#club75 #burnsteem25 || "ONE SATURDAY AFTERNOON" by @kyrie1234

in Steemit Philippines2 years ago

*Isang mapagpalang umaga sa laha.

Time check: 4:19 ng madaling araw ng lunes, maaga pa rin akong gumising kahit walang pasok sapagkat marami akong dapat gawin at gusto ko itong simulan ng maaga para matapos ko lahat ng goal ko ngayon.

AC07C1A9-0C29-4BAA-BB54-42AB131E76BE.jpeg

Pero, bago ko simulan ang aking mga gawain gusto ko po sanang ibahagi sa inyo ang naganap na pagpapareflex ko ng aking asawa.

Noong nakaraang biyernes, may iniindang sakit sa likod ang aking asawa. Bunga nito, parang lalagnatin sya at wala syang ganang kumain.

67AA09D1-371A-47A4-9A16-9A25F8A03B4E.jpeg

Kaya napagdesisyonan kong pumunta sa tindahan na ito at magpapareflex.

Actually ang tindahan na ito ay nagtitingda ng tinapay at the same time nagrereflex din sila.


Ano nga ba ang REFLEX?


Ang reflex ay isang mataas na klase ng paghihilot na kung saan gagaan at narerelax ang iyong katawan. Meron silang ibang bagay na ginagawa maliban sa pagdidiin ng iyong katawan.

Ito ay makikita malapit lang sa paaralan na aking pinagtatrabahuan. At first time naming magpareflex, kasi gusto ng asawa ko na hard ang pagkadiin at perfect ito sapagkat lalaki ang nagrereflex dito kada sabado. Meron din daw silang ibang branch sa Opon Mercado.

Ang pagpapareflex nila ay nagkakahalagang 150php (11.5 steem) if isang parte lang ng katawan ang pinapareflex mo at 250php (19.2steem) naman if gusto mo ang buong katawan. At pinili namin ang buong katawan para makuha ang lahat ng sakit ng katawan nya at marelax ito.

Ang unang ginawa ni kuya ay nilagyan ito ng oil at pinisil pisil ang bandang likod. At ayon na nga, nakuha nya agad kung saan maaakit at kung paano ito pagagaanin.

5F5D46F4-906B-4D37-9930-1FD380F61A7D.jpeg
Pagkatapos kumuha sya ng kandila, sinindihan nya ito, tinakpan mg maliit na baso at pinapaslide sa buong katawan. Ayon sa aking asawa, ito ay medyo masakit daw parang pinisil ang iyong katawan. At ang sabi ni kuya, ito daw ay ginawa nya para mavaccuum lahat ng "panuhot" or mga gas na pumapasok sa iyong katawan na nagdudulot ng pananakit nito.

Pagkatapos ay finifold nya ang paa ng aking asawa at diniin ng dahan-dahan sapagkat ang mga paa daw ay konektado ng ating likod kaya ito ang kanyang tinitira.

04E0A11B-0211-4F44-8A3B-FF534990CDD8.jpeg

Pagkatapos ay, niyakap nya ito ng mahigpit para ang mga buto ay maging maayos.

0B5D6A33-9016-4F1B-A689-9C3144D35E8E.jpeg

At ang huling bahagi ay pinaparelax nya ito at hinimas himas ang mga paa nito.

Sa larawan na iyan medyo napagod ang aking asawa sa ginawang session ni kuya pero nagustuhan nya ito at medyo gumaan daw ang kanyang pakiramdam. Kaya ayon, after naming magpareflex kumain na sya ng marami at lumabas lahat ng pawis nya at nagiging ok na sya.

Salamat kay kuya❤️😘😍

At yon lang po. Inaanyayahan ko ang aking mga kaibigan na sina @jes88, @georgie84 at @bisayakalog na magbahagi dito.

Nagmamahal,

[K Y R I E 1 2 3 4]

813BB96C-9DD6-4C41-98E1-B6A21CC4A254.jpeg


15039B3F-A1C9-4E5D-A4AC-B5841F83DCCE.jpeg

Sort:  
 2 years ago 

Wow...150 na pala pahilot now heheh

 2 years ago 

profesional reflex sis d lang sya hilot may mga ginagawa pa

 2 years ago 

Kalami ana sa pamati maam ui. Naa pay paventosa. Langkat jud panuhot ana ba. Nakatry ko ug inani atong nag-open na ang mga establishments sukad gapandemic. Kapuliki jud kog agay. Wala ko kamalay ako gisudlan kay foot reflexology diay.

 2 years ago 

mao lage dam, gaan2 jud iya pamati after sa kumbati

 2 years ago 

maayo sis naa ra sa duol. nindot gyud ng reflex ba.

 2 years ago 

sana ok na si bro sis... kapoy jud iya porma ba.

 2 years ago 

Gilantan jud sya sis

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 58613.96
ETH 3153.58
USDT 1.00
SBD 2.43