Act Of Kindness (05-01-2021) | Isang Panibagong Feeding Mission Ngayong Buwan Nang Mayo 😇😊
Maligaya at Mapagpalang Araw sa Ating Lahat!!!
Ngayong araw ay ang unang araw nang Mayo at ang buong Bansa ay nagdiriwang nang Labor Day or Araw nang Pag-gawa na kung saan pinopugay ang lahat nang mga manggagawa sa buong mundo lalong lalo na ang mga Filipino. Ngayong araw ding ito ay isinagawa namin ang aming pinaka bagong Feeding Mission para sa buwan nang Mayo.
Kung kahapon, huling araw nang Abril ipinagdiwang namin ang kaarawan nang aking pinakamamahal na Ina ngayon naman ay magsasagawa kami nang Feeding Mission para sa mga bata sa kabila nang pagod nang katawan pero salamat pa rin sa Dios dahil binigyan niya kami nang lakas.
Ngayong araw nga ay mga nasa oras na 5:00 nang umaga ako nagising dahil maaga din kaming mag-uumpisa ngayon sa pagluluto nang mga pagkain namin para sa mga bata. Mga nasa oras na 6:00 umaga kami naka alis papunta nang lugar kung saan kami magluluto at magsasagawa nang Feeeding Mission.
Nakarating kami nang mga nasa oras na 6:50 na nang umaga at agad-agad ding kaming nag-umpisa sa pagluluto. Sa amin na ngang nakasanayan ay ang aming mga pagkain para sa mga bata ay Friend Chicken at Spaghetti kasama na rin ang mainit na kanin, at ang panulok para sa mga mata ay juice. Medyo marami din ang aming niluto sa araw na ito dahil inaasahan namin na marami ang mga batang makakaratin sa feeding misision namin ngayon. Mga nasa ilang oras din kaming nagluluto.
Habang kami ay nagluluto, ang iba naman naming mga kasamahang mga kabataan ay silang nakatuka upang maaliw ang mga bata. Kaya ang ginawa nila ay nagbahagi sila nang mga kanta at mga sayaw at iba pang mga presentasyon upang hindi mainip ang mga bata habang naghihintay. Kitang kita naman na talagang aliw na aliw ang mga bata habang nagkakanta at nagsasayaw kasama ang mga kasama naming mga kabataan. Isa din sa kanilang ibinahagi sa mga bata ay isang dula na nagpapakita sa buhay at kabutihan nang Dios at makakapagbigay din ito nang magandang pananaw nang mga bata sa Dios.
Noong malapit na kaming matapos sa pagluluto at natapos na rin ang mga kasama naming mga kabataan sa pag-aaliw sa mga bata, oras rin upang magbahagi nang mga salita nang Dios ang aming Pastor. Nakinig naman ang mga bata sa aming Pastor at noong malapit nang matapos ang aming Pastor sa pagbahagi nang mga salita nang Dios, merong mga matatanda na lumapit at nang hingi nang dasal para sa kanilang mga nararamdaman sa katawan. Magandang paraan din ito upang makatulong sa mga bisita namin na mapalapit sila sa Dios dahil yon lang ang ating magagawa ang magdasal sa Dios. Kaya dinasalan nang aming Pastor ang mga matatandang bisita namin at nagbigay din nang mga salita nang Dios upang makapagbigay pa sa kanila nang pag-asa.
Mga nasa oras na 11:50 na natapos ang aming pastor sa pagbahagi nang salita nang Dios at nakapag bigay dasal sa mga bisita namin. Kaya ngayon oras na upang makakain ang lahat lalong lalo na ang mga bata. Habang kumakain naman ang mga bata ay kitang kita sa kanilang mga mata ang tuwa dahil nakakain uli sila nang masarap na pagkain at sa tingin ko din ngayon lang din sila nakalabas at nagpapasalamat kami sa LGU lalong lalo na ang Barangay Officials dahil tumulong sila upang maisagawa ito nang mabuti.
Mga nasa oras na 1:00 nang hapon ay natapos na rin kami sa aming Feeding Mission at unti-unti narin umuwi ang mga bata at kami rin ay umuwi na rin mga 2:00 nang hapon noong matapos na naming malinis at maayos ang lahat nang mga kalat sa lugar na pinagdaraosan namin nang Feeding Mission. Mga nasa 4:00 nang hapon na rin kaming lahat naka uwi sa aming mga bahay bahay at sa wakas ay nakapag pahinga na rin.
Salamat din sa Dios dahil naka uwi kami nang ligtas at masayang masaya.
Kaya hanggang dito nalang po ako at hanggang sa susunod na #actofkindness ko sa buwan na ito, ang panibagong Feeding Mission namin.
Para sa Dios ang lahat nang Pasasalamat at Papuri. 😇🙏☝
Maraming salamat kay @steemitblog, @steemcurator01, @steemcurator02, @steemcurator08 at sa lahat nang Team Steemit para sa pag gawa nang pa challenge na ito at nawa'y kayo ay magpatuloy.
This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.
Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.
Anroja