The Diary Game (December 23, 2021) : Ang aming sitwasyon sa paghagupit ng tropical cyclone Odette

in Steemit Philippines3 years ago

Masaganang bati sa lahat ng steemians! Nawa po ay ligtas at malusog ang lahat lalong-lalo na sa mga apektado ng bagyong odette kagaya na lamang ng aming buong siyudad na pinagmalupitan ng bagyong ito.

IMG_20211220_122609.jpg

Ngayon po ang ika-pitong araw na walang kuryente maging signal ang buong lungsod ng Lapu Lapu na ayon sa balita na siyang pinaka-apektado maliban sa Mandaue at Cebu City na nakakaraos na ng paunti-unti.

Pahirapan din sa pagbili ng tubig at may iba pa nga na nagkakagulo dahil sa wala nang mapagkukunan ng tubig. Maging ang mga grocery store ay mahaba ang pila at limitado lamang ang nakakapasok dahil na rin sa strict health protocol na sinusunod ng mga nanatiling bukas na grocery stores. Sa mga batteries naman ng mga mobile phone na ginagamit upang may ilaw ay pahirapan din dahil kaunti lamang ang outlets na may free charge at ang iba na may mga generator ay ginagawang business kagaya na lamang ng 25.00 bawat oras o bawat mobile phone.

Pahirapan din ang signal ng mga mobile phone namin sa ngayon at ang iba ay pumupunta malapit sa bridge upang makasagap ng signal. Kaya ako po ay humihingi ng despensa sa pagiging inactive sa ngayon.

IMG_20211220_122520.jpg

Makikita sa mga litrato ang naidulot ng bagyong Odette sa aming lungsod. Mga pundasyon ng bahay ay sinira maging mga puno ay ipinabagsak ng walang awa. Napakalupit ng bagyong Odette na ito na nagdulot ng napakalaking damaged na kanyang iniwan sa buong Lapu-Lapu City.

Ang dating napaka okay na bahay ng aking patay ng mga magulang ngayon ay di na mawari dahil sa bumagsak na puno sa gilid nito, lumipad na mga yero, kahoy at maging glass na bintana ay nabiyak. Nakakapanlumo lang na mag-uumpisa na naman kaming mga apektado sa simula sa pagtatayo ulit ng aming mga tahanan maging sa pagkain ay may iilan na wala ng mapagkukunan lalong lalo na ang tubig dahil karamihan ay uhaw na uhaw na at nakikipagsapalaran sa pagpila hanggang hating gabi makabili lamang ng tubig.

Napakalungkot na pangyayari at ipipagdasal ko na lamang na makakaraos din kami sa tulong at gabay ng Diyos. At laking pasasalamat ko na kahit nasira ang bahay maging ang ibang parte ng bahay ng aking lola ay ligtas ang buong pamilya at maging ang malalapit kong mga kaibigan at kakilala.

Hanggang dito na lamang po ako, maraming salamat at patuloy na mananalangin na makaraos kaming lahat sa iniwang kalupitan at bagsik ni bagyong Odette.

God bless us all always!

Kind regards,
@lealtafaith

(pasensya at ngayon lang po napost dahil sa mahirap na signal sa amin dulot ng bagyong odette)

Sort:  
 3 years ago 

Hi!

This post has been chosen to be recommended for booming support today. Continue creating high-quality content here at Steemit Philippines Community.

Remember to always follow the #Club5050 rules for more chances of curators' upvotes.

Congratulations!

Mindanao Moderator
@long888

 3 years ago 

Hello sir, thank you very much and God bless po

 3 years ago 

Grabe gyud si Odette. Pero maayo sir na okay ra mo.

Coin Marketplace

STEEM 0.24
TRX 0.21
JST 0.036
BTC 97319.92
ETH 3332.05
USDT 1.00
SBD 3.33