"My Steemit Journey @2021" by @kyrie1234 || #club5050
20% goes to @steemitphcurator!
Magandang araw po sa lahat! Isang napakagandang araw parin kahit hindi pa bumalik ang kuryente sa aming lugar buhat ng bagyong signal #4 na pinangalanang Odette at tinatantyang humigit kumulang dalawang buwan pa bago ito bumalik, kapos sa tubig, mataas na linya ng gasolina, kawalan ng signal at paubos na budget buhat ng nagtataasan na presyo ng mga bilihin at pamasahe peru hindi tumataas ang sahod. Despite sa lahat na yan, ako'y higit na nagpapasalamat pa rin sa Poong Maykapal dahil nakakaraos pa rin kami at makakaraos sa mga darating na araw.
@steemit, a Part of my Daily Routine
Nakilala ko ang steemit noong 2017 sa pamamagitan ni sir @bien. At first, hindi ko pa naintindihan ang plataporma na ito, nalilito ako kung paano magsimula at higit sa lahat hindi ko alam kung ano ang aking isusulat. So, salamat kay sir @bien at ng kanyang butihing maybahay na si @chingpherd na personal nya akong inanyayahan para sa isang face to face na pag-iintroduce sa plataporma kasama ng aking kaibigan na sina @fabio2614, sir @juichi, at @jenesa sa tulong ng kanyang tiyuhin na may malaking parte din kung nasaan na kami ngayon sa platform na ito. To make the story short, naging successful naman ang pagkakilala ko sa steemit at marami na rin akong naimbita at ibinahagi ang kagandahang naidulot ng steemit sa buhay ko.
THE COMEBACK
Nawala ako ng ilang taon dahil sa personal reasons ko at noong bumalik ako this year sobrang ang laki ng kaibahan nito. At ang kaibihan nitoy mas pinaganda at talagang guided ka sa mga entries mo. May mga communities ka na pwede mong salihan and kada community may mga moderators na kung saan sila ay gumagawa ng mga pacontest. At on my side, hindi na mahirap maghanap ng kung ano ang aking ipopost sapagkat given na ang topic. Ang tanging gawin ko lang kung paano iaarrange ang mga ideya ko.
THE BEST POST I SHARED
Please click here: My Promotional Video
Marami na akong naibahagi dito at isa sa mga pinaka the best post para sa akin ay yaong pacontest ng @steemitphilippines na kung saan pinapagawa kami ng video na kung saan ipopromote namin ang steemit at kung paano sumali dito. Napili ko itong aking best post this year kasi bukod sa nakakatulong ako sa mga baguhan, na develop ko rin ang aking abilidad na magsalita sa harap ng kamera at kung paano mag-edit. Ito ay isang malaking karangalan para sa akin at salamat sa community na ito at nagkaroon sila ng isang unique na pacontest.
MY FUTURE PLANS
Ako'y higit na nagpapasalamat dahil isa ang steemit funds ko na nakakatulong sa akin sa aking financial na pangangailangan. At plano ko rin na hindi na ako magpopost lang ng magpopost, kundi gagawin ko rin ang aking responsibilidad as steemian. Patuloy na pagpower-up ang maasahan nyo sa akin at susuporta na rin ako sa aking kapwa steemians sa pamamagitan ng pagcomment, paglike at pagshare nito. Isa itong napakalaking tulong esp sa mga baguhan para ma boost ang confidence nila na magpost ng magpost.
MY OUTLOOK OF STEEMIT THIS 2022
I am sure, sa nakikita ko, sa pagpupursige ng admin ng steemit ay malaki ang mararating nito at magbobloom talaga ito. Hindi lang ang mga steemians ang makabenefit ng mga post natin pati na ang platform lalo na at pinapatupad nila ang #club5050, #club75 at #club100. At dahil dito maging maganda ang takbo nito.
Kaya steemians, go lang tayo ng go. Wag mawalan ng pag-asa lalo na at di tayo nakatanggap ng supporta sa halip, lets continue joining the contest at magreply at comment din sa kapwa natin steemians.
Aking inaanyayahan sina @abby0207, @bisayakalog at @georgie85 na magsumite ng kanilang entry dito.
Adios!
Lumalaban,
#steemph-contest #mysteemitjourney-2021 #steemitphilippines #club5050 #steemexclusive #philippines #krsuccess #club75
thank you po... This gives me a positive perspective
Judge: @juichi
Thank you for your entry. Merry Christmas and Happy New Year!
Merry Christmas and happy new year as well sir. Thanks for this positive rating