The Diary Game Season 3 (09-06-2021) | Ang libing nang aking Lolo Mador
Isang Mapaya at Mapagpalang Araw sa ating lahat dito sa ating Steemit Philippines Community!!!
Isang magandang araw na naman ang nagdaan sa ating mga buhay at salamat sa Dios dahil sa lahat nang mga ginawa at ibinigay niya sa ating lahat, lalong lalo na ang buhay at magandang pangangatawan araw-araw sa kabila nang nasa pandemya pa rin tayo. Ngayong araw din na ito ay ibabahagi ko ang kaganapan sa aking buhay dahil ngayong araw nga na ito ay ang araw na ililibing na ang aking Lolo Mador.
Noong nagdaang linggo nga ay meron kaming natanggap na balita na talagang nakakalungkot para sa amin dahil isa na naman sa aming mahal sa buhay ang kinuha na at nasa piling na nang ating Dios na buhay ito ay ang aming Lolo Mador. Ang sabi nga sa amin ay kaya namatay ang aming Lolo ay dahil sa sakit dahil na rin sa kanyang katandaan, siya nga ngayon ay nasa 75 na taong gulang na. Nagpapasalamat lang din kami na hindi sa Covid-19 namatay ang aming Lolo dahil kung sa virus pa ito, hindi na namin siya makikita sa huling pagkakataon.
Sa totoo lang, hindi talaga direktang lolo namin ito si Lolo Mador dahil, asawa lang siya nang kapatid nang aming Lolo na matagal na rin na nawala, parang hindi pa ako pinanganak. Pero ito si Lolo Mador ay malapit na malapit sa amin dahil kasama namin ito sa aming simbahan.
Ngayong araw na ito ay magsasagawa kami nang munting programa bago namin ilibing ang aming Lolo Mador at ito ay sa pangunguna nang aming Pastor na siyang pinsan ko din, kaya pareho naming Lolo ito si Lolo Mador. Mga nasa oras na 8:50 ay nag simula na kami sa aming programa dahil mga nasa 10:00 nang umaga ay dadalhin na ito si Lolo Mador sa huling hantongan.
Nagbahagi nga aming Pastor nang mga salita nang Dios, na nagpapahiwatig na kailangan nating magkaroon nang pananampalataya sa Dios habang mayroon pa tayong mga buhay at kailangan na e sentro natin ang ating ma buhay sa Dios lamang. Hanggang sa umabot ang mga nasa oras na 9:50 saktong natapos ang aming Pastor at oras na rin na dadalhin na ang aming lolo sa sementeryo para ilibing.
Mga nasa oras na 10:25 nga ay nakarating na rin kami sa sementeryo na kung saan doon na ililibing si Lolo Mador. Pero bago pa ilagay ang kabaong nang aming Lolo sa lagayan nito ay, nag-alay muna nang mga dasal ang aming Pastor para mahimlay nang mabuti ang aming lolo doon sa langit kasama nang Dios at upang maiwasan ang mga masasamang elemento na makakagamit sa aming lolo at tanging ang Dios lamang ang aming pinaniniwalaang kukuha sa kanya at ilalagay sa langit.
Mga nasa oras na 11:20 ay umuwi na rin kami para makapag pananghalian na kahit na meron pagkain na hinanda doon sa bahay nang aming lolo pero medyo malayo na kaya napag pasyahan nalang namin na umuwi na lang kami. Salamat lang din sa Dios dahil naka uwi kami nang ligtas at nasa magandang pangangatawan.
Hanggang dito lang po ako at maraming salamat sa inyong pagdalaw at pagbasa sa aking Diary Game post.
Para sa Dios ang lahat nang Pasasalamat at Papuri. 😇🙏☝
Mabuhay ang Steemit Philippines Community
Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong post.
Sa karagdagang impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at ibang Social Media Accounts.
New Contest
Diary Game Contest with new Rule Added
God Bless po!!!