Better life : "Ang Bunga ng aking pagsusumikap at pananalig sa Diyos" | 20% of post payout goes to @steemitphcurator

in Steemit Philippines3 years ago

Masagana at maligayang araw sa lahat! Nawa po ay maging maayos ang buhay ng bawat isa at ligtas sa anumang sakit, maging problema ay malalampasan.

PSX_20211117_121101.jpg

Mahaba man ang landas na aking tinahak at may mga pagsubok man akong naranasan sa dulo nito ay may liwanag na inihanda para akin at lubos akong nagpapasalamat sa tulong at awa ng Diyos na laging gumagabay sa akin at sa aking pamilya.

Nagsimula ang aking pagsubok noong parehas na nawala ang aking mga magulang. Nahirapan akong tanggapin ang kanilang pagkawala dahil sa iisa lang din akong anak nila at sa tuwing nasa bahay ay walang kasama o nakaka-usap at palaging pumapasok sa isip ko ang mga memories namin noon. Sumunod naman ay kasabay ng pandemic ay ang pagpapahinto ng aming trabaho hanggang sa naghirap ako dahil nahihiya din naman ako sa kapamilya ko kung palagi nalang ako umaasa sa kanila kaya noong may sinabi ang tiyahin ko na bukas na ang training center ng pagtatahi ay nabuhayan ako at alam ko na pagsisikapan ko this time.

PSX_20211117_121535.jpg

Sa loob ng 16 days na pag-aaral ng tahi ay pinagsisikapan ko sa bawat araw na nagdaan. Nakikinig ako ng maayos at palaging nasa harapan ng guro upang makapagfocus ng maayos. Nagkaroon din ako ng mga bagong kaibigan at maging ang guro namin ay itinuturing kaming mga anak niya na nakakatuwa at talagang ginagabayan kami ng maayos kung sakali man na may hindi kami agad na nakaintindi. Kapag inaanunsyo ng aming guro na may pagsusulit kinabukasan ay talagang nag-rereview ako sa gabi at nakakatuwa naman dahil palagi akong nakakapasa dahil sa kaunting mistake lamang gaya ng two(2)-four(4) mistakes o di kaya ay perfect.

PSX_20211117_121237.jpg

Dumating na nga ang araw na tapos na ang aming pag-aaral at ang panghuling pagsusulit na kailangan kong maipasa. Labis akong nagreview at nagsikap na alalahanin ang lahat ng tinuro ng aming guro. Lubos akong kinabahan ngunit sa awa ng Diyos ay naipasa ko ang huling pagsusulit na iyon at kinabukasan ay ang orientation kung saan binigyan kami ng ideya ng aming guro sa mga gagawin namin pagdating sa kompanya kung saan kami maaaring madestino.

PSX_20211117_121337.jpg

Patuloy lamang ako sa pagsisikap na matapos ang aking pagpapamedical kahit na may repeat ako dahil sa may nadetect sa aking X-ray ay di ako tumigil at naghanap ng paraan upang pang-dagdag sa gastusin dahil malaki-laki na rin ang nagastos ng aking tiyahin at sa tulong na rin ng #steemit ay may naipang-dagdag ako. Laking pasasalamat ko sa aking natitirang pamilya sa tulong at sa Steemit na patuloy na sumusuporta sa lahat ng miyembro. Di rin nagtagal ay natapos ko na lahat ng medical at iba pang requirements at naipasa ito sa kompanya.

PSX_20211117_121906.jpg

"Lihok tao kay tabangan ko ikaw", iyan yung palaging nakatatak sa isipan ko na isa sa mensahe ng Panginoon. Ang patuloy na pananalig sa Diyos at sa mga taong nakapalibot sa akin ang inspirasyon ko sa lahat ng pagsisikap na ginagawa ko at patuloy na gagawin lalong-lalo na ngayon na pang-limang araw ko na sa pagtatrabaho. Ang bunga ng aking pagsusumikap at pananalig sa Diyos ay ang maayos na buhay ko ngayon at sa wakas ay may trabaho na ako.

Maraming salamat po at Nawa po ay patuloy tayo sa Pananalig sa Panginoon!

@lealtafaith, ang inyong lingkod at Magandang Buhay sa ating lahat!

Mabuhay Steemit Philippines!

Sort:  

Congratulations, your post has been upvoted by @scilwa, which is a curating account for @R2cornell's Discord Community. We can also be found on our hive community & peakd as well as on my Discord Server

Manually curated by @abiga554
r2cornell_curation_banner.png

Felicitaciones, su publication ha sido votado por @scilwa. También puedo ser encontrado en nuestra comunidad de colmena y Peakd así como en mi servidor de discordia

 3 years ago 

Thank you very much for your support😊

 3 years ago 

salig lang gyud amigo. Congratulations sa gihatag nga trabaho sa Ginoo sa imo

 3 years ago 

Yes maam and thank you po😊

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.15
JST 0.031
BTC 61083.24
ETH 2670.20
USDT 1.00
SBD 2.61