The Diary Game Season 3 ( December 5, 2021) : Sundate at bagong sapatos | 20% to @steemitphcurator

in Steemit Philippines3 years ago (edited)

Magandang araw sa lahat! Nawa po ay malusog at ligtas ang lahat!

CollageMaker_20211205_193608074.jpg

At dahil sunday is rest day at ang nag-iisang araw kung saan ako makakalaan ng oras ay niyaya ko ang aking napakagandang nobya na steemians na rin na si @unstoppable11 na lumabas at ang palaging una naming pinupuntahan dati pa lang ay ang simbahan upang magsamba at may gabay ng ating Panginoon ang aming lakad.

IMG_20211205_135737_Burst01.jpg

Di kami naka-abot sa unang misa sa hapon kaya naglakad-lakad na muna kami at dahil parehas kaming mahilig sa mani ay naghanap kami ng mainit-init pa na lutong mani at bumili sa halagang 10.00 (0.20 USD). Dahil sa meron pa kaming oras bago ang susunod na misa at malapit lang ang nakabanderang mga sapatos sa simbahan ay nag-ikot ikot muna kami upang makahanap ng sapatos na gusto kong bilhin para sa aking sarili at dahil sira na rin ang luma kong sapatos na ginagamit ko sa trabaho.

IMG_20211205_144533.jpg

Sa ilang pwesto na napagtanungan namin ay nakahanap din ako ng gusto kong sapatos at sinukat ito. Ang unang sukat ay malaki at ang susunod naman ay maliit ngunit sa wakas sa pangatlong sukat ay eksakto na at nakadeskwinto ako kahit papaano ng 50.00 (0.99 USD). Ang bago kong sapatos ay nagkakahalaga ng 500.00(9.91 USD) bilang regalo sa aking sarili sa una kong sahod.

Pumasok na kami ng simbahan pagkatapos dahil malapit na matapos ang naunang misa at ang dadaluhan namin ay ang susunod na alas 3:00 ng hapon magsisimula. Pagkapasok namin ay agad kong ginamit ang bago kong sapatos bago pa magsimula ang misa.

IMG_20211205_161415.jpg

Pagkatapos ng isang oras mahigit na pagsasamba ay ang aming sundate sa lugawan. Dito kami laging kumakain pagkatapos magsimba dahil sa masarap na lugaw na may kapares na lumpia na mainit pa kung ihain sa mga customer na talagang pagpapawisan ka. Sa halagang 100.00 (1.98 USD) ay busog na kaming dalawa at kasama na diyan ang softdrinks namin.

IMG_20211205_170440.jpg

Kasunod na pinuntahan namin ay ang puntod ng pumanaw ko nang mga magulang. Matagal-tagal na rin naming hindi napuntahan ang mga ito upang sindihan ng kandila at alayan ng bulaklak simula nung nagkapandemya at ipinagbawal ang pagpapapasok sa sementeryo. Sa totoo lang namimiss ko na sila at palaging ipinagdadasal na masaya at nasa payapa na sila ngayon. At nagpaalam din kami dahil mag-gagabi na.

IMG_20211205_174923.jpg

Bago magtapos ang aming sundate ay nag-icecream muna kami at naisipan namin na tikman ang magnum na kaya naman pala medyo mahal ay dahil sa sarap at pulidong pagkakagawa nito. Try niyo rin as a reward for yourselves na sure akong mawawala ang pagod niyo dito.

Hanggang dito na lamang ako at nais kong pasalamatan si @steemitcebu sa pag-imbita sa akin upang magbahagi ng aking diary at ako naman ang mag-iimbita kina @georgie84, @jes88 at @sweetspicy.

Maraming salamat po at God bless sa ating lahat!

Best regards,
@lealtafaith

Sort:  
 3 years ago 

sana all may bago 😇

 3 years ago 

haha may nalang te naa ko pangwork

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 58559.96
ETH 3156.41
USDT 1.00
SBD 2.44