Ang paghahatid ng mga pagkain, pack juice para sa mga bata at give-aways by @lealtafaith
Magandang buhay mga kababayan at maligayang bati sa lahat ng kapwa ko steemians!
20% of this post payout goes to @steemitphcurator at bilang pagsupport sa #club5050, 50% na aking matatanggap sa post na ito ay ipa-power-up ko.
Bahagi na ng ating pagiging Pilipino ang pamimigay kapag may natatangap tayong blessings at taos puso natin itong ginagawa.
Bilang pasasalamat sa Panginoong Maykapal sa ikapitong kaarawan ng batang si Timmy ay naghanda ang kanyang pamilya ng ipamimigay na mga pagkain na may kasamang pack juice at give-aways para sa kapwa niya mga bata.
Nung tinanong si Timmy kung anong gusto niyang gawin sa kaarawan ay binanggit niya na gustong-gusto niyang imbitahan ang mga bata sa kapit-bahay at gusto niya daw bigyan ng mga candies at pagkain ang mga ito na talaga namang nakakatuwang marinig.
Sa kadahilanang may pandemya at di maaaring magtipon-tipon ay nagpresinta ako na sasamahan ko siya at tulungan dahil maulan din ang panahon. Kasama siya sa paghahatid namin ng mga pagkain, pack juice at give-aways.
Nakakatuwa na makita ang ngiti nila sa ginawa naming ito na ikinasorpresa nila at talagang hinatid pa daw sa bahay nila. Sa paghahatid at pagbahagi ng mga blessings na ito sa kapwa ay talaga namang kasiya-siya. Kahit maulan ang panahon ay handa akong tumulong lalo na at ito ay tungkol sa pagtulong na maaring magdulot ng kasiyahan sa kapwa.
Sharing blessings and helping others is a great act that will surely fulfill your kind heart!
Thank you so much everyone and May Our Lord Bless Our Kind Hearts!
Kind regards,
@lealtafaith
Congratulations!
Comunidad Latina is supporting #club5050 initiative and you received an extra upvote for that.
| 100SP | 500SP | 1000SP | 2000SP | 5000SP |
Thank you very much
What a great act you did sir! Godbless your kind heart.
Its my pleasure maam to extend my help to the kid's desire of sharing his blessings. God bless din po
you are really a good samaritan sir... God bless
thank you maam😊God Bless din po
God bless your giving heart po!
thank you so much maam😊God Bless you too po