The Diary Game Season 3 Week 20 (10-12-2021) | Happy Natal Day To Me

in Steemit Philippines3 years ago (edited)

Happy, happy, happy Tuesday everyone! May we all have a great day and better life!

PSX_20211012_162555.jpg

25 years down and hoping more years to cheers and blessings to come into my life, Happy Birthday to me!

An early morning full of happiness and greetings from my family, love one, friends and colleagues. I started my day with coffee to be fully energized together with breakfast which is rice and egg prepared by my one and only grandma.

PSX_20211012_162741.jpg

Pagkatapos mag-umagahan ay nagsimula na ako sa paghahanda ng iihawing manok at dahil kaarawan ko at wala naman akong lakad o gagawin ay ako na ang kusang naglinis sa iihawing manok. Masakit man tignan at ihawin ang manok na matagal-tagal ding inalagaan ng aking tiyo ay kailangan dahil itong manok lang na ito ang pwedeng ihawin. Inumpisahan namin sa paglaslas ng leeg ng manok at kadalasan kapag nag-iihaw ay nakasanayan natin na lagyan ng guhit na may pormang krus ang noo ng may kaarawan ngunit di na ako nagpalagay pa. Pagkatapos ay nilagay namin sa inihandang kumukulong tubig upang lumambot at madaling pagkuha ng mga balahibo nito. Pagkatapos nitong malinisan ay ang tiyuhin ko na ang nag-maniubra sa pagluto nito samantalang ako naman ay nanatiling tumulong sa paghiwa ng mga lamasin.

Lunch Celebration

Napili ng aking mga tiyahin at lola na sa tanghali namin gaganapin ang salo-salo bilang selebrasyon ng pasasalamat ngayong kaarawan ko. Nagtipon-tipon na ang lahat at nakahanda na rin ang mga pagkain sa mesa. Sinimulan ang selebrasyon na ito sa pamamagitan ng pagdarasal na pinamunuan ng aking napakasupportive na tiyahin @georgie84. Laking pasasalamat ko na mayroong mga taong walang ibang hiling kundi ang magandang buhay para sa akin na sina lola, @georgie84, @steemitcebu, @sweetspicy, pinsan ko na sina @jes88, @jufranketchup, @jesmilingirl at sa iba ko pang tiya at tiyo. Hindi magaganap ang selebrasyon na ito na napakasaya kung wala sila na talaga namang nagawa pa akong awitan at pinag-wish bago hipan ang kandila. Ang saya-saya kahit wala na ang aking mga magulang ay nandiyan naman sila upang tumayong guardian ko na patuloy na sumusuporta at guide sa akin. So ayun na nga back to celebration na tayo, pagkatapos ng prayer, pagkanta ng "Happy Birthday" song at wish ay nagsimula na ang kainan ng tanghalian na ako pa talaga ang gusto nilang pinaka-unang kumuha. Tapos sunod-sunod na silang nagsandok upang makakain na at syempre hindi mawawala ang paguusap-usap at tawanan.

PSX_20211012_163111.jpg

Pasasalamat

Tuwing kaarawan ay nakagawian nating mga Pilipino ang pagsindi ng kandila sa simbahan upang magpasalamat sa taon ng kapanganakan at pagdarasal na nawa'y magpatuloy pa. Sa halip na magsindi ay sinadya ko talaga munang pumasok sa simbahan upang magdasal ng taimtim. Gusto ko lang na humingi ng kapatawaran, magpasalamat at humiling sa kanya na palagi akong subay-bayan at tulungan na makamit ang aking mga pangarap sa buhay at palaging nasa mabuting landas at kasama na rin ang pagdarasal para sa aking pamilya na bantayan at panatilihing nasa mabuting kalagayan maging ang lahat ng tao sa mundo. Pagkatapos ay umuwi na ako ng matiwasay at ligtas.

I am inviting @kyrie1234, @chibas.arkanghil at @moonlight-shadow na magbahagi ng diary game. Yan lamang po sa ngayon at hanggang sa muli kababayan.

Thank you very much and May Our Lord Blessed Our Sincere Hearts and May Soon Heal Our Land!

Mabuhay Pilipinas

With sincere regards,
@lealtafaith

20% set to steemitphcurator as beneficiary

Sort:  
 3 years ago 

happy happy birthday Sir!! more years to come!! Hope you had a blast!

 3 years ago 

happiest bday po sir

 3 years ago 

thank you maam😊

 3 years ago (edited)

Hello po @lealtafaith 😊

Mabuhay at Magandang araw!!! Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong diary post sa araw na ito. Ang iyong entry po ay kwalipikado para contest sa linggong ito, week 20 ng Diary Game Contest.

Maaring bisitahin ang ating Community Account para sa karagdagang impormasyon at para sa mga rules at regulations sa ating contest.

Updated Rules and Regulations

Happy birthday

 3 years ago 

wow thank you po😊

 3 years ago 

Walang anuman. 😊

 3 years ago 

I hope you enjoy 😁

 3 years ago 

sobra aunte hehe, thank you again😊

 3 years ago 

happy birthday, sir 😊

 3 years ago 

thank you maam😊

 3 years ago 

happy birthday :)

 3 years ago 

Thanks for mentioning. Happy bday sir, God bless you.

 3 years ago 

thank you maam, God bless you too po

 3 years ago 

Maligayang bati pinsan

 3 years ago 

maraming salamat ate 😊

 3 years ago 

asa man ang uban picture r?

 3 years ago 

hehe wala na naapil ug post te

 3 years ago 

Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Dairy Game post.

Happy Birthday, Po!!!

Para po sa karagdagang impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at ibang Social Media Accounts.

New Contest Alert: Diary Game Week 20

Greeting from Admin
@loloy2020

God Bless po!!!

 3 years ago 

walang anuman po at maraming salamat po sa pagbati😊

Coin Marketplace

STEEM 0.22
TRX 0.20
JST 0.034
BTC 98934.25
ETH 3347.90
USDT 1.00
SBD 3.08