The Diary Game Season 3 (09-19-2021) | Linggo, ang araw ng Pag-samba namin sa Dios at ang aming panibagong Youth Fellowship

in Steemit Philippineslast month

Isang Mapaya at Mapagpalang Araw sa ating lahat dito sa ating Steemit Philippines Community!!!

Ngayong nga ay araw nang Linggo na kung saan araw na naman ito upang kami ay mag-samba at magpasalamat sa Dios sa lahat nang mga bagay at magandang buhay na ibinigay niya sa akin at para na rin sa ating lahat sa kabila nang meron pa ring pandemya na ating nararanasan. Nagpapasalamat talaga ako sa Dios dahil hindi naman gaanong strikto dito sa amin kaya nakakagalaw kami nang maayos sa tuwing kami ay nag-sasamba sa Dios.

Ngayong araw din na ito ay ibabahagi ko sa inyong lahat ang panibagong gawain namin sa lahat nang mga kabataan sa lahat nga mga simbahan dito sa amin at ito ay tinatawag na Youth Fellowship, na ginagawa tuwing ikatlong linggo nang buwan. Ginagawa nga ito upang magkikita at makapag kilala sa bawat isa ang mga kabataan nang bawat isang simbahan.

image.png

image.png

Ngayong araw nga nasa mga oras na 5:00 nang umaga ako gumising upang makapag luto nang maaga at makapag handa na rin dahil mga nasa oras na 7:00 nang umaga ay kailangan ko nang umalis pa punta sa aming simbahan. Natapos naman ako sa lahat nang aking gagawin at paghahanda nang mga nasa oras 6:40 at pagkatapos ay umalis na rin ako agad-agad kaya nakarating ako sa aming simbahan nang mga nasa oras na 7:20 na nang umaga.

Mga nasa oras na 7:30 naman ay nag simula na rin ang aming pagsamba sa Dios kahit na medyo kunti pa kami pero unti-unti din namang dumami mga nasa oras na iyon na 8:00 nang umaga at hinihintay pa din naman namin ang aming Pastor dahil nasa malayong lugar pa ito. Mga 9:00 nang umaga ay nag-simula na ang aming pagbibigay papuri at pagsamba sa Dios o tinatawag na Praise and Worship. Ang pag-awit at pagsayaw namin at iniaalay namin sa Dios dahil siya lang ang tanging aalayan namin nito.

image.png

Pagkatapos naman na magbigay papuri at pagsamba sa Dios ay oras na upang makapag bahagi nang mga salita nang Dios ang aming Pastor, pero dahil gusto nang aming Pastor na makapag pahinga muna siya, kaya ibinigay muna niya ang pagbahagi sa kanyan asawa na isa ding Pastora.

Sa araw na ito nga ay nagbahagi nang mga magagandang salita nang Dios ang aming Pastora na siyang nagbigay din sa aming nang Pag-asa. Ang salita nang Dios na kanyang ibinagahi ay makikta lahat sa Psalms 23:1-6 na nagpapahiwatig na sa Dios lamang tayo magtitiwala dahil hinding hindi niya tayo pababayaan lalong lalo na ngayong panahon nang pandemya.

Mga nasa oras na 11:45 naman ay natapos na rin ang aming Pagsamba sa Dios at oras na upang kami ay mananghalian dahil meron pa kaming gawain sa hapon.

image.png

image.png

image.png

image.png

Sa hapon nga ay meron naman kaming gawain para sa mga kabataan, ang Youth Fellowship at mga nasa oras na 2:00 na nang hapon kami nakapag simula at hindi namin inaasahang medyo marami na naman ang nakilahok na mga mga kabataan, parang mas marami pa ito noong nakaraang buwan na isinagawa sa aming simbahan, sa araw na ito kasi ay isinaga sa ibang simbahan na kasunod na barangay sa amin.

Sa gawain nga namin ngayon ay pinangonahan naming mga leaders sa bawat simbahan at salamat lang din sa Dios dahil naging maayos naman ang lahat. Ang nagbahagi naman nang mga salita nang Dios ngayon ay isang Pastor na katulad din naming kabataan, at ang ibinagi niya na salita nang Dios ay talaga namang makakapag bigay pag-asa sa mga kabataan dahil alam naman natin na hindi madali ang buhay nang isang kabataan na sumasamba sa Dios dahil maraming mga tukso pero sa tulong nang Dios ay makaka natin itong lahat, tanging Dios lang ang makakatulong sa atin.


image.png

Isa naman sa pinakahihintay na ganap sa aming Youth Fellowship ngayon ay ang gagawin namin Bible Game na tinatawag na Bible Drill na kung saan magpapa-unahan ang mga participante sa paghahanap sa Bible Verse na ipapahanap nang isa sa mga leaders. Sa kabuoan ay meron 11 na kabataan ang sumali sa iba't ibang simbahan at sa aming simbahan nga ay merong dalawa itong naka pink na damit dahil ito ang kulay nang damit namin o uniform namin.

Bago nga nag-simula ang aming munting patimpalak ngayon ay lumapit sa akin itong kabataan sa aming simbahan na kasali sa laro upang magpa pray sa akin dahil medyo kinakabahan daw siya, kaya nag offer ako sa kanya nang mga dasal, na sana ay mag guide sa kanya ang Dios at hindi siya kakabahan. At salamat talaga sa Dios dahil pagkatapos nang laro ay naging 2nd place pa siya kaya proud na proud talaga kaming mga leaders sa kanya, kahit na hindi siya 1st place ay malaking achievement na rin ito sa kanya. Bagamat hindi nanalo ang isa naming kabataan ay masaya pa rin kami sa kanya dahil nakapasok pa rin siya sa round 2.

Sa kabuoan ay naging masaya talaga ang araw kung ito dahil sa mga gawain nang Dios na ginawa namin at salamat sa Dios dahil sa walang sawang pagbibigay lakas at biyaya sa araw-araw, kaya ang lahat nang ito ay para lamang sa kanya na ating Dios.

Hanggang dito lang po ako at maraming salamat sa inyong pagdalaw at pagbasa sa aking Diary Game post.

Para sa Dios ang lahat nang Pasasalamat at Papuri. 😇🙏☝

Maraming salamat sa lahat nang Steemit Team para sa pag gawa nang pa challenge na ito at nawa'y kayo ay magpatuloy.

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

loloy2020.gif
Gif Footer Credits to @baa.steemit


received_106774058057322.webp

Footer credits to @kennyroy