The Diary Game Season 3 // Day 1 Car Wash Project// #Club 100//

in Steemit Philippines2 years ago

Good day po sa lahat ng steemians family.araw po ng martes june 29, 2022. Maaga po akong bumahe papunta sa aking bagong site na pagtatrabahoan,medyo malayo po sa amin ang lugar na ito kaya maaga po akong bumiyahe para malamig pa po. Ang site namin ay nasa iligan city pero malayo2x po sa syudad kasi bago palang po ito na develop na lugar at bago rin po ang kalsada ginagawa dito,pero ang maganda sa lugar na ito ay may mga portion sa daan na tanaw mo ang syudad ng iligan kaya ng naka daan ako at nakita ko ang view ay huminto po ako at kumuha na picture sa lugar. Marami din ang nag jogging kapag madaling araw rito kasi sa malamig pa ang hangin at over looking pa ang area.

inbound1355034564787433127.jpg

inbound1542357239427374474.jpg
Pagkatapos ko po na magpicture ay dumiritso na din po ako sa aming barracks,malilit lang din ang aming barracks kasya lang po sa dalawang tao pero ayos lang kasi dalawa lang po kami. Nagsimula mula po kami mga bandang alas 8 ng umaga at sa kadahilanan na hindi pa naka entact yung mga materyales ay dahan2x lang mo na kami sa trabaho at maya2x ay dumating po ang sang mini dumb na nag karga ng hollow blocks at buhangin para sa gagamitin namin.

inbound4132876191778809311.jpg

inbound4303385617003721310.jpg

Pagkatapos ay nagsimula na po kami mag finishing sa walling,dumating din po si engr.at may binilin siya na mga trabaho kung ano ang uunahin at mga materyales na gagamitin namin,at sinama kami ni engr.sa hardware para bumili ng kulang na materyales at para daw matandaan namin yung hardware kung saan bibili ng materyales kasi madalang po si engr.na pumunta dito,busy kasi siya palagi at may mga ibang project din po siya kaya minsan ay bibigyan lang kami ng pera at kami nalang ang bibili sa materyales na kakailanganin namin. Pag dating po ng hapon mga 4pm ay umulan na po kaya di na kami naka pagpatuloy sa pagtatrabaho namin kaya ginawa namin ay naglinis nalang kami sa area at inayos namin ang aming tulugan,nilagyan pa kasi namin ng deck para maayos ang pagtulog namin. Maraming salamat po at God bless..

inbound8514074871268887489.jpg

TO GOD BE ALL THE GLORY..

Sort:  

Congratulations your post has been upvoted by The team Industrious seven.
Continue writing with the #thediarygame.
We are supporting the quality posts by using @steemcurator06. Happy steeming :)

#club100

The account was operated by @goodybest

 2 years ago 

Thank you @steemcurator06 by @goodybest God bless you..

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.13
JST 0.029
BTC 67563.69
ETH 3470.63
USDT 1.00
SBD 2.68