Steemit Philippines Photography Contest Week #4 - Black and White Photography : Mahirap Ang Pera Sa Pandemya | 10% Rewards to @steemitphcurator

in Steemit Philippines3 years ago

Kumusta kayong lahat, ito si @lonelymae at gusto kong ibahagi sa inyo ang aking ginawang salaysay patungkol sa pera. Sana magustuhan niyo ang aking ginawa.

CollageMaker_20210916_163231465.jpg

Sa panahon ng pandemya mahirap kumita ng pera lalo na sa mga tao na nawalan ng trabaho kagaya ko. Simula ng nagkapandemya maraming tao ang naghihirap at umaasa na lang sa tulong ng gobyerno. Pero ang iba ay kailangan pa din maghanap ng pera para sa kanilang personal na pangangailangan.

Gaano ba ka importante ang pera?
Para sa akin isa ito sa pinakaimportante sa ating buhay dahil kapag wala kang pera paano ka mabubuhay? Paano mo matustusan ang iyong pangangailangan kung wala kang pera?

Sa panahon ng pandemya kailangan natin ng pera. Simula ng mawalan ako ng trabaho hindi ko alam kung saan ako hahanap ng pera, wala naman akong ibang mapapasukan na trabaho dahil yung ibang kompanya ay hindi pa tumatanggap ng bagohang empleyado. Sana nga matapos na itong pandemya na to para makahanap na ako ng trabaho at makaipon ng pera.

Buti na lang may ilang halaga pa ako na pera sa pitaka ko na ginagamit namin sa aming pangangailangan sa araw araw. Paano ko ba tinitipid ang perang ito? Kung noon mabibili ko lahat ng gusto kong bilhin, ngayon hindi na dahil kailangan kong tipirin ang sarili ko dahil wala na akong trabaho. Kung noon makakabili pa ako ng magagandang damit ngayon hindi na, dahil ang ibibili ko ng damit ay ibibili ko na lang ng bigas para sa aming makakain sa araw araw. Ngayon paubos na ang naipon kong pera pero hindi pa din nawawala ang pandemyang kinakaharap ng ating bansa.

Pera ang dahilan kung bakit maraming tao ang naghihirap dahil sa kakulangan nito, pero pera din ang dahilan kung bakit maraming tao ang nabubuhay. Kaya kung may pera man tayo gamitin natin ito sa mabuting paraan at magtutulungan tayo para sama sama nating harapin ang pandemya na ito.

Pera, gaano man kalaki o kaliit ang halaga ating tandaan na mahalaga ito sa ating buhay lalong lalo na sa ating araw araw na pamumuhay.

@lonelymae

Gusto ko imbitahin sina @angelycong
@rodjen143 @liamnov para sumali sa contest.

Sort:  
 3 years ago 
Judge: @loloy2020
CategoryDetails (✅/❌)
Theme: Black and White Photography
Fully Verified
Correct Title and Tags
Used the #steemexclusive tag
1 Photo per Entry
Mentioned 3 Friends
Write-ups RatingGood
Criteria for JudgingRatings/Score)
1. Relevance to the theme9
2. Creativity8.9
3. Technique8.8
4. Overall impact9
5. Quality of story9
Total Ratings/Score8.9
 3 years ago 

Hello po,

Maraming salamat sa pagsalit sa ating Photography Contest Week 4.

Sana ay masaya ka dito sa ating Community at maging aktibo pa po kayo sa pagbahagi nang iyong mga posts.

Sa karagdagang Impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at Social Media Accounts.

New Contest Alert:

God Bless po!!!

 3 years ago 

Totoo na kailangan natin ito. Pero karamihan nahuhumaling dito.
Total Rating: 9.1

 3 years ago 
CriteriaScore 0-10
Relevance to the Theme.9
Creativity.8.5
Technique.8.5
Overall impact.8.5
Story.8.5
Total score.8.6

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 63968.82
ETH 3136.80
USDT 1.00
SBD 4.28