Tagalog Poetry | Minahal kita, Pero bakit? | 10% payout to @steemitphcurator

in Steemit Philippines3 years ago

Hello guys, this is @lonelymae. I have another Tagalog Poetry in titled Minahal kita, Pero bakit? I hope you will like it guys.

CollageMaker_20210917_212336721.jpg

Minahal kita pero bakit mo ako sinaktan.?

Ang labo mo naman bakit hindi mo sinabi kaagad na kasinungalingan lang pala lahat ng mga sinabi mo sa akin, eh di sana hindi ako nasaktan at umasa.

Minahal kita alam mo yan. Ikaw ba? Minahal mo ba ako?
Ay, oo nga pala nakalimutan ko, mahal mo din pala ako.
Yun yung sabi mo sakin diba? Na mas mahal mo ako kaysa sa kanya.
Wag mong sabihin na nakalimutan mo dahil tandang tanda ko pa lahat ng masasakit na ala ala na iniwan mo sa durog kong puso.

Tandang tanda ko pa kung pano mo ako mahalin habang wala sya, kung pano mo gamitin ang bawat minuto ng aking oras habang wala sya. Ang saya mo habang ginagamit mo akong panakip butas sa nauuhaw mong puso. Ang saya saya mo habang pinaglalaruan ang damdamin ng isang katulad ko na may pagtingin sayo.

Tandang tanda ko pa kung pano mo ako tinalikuran pagdating sa kanya. Mahal mo sya diba?, ano pa bang magagawa ko? eh di tanggapin lahat ng sakit na ibinaon mo dito sa puso ko.
Sakit na kailangan kong tanggapin.
Pero bago ko tanggapin lahat ng sakit hayaan mong tanungin kita.

Bakit mo nagawang saktan ang isang tulad ko na walang ibang ginawa kundi ang mahalin ka.?

Bakit mo sinabi sa akin na mahal mo ako habang may minanamahal kang iba?

Bakit kung kailan kita minahal tsaka mo naman ako sasaktan?

Bakit sya ang pinili mo? Diba ang sabi mo mas mahal mo ako?

Bakit iniwan mo ako habang nagtataka kung bakit ako nag iisa?

Kase lahat ng tanong ko sayo, nananatiling bakit dito sa isip ko dahil niisa wala kang sinagot at sorry lang ang binanggit mo.

Sorry na hindi kayang tanggalin lahat ng sakit na iniwan mo dito sa puso ko.

Minahal kita alam mo yan, pero bakit nagmahal ka ng iba?

@lonelymae

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.16
JST 0.030
BTC 58866.42
ETH 2515.85
USDT 1.00
SBD 2.46