar para magmañanita sa taong nagdiwang ng kanyang kaarawan.

IMG20220911052859.jpg

Alas 4 pa lang ng umaga ay nagsimula na kaming kumankanta,.isa rin itong paraan para mapasaya ang may kaarawan at para magising ang may-ari ng bahay. Halos 30 minutes kaming kumakanta sa labas ng kanilang bahay at pagkatapos ng pagkanta ay pinapasok na kami agad. May kaunting usapan at pagkatapos ay nagsimula na kaming manalangin. Inisa-isa naman kaming bumati sa aking pinsan at pagkatapos ay inihanda na ang mga pagkain.

IMG20220911052936.jpg

Ito ang inihanda nila para sa kanilang bisita na dumalo sa mañanita. Mga sliced bread at spaghetti bilang pamares sa tinapay. May kape naman para sa malamig na umaga. Medyo mahabang oras ang pag-uusap at pagkatapos ay nagpasya na silang umuwi habang ako ay naiwan lang sa bahay ng aking pinsan. Pinapabalik naman sila pagdating ng tanghali para sa isang kainan.

IMG20220911092654.jpg

Nang nakaalis na ang mga dumalo ay nagsimula na kaming maghanda para sa isang kainan pagdating ng tanghali. Ito ang kapatid ng aking ama, abalang-abala sa pagkakatay at paglilinis ng karne ng manok. Minamadali namin ito para hindi maabotan ng tanghali at pagdating ng tamang oras ay makakakain na ang mga bisita.

IMG20220911103559.jpg

Abalang-abala rin ang mga pinsan ko sa paghihiwa ng mga gulay at karne. Ganito kami kapag may handaan, kunti man o marami nagtutulungan kami sa bawat isa para mapagaan ang trabaho sa kusina. Inihanda naman ang mga gamit na sisidlan ng mga lutong ulam, may naghahakot naman ng mga panggatong at naglilinis ng kaldero na paglulutuan.

IMG20220911103622.jpg

Para mapadali ang trabaho ay dinuble namin ang pagluluto isa itong paraan para mapadali ang mga gawain. Mabuti nalang at hindi basa ang mga panggatong at mabuti nalang at maraming tumulong sa mga gawain.

Tradisyon na namin na nagluluto ng sinabaw na ulam o tinatawag naming Lauya. May bihon din na niluluto. Malapit na ang tanghali at masaya naman ako dahil malapit na ring matapos ang pagloluto.

IMG20220911115036.jpg

Hindi nagtagal ay unti-unti nang dumating ang mga bisita at para hindi mabagot at makapaglibang sa arili ay hinayaan naming kumanta sila sa habang nagtatagay. Hindi maiiwasan na kapag may okasyon ay meron talagang kumakanta habang umiinum.

Nagpasya din ang aking tita na gumawa at magluto ng lumpia na ang sahog ay hindi karne o gulay kundi bihon. Namangha ako sa aking nakita dahil ngayon ko pa nalaman na pwede palang gawing lumpia ang bihon. Una, nagluto muna sila ng bihon at pagkatapos ay inilagay nila sa lumpia wraffer at pagkatapos ay ipiniprito ito.
Nang matikman ko ang bihong lumpia ay napakasarap pala nito. Tinanong ko si tita kong saan niya nakuha ang ganitong ideya at sumagot naman siya na sa internet daw niya ito nakuha at nalaman. Kaya dagdag na naman sa ideya ko para sa mga bagong putahe na lulutuin ko balang araw.

IMG_20220912_110513.jpg

Sunod na naluto itong paborito kong kalderetang manok. Dahil hindi makakaaford ng karneng baboy kaya karneng manok lang muna. May mga iba pang ulam din ang niluto gaya ng sinabaw na manok at bihon. Malapit na ang tanghali kaya nagsisidatingan na ang mga malalapit na kaibigan at iba pang mga bisita nila.

Insakto alas dose ng tanghali nang nagsimula na kaming kumain. Masayang-masaya ang lahat dahil sa isang simpleng piging.

images(2).jpg

Natapos ang aking paglalakbay at sa isang okasyon. Kahit simpleng paghahanda lamang ay masaya pa rin dahil kompleto ang mag-anak sa isang simpleng salo-salo.
Nais kong imbitahin sina ate @jurich60, ate @amayphin at @jessmcwhite para sa pagbabahagi ng kanilang talaarawan para sa araw na ito at ang 25% na payout mula sa post kong ito ay ibabahagi ko sa @null.

1638606703422.png

Sort:  
 2 years ago 

hala ka lami sa bisayang manok bro.... dere jud ko laban ba😁

 2 years ago 

Basta bisaya nga manok ate, mamitoon gyud ang sabaw hehehe

 2 years ago 

ay ang magpa uwahi ug tangka dong, dili jud mabinlan ba😁

 2 years ago 

Sakto gyud ka ate.. 😁😁

Congratulations! This post has been upvoted through steemcurator06.

Curated By - @inspiracion
Curation Team - Team 3

 2 years ago 

Thank you very much..

 2 years ago 

Ang galing naman ng tradisyon ninyong Mañanita. Only in the Philippines at ang saya saya ninyo sa kusina pag may handaan, talagang nag tutulongan kayong mag anak.

 2 years ago 

Yes ate. Paraan ito mapadaling matapos ang mga gawain. 😊

 2 years ago 

family bonding, happy life!

 2 years ago 

Yes sir. Minsan lang ito. 😁

 2 years ago 

oh the provincial life! in ana sad didto sa oslob.. dire sa amoa lang kay di kaau mi hilig jd ug handa handa kaau..

 2 years ago 

Diri te basta naa lang maski gamay nga budget , naa gyud gamay nga salo-salo. 😊

 2 years ago 

Handa gyud is real hehehhe...thanks for the invitation 🥰😍

 2 years ago 

Youre welcome :)

Hi, @manticao,

Thank you for your contribution to the Steem ecosystem.

Your post was picked for curation by @strawberrry.


Please consider voting for our witness, setting us as a proxy,
or delegate to @ecosynthesizer to earn 100% of the curation rewards!
3000SP | 4000SP | 5000SP | 10000SP | 100000SP

 2 years ago 

Thank you very much..

Congratulations, your post has been upvoted by @dsc-r2cornell, which is the curating account for @R2cornell's Discord Community.

Curated by Blessed-girl

r2cornell_curation_banner.png

Enhorabuena, su "post" ha sido "up-voted" por @dsc-r2cornell, que es la "cuenta curating" de la Comunidad de la Discordia de @R2cornell.

Visit our Discord - Visita nuestro Discord

 2 years ago 

Gracias..

Hi @manticao

I have really enjoyed reading your publication, since here you share part of your traditions with us.
Very good photographs to illustrate the moments.

Thanks for sharing, greetings and blessings.

 2 years ago 

Thank you very much.. I am very happy that you appreciated my post. 😊😊

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.12
JST 0.028
BTC 61841.74
ETH 3420.69
USDT 1.00
SBD 2.47