Act of Kindness/Diary Game Season 3 (08-13-2021) | Isang Panibagong Feeding Program dito sa aming Pinakamamahal na Barangay

in Steemit Philippines2 months ago

Isang mapagpala at magandang araw sa ating lahat!!!

Itong buong linggong ito ay talagang napakaraming mga nagyari sa aking buhay at nagpapasalamat ako sa ating buhay na Dios dahil binigyan niya ako nang lakas at magandang pangangatawan sa araw-araw. Masasabi ko kasing maraming nangyari dahil sa buong linggong ito marami kaming mga gawain para sa Dios mula pa noong lunes hanggang sa biyernes. Ngayong biyernes nga ay nagsagawa na naman kami nang Feeding Program para sa mga bata dito mismo sa aming Barangay bilang pagdiriwang na rin namin sa aming Youth Month sa aming Simbahan.

image.png

Nitong araw nga na ito ay isa sa target na makasagawa kamin nang Feeding ay isa sa Purok dito sa aming Baranngay ang target namin na mapakain na mga bata ay nasa 80-100 na mga bata. Nakarating nga kami doon sa area nang mga nasa oras 8:00 umaga at mabuti na lang at hindi kami ang naka assign na mag luluto dahil merong mga kasamahan namin sa Simbahan na nag presenta na sila na lang ang mag luluto habang kami naman ang mag-aasikaso sa mga bata.

Pagdating nga namin ay agad din kaming nagsagawa nang aming munting mga programa upang maaliw ang mga bata na naroo sa area. Noong una nga ay kaunti pa lang ang mga bata, yon pala ay nasa loob nang internet cafe ang mga bata naglalaro kaya tinawag namin ang mga ito at ipinasali sa aming munting programa.

image.png

Ang mga naka assign nga mag-aaliw sa mga bata ay ilan sa mga kasamahan namin na mga guro dahil alam namin na meron silang mga experience tungkol dito. Kitang kita naman sa mga mukha nang mga bata na tuwang-tuwa ang mga ito sa pagsasayaw at pagkanta. Habang noong nagdarasal na para sa pagsisimula namin ay tahimik naman ang lahat nang mga ito kaya nakakatuwang tignan.

image.png

Pagkatapos nang mga pag-aaliw sa mga bata ay oras na rin upang kami naman nga mga kabataan ang magbahagi nang aming mga presentasyon na mga sayaw at skit. Ang aming ibinahaging mga presentasyon nga sa araw na ito ay apat at nagpapasalamat lang din kami sa Dios dahil nakaya namin itong lahat kahit na maliit lang na panahon ang aming pag-iinsayo. Natutuwa lang din kami dahil naibahagi namin ang lahat nang ito nang maayos at naaliw hindi lang mga bata kunti pati na rin ang mga tao na nasa paligid.

image.png

Ngayon ay malipit na ngang magtanghali kaya nagbahagi muna nang kaunti nang salita nang Dios ang aming Pastor upang makapag bigay encourage sa lahat na naroon hindi lang ang mga bata kunti pati na rin ang mga tao na nasa paligid.

Ilang saglit nga ay oras na upang maka kain ang mga bata at sa tingin ko nga ay umabot sa mga nasa 40 ang lahat na mga bata, hindi umabot sa target namin na 80-100 pero salamat na lang din sa Dios dahil nakapag bahagi pa kami sa ibang mga magulang at iilang mga bahay na malapit lang sa amin. Hindi lang ang mga bata at kaming mga team ang naka kain kundi pati na rin ang mga ibang tao.

Talagang nagpapasalamat kaming lahat Dios dahil nakapag sagawa na naman kami nang panibagong Feeding Program at salamat sa Dios dahil buwan buwan ay nakakapagsagawa kami at lagi akong kasama. Ang lahat nang ito ay magagawa lamang namin sa tulong nang Dios natin na buhay.

Hanggang dito lang po ang aking Act of Kindness/Diary Game sa araw na ito at para sa lahat ay ini-ingganyo ko kayong lahat na magbahagi nang inyong mga Diary Game entries.

Para sa Dios ang lahat nang Pasasalamat at Papuri. 😇🙏☝

Maraming salamat kay @steemitblog, @steemcurator01, @steemcurator02, @steemcurator08 at sa lahat nang Team Steemit para sa pag gawa nang pa challenge na ito at nawa'y kayo ay magpatuloy.

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

loloy2020.gif
Gif Footer Credits to @baa.steemit


received_106774058057322.webp

Footer credits to @kennyroy

Sort:  
 2 months ago 

Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Diary Game post.

Para po sa karagdagang Impormasyon at iba pa nating contest, pakibasa po sa link sa ibaba.

God Bless po!!!