Steemit Philippines Photography Contest Week #4 - Black and White Photography : (Studying For A Quiz)

in Steemit Philippines3 years ago

Studying For A Quiz

image.png
My study set up.

Good day to all! How are you? I hope you are all doing fine. I am here to blog my entry for this Black and White Photography contest. I hope you will like it.

Kaninang tanghali nagsimula yung klase ko at habang naghihintay sa susunod na klase ay tiningnan ko yung Learning Management System o LMS namin kung may kakailanganin bang ipasa na gawain ngayong araw at sa susunod na araw bago ang aming prelim exams. Nakita ko doon kung saan may inanunsyo na mayroon kaming pagsusulit sa ReEd sa araw na ito pagkatapos ay magkaklase ng bagong paksa na kung saan isa ito sa coverage para sa aming exam.

Nasa gitna ako ng aking pag-aaral ng biglang pumasok sa isip ko na, "Bakit kaya hindi ko kunan ito ng litrato para sa patimpalak na ginagawa dito sa ating komunidad? Maayos naman yung set up ng lamesa ko at college student ang dating" Kaya doon kinuha ko ang aking cellphone, sinet sa black and white mode, at kinunan ng litrato ang aking lamesa. Sa aking lamesa, mayroon ang aking laptop kung saan nakaplay yung music para sa makapagfocus ako sa aking pag-aaral, magchecheck kung anong oras na, at ginagamit ko din to para magsesearch kung mayroon akong hindi naiintindihan sa paksa. Mayroon din akong handwritten notes na dinisenyohan ko noong nakaraang linggo para maengganyo ako sa aking pagbabasa at mas madali kong matandaan kung ano ang mga importanteng tatandaan o kung ano ang pwedeng lumabas sa pagsusulit. Gumagamit din ako ng highlighters at ballpens para may maisusulat at mahahighlight ko ang mga importanteng terminolohiya. Mayroon din akong ginagamit na clip on ring light para hindi madilim ang aking pagbabasa, hindi kasi ako gumagamit ng ilaw sa sala kapag maaraw kasi nagtitipid din ako sa kuryente at gusto ko din yung aesthetic ng lamesa ko kapag nakabukas yung ilaw sa ring light.

Kakatapos ko lang magtake ng pagsusulit naming noong 4:45 pm at hindi ko pa alam kung ilan ang nakuha kong score sa pagsusulit na iyon, pero umaasa ako na sana napasa ko ang pagsusulit na iyon.

Sa totoo lang, nahihirapan ako na matandaan o intindihin ang mga leksyon namin dahil minsan humihina ang internet connection namin at magiging choppy ang klase namin. Minsan din, maingay ang lugar. Pero kapag pursigido talaga na makapasa, gagawa talaga tayo ng paraan. Huwag lang tayo mawawalan ng pag-asa at huwag din susuko.

Inaanyayahan ko sina @kenieruales @nathaniel1 at @carljohnapostol na lumahok sa patimpalak na ito.

Maraming maraming maraming salamat po sa inyong suporta at sa paggugol ng oras sa pagbabasa ng aking mga blog.

Best regards,
@lunajey

Sort:  
 3 years ago 

ang ganda ng study set up mo, blessed ka to have a place like this kasi maraming walang mga gadgets na katulad neto.
Hopefully you Aced your test. Tama yan laban lang, Aja! para sa bright future.

 3 years ago 

Maraming salamat po. ^_^

 3 years ago 
CriteriaScore 0-10
Relevance to the Theme.8.5
Creativity.9
Technique.8
Overall impact.8
Story.8
Total.8.5
 3 years ago 

maraming salamat po

 3 years ago 

@lunajey
Relevance / Adherence to the theme: Black and White Photography - Current Events
30%
Score: 93% 27.9

Visual Impact

The distinctiveness of the photo if a person would actually take a second glance of it and how it stands out from the rest.
30%
Score: 95% 28.5

Photo Quality and Composition:

This applies the basic rules in photography. Subject, background, clarity, sharpness, technique, rule of thirds, etc.
40%
Score: 85% 34

Total Score: 9.04

 3 years ago 

thank you po!

 3 years ago 
Judge: @loloy2020
CategoryDetails (✅/❌)
Theme: Black and White Photography
Fully Verified
Correct Title and Tags
Used the #steemexclusive tag
1 Photo per Entry
Mentioned 3 Friends
Write-ups RatingGood
Criteria for JudgingRatings/Score)
1. Relevance to the theme9
2. Creativity9
3. Technique9
4. Overall impact9
5. Quality of story9.2
Total Ratings/Score9
 3 years ago 

thank you po

 3 years ago 

Hello po,

Maraming salamat sa pagsalit sa ating Photography Contest Week 4.

Sana ay masaya ka dito sa ating Community at maging aktibo pa po kayo sa pagbahagi nang iyong mga posts.

Sa karagdagang Impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at Social Media Accounts.

New Contest Alert:

God Bless po!!!

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 59238.58
ETH 3176.28
USDT 1.00
SBD 2.45