#Club5050 || Ang Pagdiwang namin ng "A Day of Celebration of Prayer" - Para sa Dios ang Papuri at Pagsamba
Maligaya at Manigong Bagong Taon mga Ka-Steemit Philippines!!!!
Pagsapit ng bagong taon ay marami na ding mga pangyayari sa ating mga buhay na nagpapatatag sa ating pananalig at pananampalataya sa Dios. Nitong bagong taon nga ay medyo bumabalik na naman ang banta ng Covid-19 sa ating komunidad kaya inaasahan ang lahat na mag doble ingat dahil mahirap ang magka sakit sa mga panahong ito.
Para naman sa araw na ito, ibabahagi ko sa inyong lahat ang nangyaring "A Day of Celebration of Prayer" dito sa aming lugar na merong layunin na magkaisa sa pagdasal sa Dios dahil sa mga panahong ito, dasal at pananalig lamang sa Dios ang ating tunay na malalapitan at mas maging epektebo ang lahat ng ito kung merong pagkakaisa sa bawat isa sa atin.
Ang ganitong gawain namin ay ginagawa talaga namin taon-taon upang magkaroon kaming lahat na pagkakaisa sa bawat mga Simbahan kahit na magkakaiba-ibang denominasyon kami pero para sa pagkakaisang dasal at pananampalataya sa Dios ay ginagawa namin ito. Maraming mga part ang gawaing ito at kailngan talaga ng pagkakaisa at kooperasyon sa bawat isa.
Bawat isang mga Pastor na nandoon ay meron naka-assign na dapat idasal sa Dios lalong lalo na yong mga dapat talagang hingan nang tulong sa Dios. Tulad na lamang ng nananatiling pagtaas ng mga Covid-19 cases, pag proteksyon sa mga frontliners, mga guro na kahit nasa risk sila ay patuloy parin sa pagsakripisyo para maturoan ang mga bata at marami pang iba.
Pagkatapus nga ng bawat pagdarasal ng bawat isang Pastor ay meron din mga kabataan na magbabahagi ng kanikanilang mga talento para sa Dios. Merong iba na nagbahagi ng kanilang pagkanta habang ang iba naman ay nagbahagi ng kanilang talento sa pagsasayaw at itong lahat ay kanilang iniaalay lamang para sa Dios na buhay. Nagpapasalamat din kami sa Dios dahil ang mga kabataan ay naging aktibo talaga sa gawaing ito at walang alinlangan na ibahagi nila nag talentong ibinigay ng Dios sa kanila.
Ang huling bahagi ng aming gawain sa araw na ito ang Praise and Worship o ang pagbigay papuri at pagsamba sa Dios na para din itong mini concert na kung saan sunod sunod na mga kanta nag aming kinanta na ang lahat ay para lang sa pagpasalamat at pagbigay papuri sa Dios lamang. Meron ngang mga nag lead o sila talaga ang nagdala sa mga kanta at kami naman ay mga backup, at meron ding mga tambourine dancers na talaga namang maganda tignan.
Sa kabila nga ng hirap at pagod sa gawain namin na ito, nagpapasalamat talaga kami sa Dios dahil naging matagumpay ang lahat magmula noong mga pag practice namin na bagamat ang iba ay meron mga trabaho ay nagawa parin at hanggang sa araw na ito, na mula umpisa hanggang matapus ay ang Dios pa rin ang na sentro, kaya ang lahat ng papuri, pagsamba at pasasalamat ay para lamang sa Dios na buhay, ang ating Panginoong Jesus Christ.
Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝
Mabuhay ang Steemit Philippines Community