//My Adventorous Experience in Saudi Arabia//

in Steemit Philippines2 years ago (edited)

20% of rewards goes to @steemitphcurator.

inbound2703532372023177635.jpg

Hi good day to all steemians. Have a blessed day po sa lahat

ibabahagi ko sa inyo ang aking karanasan ko sa pag punta ng bansang saudi arabia. Una sa lahat ay hindi sana ako tutuloy sa aking pag abroad papuntang saudi arabia kasi may mga pinsan at kaibaigan po akung nauna doon,marami kasi kami nag apply dito sa amin,kasi sabi nila di daw maganda ang companya namin doon at rental lang daw sila doon,pangit kasi pag rental ka doon kasi pag wala kayo project ay babalik kau sa inyong companya para maghintay ng panibagong project at ang masaklap pa ay sa inyo po ang gastosin niyo pag di oa kau na supply sa project. Kaya di na sana ako tutuloy papuntang saudi. Kaya tinawagan ko ang agency na di na ako tutuloy,pero sabi ng agency ay di pwede na hindi ako tutuloy kasi may visa na daw ako,pag hindi daw ako tutuloy ay e block list nila daw ang pangalan ko sa DFA at hindi na ako makapag abroad kahit kailan,kaya natatakot po ako na baka totohanin nila na di na ako makapag abroad,kaya pinuntahan ko nlang,pina extend nila ang ticket ko kaya pumunta ako ng saudi kahit labag sa loob ko,at ang mahirap oa doon ay first time ko pa na pumunta ng saudi at mag isa lang po ako kaya kinakabahan na po ako. Bumili po ako ng simcard para gagawin kung roaming doon at may 30pesos lang yata ang load na libre noon,di ako nag load kasi akala ko ok lang, at sabi pa ng asawa ko na pag dating ko sa bansang saudi arabia ay mag txt agad ako sa kanya. Kaya noong nandoon na ako sa airport at halos mangiiyak doon kasi ayaw ko talaga na pumunta ng saudi. Mga ilang minuto at lumipad na po ang eroplano na sinasakyan ko,at lumapag po sa bansa ng bharain, doon ay nag umpisa na ang kaba ko kasi mag isa lang po ako,may mga kasama po ako pero mga ibang lahi,at kahit na madaling araw kami dumating sa bharain ay dama ko na po ang init doon buwan po iyon ng october. Tapos ay nag land trip po ako papunta sa saudi arabia dumaan po kami sa napakahaba na tulay na kahit dulo nito ay di mo matanaw. Pagdating ko po sa subco terminal ay mga bandang alas 6am ng umaga doon ako kinabahan ng sobra kasi wala pong sumundo sa akin mag 4 hours na po di pa ako sinundo kaya nag txt ako sa companya namin na dumating na ako at nagreply naman na susunduin na daw ako kasi ang driver na inutusan nila ay sa airport ng hintay sa akin samantalang sa subco bus terminal ako dumating kasi landtrip lang po ako. Kaya nghintay pa ako ng mga ilang oras tapos may arabo pa na gustong kunin ang passport ko rh di ko nman diya maintindihan kung ano sinabi niya parang susuntukin pa ako kasi ayaw ko ibigay sa kanya ang passport ko,talagang di ko talaga iibigay sa kanya kahit na anong mangyari,at salamat sa Panginoon na hindi ako una nag txt sa asawa ko kasi kung sa kanya ako ng txt ay di na ako makapagtxt sa companya namin kasi isang txt lng po yun at pagreply ko ay message sending failed nah, di ko na po alam kung anong gagawin ko no.on kasi first time ko lang po sa saudi,nagsisi talaga ako kung bakit napunta ako sa lugar nalg saudi ang hirap pala doon lalo na kung mag isa kalang na pupunta at wala kang kasama na pilipno. Kalaunan ay dumating po ang susundo sa akin at may dalang name tag ko,kaya tinawag ko agad siya. Pagdating ko sa kompanya namin ay sinabihan ako ng HR na ang tapang ko daw mag isa lang ako pumunta buti at hindi daw ako naligaw pero sa totoo muntikan na. At pagdating ko po sa room ko kung saan ako temporary na titira ay doon ako nakaramdam ng matinding lungkot at pighati sa sarili para bang ang lahat ay panaginip lamang,hindi po ako kumain ng haponan at agahan tanging biscuits at kape lang po ang kinain at ininom ko,talagang di ko maintindihan ang nararamdaman ko,gusto ko nang umuwi sa mga panahon na iyon . Pero talagang hindi pwede kasi 2yrs po ang contract ko doon,kahit na malungkot at natatakot ay pilit ko pa rin na maka survive,mga isang linggo din ako bago ako na lipat sa site at doon po ay nakikita ko ang aking mga pinsan at kaibigan medyo nabuhayan po ako ng loob.

inbound1381859157948536585.jpg

inbound7590531171250219645.jpg

At ng makapunta na ako sa site ay nakita ko rin si ptr. Jonathan Tanio, salamat sa Panginoon at may exclusive sila na simbahan doon,kaya isang gabi na may simba sa barracks namin ay sumama kaagad ako da kanila at doon po ay nagpapasalamat po ako ng makaki sa Panginoon at talagang napaiyak po ako ng sobra sa panahon na iyon,kasi hindi po ako pinababayaan niya at sabi ko sa kanya na maglilingkod po ako sa kanya dahil sa kabutihan na binigay ng Panginoon sa sakin. At salamat sa Panginoon na natapos ko ang aking contract na safe and sound at naka uwi ako ng ligtas sa pilipinas at sa aking pamilya. Maraming salamat po sa lahat..God bless.

inbound8265467606935671576.jpg
Ito po planta na pinagtrabahoan ko sa bansang Saudi Arabia isang Power plant .

TO GOD BE ALL THE GLORY .

This is my entry in steemit philippines contest .

I inviting @dodzz @emzcas @jurich60

Sort:  
 2 years ago 
StatusRemark
Club status#club100
#steemexclusive
Verified member
Not using bot
Plagiarism Free
Delegator
Beneficiary reward
 2 years ago 

Thank you sir @juichi.

 2 years ago 

grabe damang dama ko po ang iyong pighati nuong pumunta kayo ng saudi na labag sa iyong kaluoban..salamat sa Panginoon at nagkita kita kayo ng mga pinsan nyu....

 2 years ago 

Oo nga po mam..talaga ayaw ko po talaga na pumunta doon kaso ang agency dito sa pinas pinag bantaan ako na e block list daw nila ako sa DFA yun pa nman ang ayaw ko man na masira po ang pangalan ko. Pero kabila po ng lahat mam ay may Panginoon parin na gumabay sa akin..Glory to God.

 2 years ago 

Hello @louie35, congratulations! Your post has been selected as one of the recommended articles for Booming support! Continue creating high quality articles!

StatusRemark
Club status#club5050
#steemexclusive
Verified member
Number of words937 words 4,888 characters
Not using bot
Plagiarism Free
Delegator
Beneficiary reward

For more information, check the post here: Steemit Philippines Top Three Posts of the Day | Recommended Posts for Booming Support | 05-18-2022

 2 years ago 

Thank you maam @junebride. God bless

 2 years ago 

Ang hirap talaga ng buhay OFW. Pero salamat kay Lord nalampasan niyo at nakauwi narin po kayo safe and sound. Salamat sa pagbahagi and pagsali po.

 2 years ago 

Glory to God po mam @kneelyrac oo mam mahirap po buhay ofw. Pero sa awa ng Panginoon nka uwi din ng safety mam..God bless po.

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.13
JST 0.029
BTC 57360.07
ETH 3004.82
USDT 1.00
SBD 2.26