The Diary Game Season 3 Week 20 ( October 14, 2021) | Ang First Dose, Resbakuna
Magandang, magandang, magandang umaga Pilipinas! Sana po ay nasa mabuting kalagayan ang lahat.
@lealtafaith ang inyong lingkod ay narito na naman po sa araw na ito upang magbahagi ng aking diary game at ang 50% ng post pay-out ay para sa power-up tp support #club5050. Sisimulan ko na po at nawa'y okay lang sa inyo.
Ang Aking Umaga Bago Nagpabakuna
Tila ba kay ganda ng umagang ito at kadalasan nagsisimula ang araw nating mga pinoy sa pagkakape at umagahan. At dahil maganda ang araw ko ay tinulungan ko ang aking mahal na lola sa gawaing bahay gaya ng paghuhugas ng pinggan. Pagkatapos ay naghanda na ako dahil pinapapunta kami ng aming guro sa training center kung saan ako nag-aaral ng pagtatahi.
Mga ilang minuto lang ay nakarating na ako sa training center at sa di namin malaman na dahilan ay tatlo lang kaming nakarating dahil ayon sa iba ay patuloy parin sila sa pag-aasikaso ng kanilang mga requirements at hindi pa natapos. Sa amin naman na nakarating ay tinanong kami ng aming guro tungkol sa resulta namin kahapon at kung ano-ano pa ang kulang namin sa aming requirements. Tungkol sa akin ay kailangan ko mag-repeat sa X-ray at magpabunot ng mga sirang ngipin.
Kinalaunan pagkatapos makipag-usap ng aming guro ay nagpaalam na ako at pumunta sa bahay ng girlfriend ko dahil napagdesisyonan namin na sabay at ngayon kami magpapabakuna.
Vaccination Site
Pagkarating namin sa "Vaccination Site" ay agad kami pumunta at nagtanong sa information desk kung saan pinag-attendance kami at agad na sumunod sa mga steps na kailangang sundin.
Sa unang step ay kailangan muna naming magpa-register at humingi rin sila ng identification card na dala namin. Pagkatapos ng ilang tanong patungkol sa amin ay nagpatuloy kami para naman sa susunod na step. Ang pangalawang step ay ang pagpapacheck ng blood pressure at susunod naman ay ang interview kung merong allergies, medical history at marami pang iba. Sa pang-apat na step ay ang pila para magpabakuna at habang naghihintay ay pinapa-alala ng mga frontliners ang mga bawal at dapat gawin. Pagkatapos magpa-inject ay oobserbahan ka ng 15 minuto habang naka-upo at kapag natawag na ang iyong pangalan ay ichecheck muli ang blood pressure at magtatanong sila kung may nararamdaman ka bang kakaiba. Kapag okay lang naman ang lahat ay ibibigay ang vaccination card at maglog-in sa panghuling step ng QR code at iilang information.
Bago umuwi ay sumaglit muna kami sa simbahan upang magsindi ng kandila at magdasal na maging okay din ang lahat at bumalik na sa normal na kalagayan ang ating mundo. Buong-buo din ang tiwala namin na ang Diyos na ang bahalang gumabay sa amin tungo sa magandang buhay.
Iniimbitahan ko sina @georgie84, @sweetmaui01 at @glennamayjumaoas na sumali at magbahagi ng kasiya-siyang diary game.
Ang inyong lingkod,
@lealtafaith
#betterlife #thediarygame #philippines #steemexclusive #steemitphilippines #thediarygameph #club5050
Hello @lealtafaith 😊
Maraming salamat sa pagbahagi ng iyong diary post. Congratulations at nabakunahan ka na po. Maganda talaga na panatilihing alagaan ang ating pangangatawan lalo na ngayong panahon ng Pandemic. 😊
Hi po @jb123 , yes po kailangan talaga nating proteksyonan ang ating kalusugan at maraming salamat po😊
Walang anuman.. 😊
Thank you for tagging sir! Mapapasali talaga ako nito. Parang may oras pa ako! Wahahaha
walang anuman po at naway mag-enjoy po kayo
Maraming salamat sa iyong paanyaya, more power
walang anuman po at God Bless po
This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.
Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.
Anroja
Thank you so much for your support😊