Steemit Philippines Open Mic Contest Week 5 | Cover Song - PANGINOON KAY BUTI MO by ASOP (Entry by @loloy2020)
Magandang Araw at Mabuhay ang Steemit Philippines Community!!!
Nandito na nga sa ika limang linggo ang Steemit Philippines Open Mic Contest na ang nagtaguyod nito ay ang ating pinakamamahal at supportive Ate at Nanay, @olivia08 at natutuwa akong malaman na naging matagumapay ang patimpalak na ito dahil marami sa ating mga membro ang sumasali at nagbahagi nang kanilang talento sa pagkanta at kabilang nga ang inyong lingkod sa mga sumali kahit na hindi talaga ako gaanong marunong kumanta pero ang pagkanta ko ay ini-aalay ko sa Dios na nagbigay sa akin nito.
Nagpapasalamat talaga ako sa Dios dahil meron tayong isang napakabait at supportive ate at nanay dito sa community na handang tumulong at gagabay sa atin at ito ay si ate at nanay @olivia08 at bilang pagbigay pasasalamat sa kanya sa pagtaguyod nang patimpalak na ito ay ibabahagi ko din ang aking pinakabagong entry.
Bilang admin nang community na ito, ako din ay magbabahagi nang aking entry kahit na hindi talaga ako gaanong marunong kumanta pero nagpapasalamat din ako sa Dios sa pagkakataong ito upang ibahagi ang aking talento.
Ito po ang aking Entry at kabuoang lyrics
Paki Click sa link;
PANGINOON KAY BUTI MO by ASOP
Title: ABOVE ALL Singer: Michael W. Smith
Kundi Ikaw lamang, Hesus, sa habang panahon
Sa tulad ko, Panginoon, dakila Kang tunay
Hirap at dusa'y tiniis Mo
Hanggang kamatayan pinaglaban Mo ako
Ang tulad ko'y niligtas Mo doon sa kalbaryo
Kaya't aking inaalay ang pagpuri't pagsamba
Ang buhay ko'y tanging sa 'Yo
Panginoon, kay buti Mo
Nagbigay-daan upang Ika'y paglingkuran
Panginoon, kay buti Mo
Ikaw ang dahilan kaya't ako'y naririto
Panginoon, sadyang kay buti ng Iyong puso
Ang tulad ko'y niligtas Mo doon sa kalbaryo
Kaya't aking inaalay ang pagpuri't pagsamba
Ang buhay ko'y tanging sa 'Yo
Panginoon, kay buti Mo
Panginoon, nawa ako'y samahan Mo
Panginoon, sadyang kay buti ng Iyong puso
Ang tulad ko'y niligtas Mo doon sa kalbaryo
Kaya't aking inaalay ang pagpuri't pagsamba
Ang buhay ko'y tanging sa 'Yo
Panginoon, kay buti Mo
Ang tulad ko'y niligtas Mo doon sa kalbaryo
Kaya't aking inaalay ang pagpuri't pagsamba
Ang buhay ko'y tanging sa 'Yo
Pagsamba ko'y alay sa 'Yo
Panginoon, kay buti Mo
Bakit ito ang napili kong Kanta?
Gusto kong ibahagi sa inyong lahat na sa panahon na una kong narinig ang kantang ito ay parang sumaya at merong galak sa aking puso dahil sa ganda nang mensahe na ating mababasa at maririnig dito. Ito ay nagpapahiwatig at nagpapa-alala sa atin na napakabuti nang Dios sa lahat nang panahon kahit na kung minsan ay nakakalimot tayo sa kanya, atin lang tatandaan na hinding hindi Siya makakalimot sa atin, ang tanging gagawin lang natin ay mahalin natin Siya nang buong puso dahil simulat't sapul ay minahal na tayo nang Dios noo, ngayon at magpakailan man.
Hanggang dito lang po ako at sana ay inyong magustohan ang aking kanta. Iniingganyo kung sumali si @long888, @fycee, @juichi at @kneelyrac dahil ang dalawa sa aking mga kasamahan na sina @me2selah at @jb123 ay ang mga nanalo na sa nagdaang linggo.
Para sa Dios po ang lahat nang Papuri at Pasasalamat.
Mabuhay ang Steemit Philippines Community
How I wish makasali na🙏
Unda may gihulat oi
pangit kaayo ako mic, samot kapangit ako tingog hehe
Sus oi Sir,, kadungog aya ko nimo nag concert dei sa
Amen Mel! Napakabuti talaga ng Panginoon.
Salamat Kay Jesus!
Pagkanindot sa imu gikanta kuya.
Amen!Dalaygon ang Dyos.Sakamat da supporta! Good luck!