"MY LOVE OF MY LIFE" (Textmate)

in Steemit Philippines2 years ago

Magandang araw po sa lahat ng steemians ...ito po ang aking ibabahagi na kwento about valintines day...
Ito po yong story ng lovelife ko po..sana po ay magustuhan po ninyo ito...God bless po sa lahat..

inbound7411578517831529065.jpg

How did you and your partner meet?
Textmate lang po kami ng naging asawa ko..kasi noong binata pa ako ay nagtatarabaho po ako sa isang resedensyal,nagkataon na ang katrabaho kung kaibigan ay may pinsan daw yong asawa iya na isang dalaga..eh syempre binata di ako noon e hiningi ko po ang number nya at pinonbook ko sa celphone ko..pero hindi pa po ako nag txt sa kaniya noon kasi may mga girlfriend pa ako noon..☺️☺️☺️..kaya noong naghiwalay na kami ng mga girlfriend ko ay nagpapalit-palit ako ng simcard,o di kaya ay e rereformat ko yong simcard ko ,hindi pa kasi uso ang mga touch screen no.on..Noong malapit na maexpire yong load ko unlitext at may 15min call ,ay doon ko na alala na mayroon palang binigay na number yung kaibigan ko,pero sa ko sa sarili baka nawala na yon,kasi nga ilang beses na ako nagpapalit-palit na simcard o di kaya ay e rereformat ko,..pero sabi nila kung kayo,kayo talaga..will talaga ni Lord kasi pagtingin ko sa cellphone ko ay nandoon parin ang number niya..mmmmhh☺️☺️☺️..kaya pala hindi nawala kasi naka save pala sa phone memory..napakabuti talaga ng Pangino.on..Praise God..kaya tinawagan ko kaagad,tapos sinagot din kaagad yung tawag ko.,"sabi ko ang ganda ng boses mo miss,.maganda ka siguro sa personal noh!?"sabi niya hindi ah,boses ko lang maganda,sabi niya"pa humble effect pa..☺️☺️☺️..sabi ko pwede ba tayong magkita?sabi niya pwede nman.sabi ko pwede ba tayong magkita sa city?sabi ay sorry po di pwede eh strict yung parents ko..cge ako ang pupunta dyan sa inyo..sabi nya cge text ka lang or tawag pag pupunta ka dito.Per sa totoo lang ang matagal na talaga akong nag pray kay Lord na ako ang pupunta sa bahay ng babae para manligaw,kasi yong iba nagkikita kung saan-saan lang.,sa awa ng Panginoon ay tinupad niya yung dalangin ko sa kanya..

At dumating talaga ang panahon nagkita kami,sunday ng hapon kaya pala hindi xa available pag umaga kasi nagsisimba siya,at nalaman ko rin isa pala siya sa ginamit ng Panginoon sa praise and worship team sa simbahan nila,isa pala siyang born again christian..,,at noong nanligaw na ako sa kanya di nya ako sinagot agad hindi pala siya easy girl..di katulad ng mga naging girlfriend ko dati one click lang ..☺️☺️☺️kaya sabi ko ito na siguro ang bigay ni Lord sa akin,mapagkatiwalaan,maganda,sexy at naglilingkod sa Panginoon..kaso lang po ay di pa niya ako sinagot.(tagam kala one click lang din..)saka na daw niya ako sasagutin ,oobserbahan daw muna nya ako kung sincere ba talaga ako sa kanya..umabot siguro ng tatlong araw o mahigit pA ..noong panahon na iyon parang nawalan na ako ng gana kasi di ako sanay na maghintay,kasi nasanay na akoa sa naging girlfriend ko na one click(di po ako nagmamayabang mga ka steemian ha☺️☺️☺️)..kaya ginawa ko ay ginamitan ko ng HOKAGE MOVES ☺️☺️nag drama ako tinawagan ko siya "sabi ko masakit yung dibdib ko kasi walang nagmamahal sa akin buti pa siguro ay magpapasagasa nalang ako sa mga sasakyan"..eh nakikinig pala yong nanay niya"sabi niya ano ba ang nangyari anak?"sabi niya gusto niya sagutin ko n daw siya kasi kung hindi magpapasagasa dw siya.."sabi ng nanay nya ha?! Naku! sagutin mo na yan total mabait naman at masunurin yan c Louie ,baka ano pang mangyari ay ikaw pa ang sisihin..kaya ayun sinagot niya ako...☺️☺️☺️..tumalab yong HOKAGE MOVES..☺️☺️,sa totoo lang nandoon lang nman ako sa bahay namin nag papahinga..
inbound5044115416176544363.png
First pic. Po namin yan.year 2008

Lumipas po ang tatlo o apat na buwan ay namanhikan na po ako ng tuluyan☺️☺️☺️,,kasi parang ang tagal na namin mag ka kilala para bang nasa 3years na kami nag sasama,.pagkatapos ko pong namanhikan ay nag seat po yong mga magulang namin ng petsa kung kailan ang kasal namin,napagkasunduan po ng aming mga magulang na sa January 16, 2010 para po dw maka prepare..
inbound1837470048442011298.jpg
Yan na po yong pic namin overload sweetness..♥️♥️♥️

My memorable moment

Ang kasal namin po ang memorable moment po namin kasi sabi nila one's in a bluemoon lang dw ito mangyayari,totoo nman po diba?!..pero hindi naging madali yong kasal namin kasi di pa stable yong trabaho ko no.on,pero sa awa ng Panginoon ay may mga buhay din siyang ginamit para maging maayos po yong kasal namin..marami pong tumulong mga kaibigan ko at mga kamag anak,,through financial support kasi di talaga basta-basta magpapakasal kung wala kang pundo..lalo na po sa panahon ngaun....
To make the long story short ay natapos yong kasal nami na succesfull at nakakain po ang lahat ng bisita...
inbound549212187623294068.png

inbound254849076824072519.jpg

Lumipas po ang ilang buwan ay nagdadalang tao oo ang asawa ko,at ngaun ay may anak po kami babae,,at ngaun ay 12years na po kaming nagsasama kahit may mga problimang dumating ay patuloy parin ang buhay ..at paglilingkod sa Panginoong Jesus ..
inbound3704967965913639949.jpg
Yan po yong anak namin mag isa lang wala pang kapatid...☺️☺️☺️

Maraming salamat po sa inyong lahat..sana po ay nagustuhan nyo ang aking Lovelife. Happy reading po ..Godbless

TO GOD BE ALL THE GLORY

This is my entry to the steemitphilippines major contest.

I recommend @me2selah @kyrie1234 @joshuelmari for their lovelife story..Godbless po☺️☺️☺️

Sort:  
 2 years ago 

ang galing noh? meant to be talaga kasi nasave pa sa phone book ang number.. congrats! ang cute ni baby girl

 2 years ago 

Oo nga po mam...sinong mag aakala na nandon pa yung number niya..God's will lang siguro mam☺️☺️☺️

 2 years ago 

ganda naman ng love story mo sir, one of a kind. Thanks for the invitation.

 2 years ago 

Salamat po maam☺️☺️☺️Godbless po

 2 years ago 

Maraming salamat sa bahagi..at salamat sa.text hehe nahanap mo ang iyong forever.

 2 years ago 

Salamat pud bro...

 2 years ago 

ang ganda naman po ng story nyo, God bless your marriage life

 2 years ago 

Salamat po kapatid..Godbless

 2 years ago 

Grabe po yung hokage moves, kuya. Heheh Natawa ako dun lalo na sa tagam. Hehe bisdak man pod ko. Hehe.

Salamat po sa pagbahagi ng lovestory niyo. 🤩😊 Aliw na aliw ako sa pagbasa.

 2 years ago 

Hahaha ..oo ako gani pud nag basa ko og utro ba..nagkatawa jud..pati misis pinabasa ko..nagkatawaha..😂😂😂

 2 years ago 

Ang sweet nyo naman po. 😊

 2 years ago 

Salamat po☺️☺️☺️☺️

 2 years ago 

Youre welcome, uso talaga ang textmate noong una.. 😁

 2 years ago 

Oo nga ☺️☺️☺️...pls paki follow po mam..salamat Godbless

 2 years ago 

Hi!

This post has been chosen to be recommended for booming support today. Continue creating high-quality content here at Steemit Philippines Community.
Join the #Club5050 initiative for a higher chance of getting recommended, and remember to always follow the #Club5050 rules.

Congratulations!

Luzon Moderator

 2 years ago 

Sir @kneelyrac thank you very much.

 2 years ago 

Basta ukol, sadyang bubukol. Ganda ng love story . Talagang pinagtiyap kayo ng Panginoong Diyos. Let God be the Center of your family.

 2 years ago 

Amen bro .salamat.God bless

 2 years ago 

Judge:@juichi

Criteria for judgingRate 0-10
Plagiarismpassed
Relevance to the theme9.2
Creativity9
Technique9
Story quality9.1
Total rating9.08

Thank you for your participation in this contest.

 2 years ago 

Thank you for the update sir...

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.13
JST 0.029
BTC 65969.85
ETH 3429.28
USDT 1.00
SBD 2.68