The Diary Game Season 3 (09-05-2021) | Ang Buong Ginawa ko sa Araw nang Linggo.

in Steemit Philippines2 months ago

Isang Mapaya at Mapagpalang Araw sa ating lahat dito sa ating Steemit Philippines Community!!!

Marahil, marami pa rin sa atin ngayon ay nasa mahirap pa rin na sitwasyon lalong lalo na at meron pa rin tayong nararanasang pandemya sa ating bansa at kahit na sa buong mundo. Kaya ang tanging dalangin ko lang sa ating lahat ay maging ligtas at maging nasa maayos at mabuting kalagayan tayong lahat.

Sa araw na ito, ibabahagi ko sa inyong lahat ang aking panibagong Diary Game post na kung saan ay nagpapakita ito sa kabuoang ginawa ko kahapon, araw na linggo.

IMG_20210905_115342.jpg

Tuwing linggo nga ay araw nang aming pagsamba sa Dios at nagpapasalamat lang din ako sa Dios dahil dito sa amin ay hindi gaanong strekto kaya nakakagawa pa rin kami nang face-to-face fellowship ang iba pang mga gawain para sa Dios basta meron pa rin kaming social distancing.

Ngayong araw nga nasa mga oras na 5:00 nang umaga ako nagising upang makapagluto nang maaga at maka handa na rin. Mga nasa 6:50 ay natapos na rin ako at agad-agad na naligo at nagbihis, pagkatapos ay kumain na rin ako para maka punta nang medyo maaga sa aming Simbahan.

Nakarating naman ako sa aming simbahan nang mga nasa oras na 7:10 nang umaga at pagdating ko nga meron na ring ibang mga kasamahan ko doon at mga nasa oras na 7:30 ay nag simula na rin kami sa aming pagsamba habang naghihintay sa aming Pastor na dumating.

Ilang saglit nga din ay nakarating na rin ang aming Pastor at nagpatuloy na rin kami sa aming mga gawain. Ang aming Pastor ay nagbahi nang salita nang Dios na nagbigay talaga sa amin nang aral at pag-asa na sa aming pananampalataya sa Dios ay hindi niya kami pababayaan.

Ngayong araw ding ito ay ang aming Healing Sunday, kaya nagpa pray din ako sa aming Pastor para sa aking nararamdaman sa katawan dahil alam kong ang Dios lang ang magpapagaling sa akin.

Meron din ibang mga kasamahan namin na nagpa pray sa aming Pastor, isa nga sa ito ay itong babaeng naka pink na merong sakit na Breast Cancer at isang babae na merong nararamdaman sa katawan at alam nila na sa pananampalataya nila sa Dios at paniniwala nila sila ay gagaling, ang Dios talaga ay sasagot sa kanila.

Natapos ang aming pagsamba sa Dios nang mga nasa oras na 12:10 na nang hapon at agad din kaming umuwi para sa aming pananghalian.

IMG_20210905_175854.jpg

Mga nasa oras na 4:50 naman ay nag chat ang aking pinsan na Pastor na manlilebre daw ito sa isang kilalang Restaurant dito sa amin na merong pangalan na Yahong at masarap din naman ang mga pagkain nila dito. Marami talagans mga tao na pumupunta dito upang kumain at salamat sa Dios dahil merong manlilebre sa amin.

Mga nasa oras na 5:30 na kami nakakain dahil hinintay pa namin na maluto ang mga pagkain. Pagkatapos nga naming kumain, bago kami unalis ay nagpa picture muna kami sa labas nito dahil maganda din naman ang tanawin bilang souvenir na rin. Umuwi na rin kami sa aming mga bahay agad-agad nang ligtas mga nasa oras na 7:15 nang gabi at salamat sa Dios.

Hanggang dito lang po ako at maraming salamat sa inyong pagdalaw at pagbasa sa aking Diary Game post.

Para sa Dios ang lahat nang Pasasalamat at Papuri. 😇🙏☝

Maraming salamat kay @steemitblog, @steemcurator01, @steemcurator02, @steemcurator08 at sa lahat nang Team Steemit para sa pag gawa nang pa challenge na ito at nawa'y kayo ay magpatuloy.

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

loloy2020.gif
Gif Footer Credits to @baa.steemit


received_106774058057322.webp

Footer credits to @kennyroy

Sort:  
 2 months ago 

kailangan natin ang salita ng diyos lalo na sa tiwasyon natin ngayon. eto dapat ang mangibabaw hindi ang takot. Everyday we declare in our fellowship that this pandemic will come to an end, believing God's intervention. Thank you brother.

 2 months ago 

Isang araw lang hiningi amg Linggo pero araw2 tayo ng pray.. Saludo ako sa iying paglingkod sa Dyos.

 2 months ago 

Kay gandang araw po! Maraming salamat po sa pagbabahagi ng inyong pananampalataya.

 2 months ago 

Kay ganda po talaga ng araw kapag sinimulan natin ito ng pananampalataya sa poong maykapal. God bless you po.

 2 months ago 

Wow, galing ng araw mo at binahagi mo ang mga oras mo sa pagsamba sa Diyos. Na mimiss ko din sng ganyang pagtitipun.. Mabuhay ka!