Tula | Ikaw at Ako | 10% payout to @steemitphcurator

in Steemit Philippines3 years ago

Hello everyone, i would like to share to you my tagalog poem. I hope you will like it.

CollageMaker_20210922_220312242.jpg

Nagsimula sa ikaw at ako
Pero walang tayo
Sa tuwing nakikita kita bawat ngiti mo'y nakakasigla
At ng ako'y lumapit sayo lumayo ka na lang bigla
Tanong ko lang pangit ba ako?
O sadyang umiiwas ka lang sa babaeng katulad ko

Lumipas ang mga araw
At ako'y iyong nilapitan
Puso ko'y kumakabog sa hindi kalayoan
Tinanong mo ang pangalan ko at hiningi ang number ko
Ibinigay ko ito pati ang puso ko

Hanggang isang araw naging tayo
Hindi ko akalaing mahalin mo rin ako
Araw araw tayong magkasama
Gumagawa ng masasayang alaala
Tayo'y hindi nakaligtas sa away at tampuhan
Ngunit kumakapit tayo sa salitang
"away lang pero walang iwanan"

Lumipas muli ang mga araw at ika'y nagbago
Ating relasyon ay unti unting lumalabo
May tayo nga pero parang walang ikaw at ako
Mga tawag at text ko sana'y iyong mapansin
Ngunit may iba ka na pa lang pinapansin
Hindi mo man lang sinabi sa akin
Nagmumukha tuloy akong tanga
Hanggang sa tinapos mo ang ating pag ibig na kailan lang nagsimula
Parang gumuho ang mundo ko ng sabihin mong "mahal kita pero mas mahal ko sya"

Sana maging masaya ka sa piling ng iba
Siguro nga hindi tayo para sa isa't isa
Dinaya tayo ng tadhana
Ang ikaw at ako ay natapos na

@lonelymae

Sort:  
 3 years ago 

Sakit naman, pero sana ay naka move on na.

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.14
JST 0.029
BTC 65647.77
ETH 3166.18
USDT 1.00
SBD 2.60