Diary Games Season 3|September 19,2021|Ang Unang Post Ko Sa Diary Game

in Steemit Philippines3 years ago

Magandang umaga sa lahat, masaya ako dahil naging bahagi na ako sa @SteemitPhilippines. Ito ang kauna-unahang post ko dito sa community. Bago ko sisimulan ang unang talaarawan sa araw na ito ay nais kung pasalamatan sina @Steemitphcurator at @jb123 sa kanyang ibinigay na oportunidad dito sa Steemitphilippines.

Ang ibabahagi ko sa inyo ngayon ay tungkol sa araw-araw kong ginagawa sa bahay. Naging daan ito upang mapadali ang gawain sa bahay at maging masaya ang aking mga magulang.

Ang Pagpapakain Ko Sa Mga Manok

IMG20210918055924.jpg

Una sa lahat ito yung ginagawa ko sa araw-araw, magpapakain ng mga hayop lalo na sa mga manok. Pinapakain ko sila ng mabuti upang sila ay maging malusog at malakas, dahil sila ay nakakatulong sa aming pangangailangan. Masaya akong makita sila tuwing kumakain dahil nakakawala ng stress o pagod.

Ang Aking Paghahalaman

IMG20210919063550_00.jpg

Isa rin ito sa mga pinakamagandang ginagawa ko tuwing bored yung araw ko, at para makapaglibang sa sarili. Masaya rin ako na marami akong alagang hayop. Ang pag-aalaga ng halaman ay isa sa mga nakapagbibigay ng kasiyahan sa aking buhay. Simula noong nagkaroon ng Pandemya ay natuto akong mag-alaga ng halaman sa bahay. Tuwing umaga, pinupuntahan ko ang akung mga koleksyon ng halaman upang tingnan kong ano na ang kalagayan at sitwasyon nito. Araw-araw kong tiningnan ang mga dahon kong ito ba ay may oud o wala.

Ang Aking Alagang Pusa

IMG20210918141825_00.jpg

Mahilig din ako sa mga alagang Pusa gaya nito. Ang pangalan nito ay si Yuki.Isang pusang ubod ng lambing sa kanyang amo. Palagi ko itong pinapaliguan at pinapakain sa araw-araw. Nakatabi rin ito sa akin tuwing ako ay natutulog sa gabi. Maputi ang kanyang balahibo at ang kulay ng kanyang mga mata ay kulay blue at yellow. Kaya nakadagdag ang ito sa kagandahan ng alaga kong pusa.

Pagsasampay Ko Kanina

IMG20210919063212_00.jpg

Kanina, ay nagsampay ako sa mga nilalabhan kong mga damit at kumot. Ginagawa ko ito para mapaibsan at mapagaan ang mga gawain sa bahay at upang masaya ang aking magulang dahil may mabait silang anak.

Maswerte naman ako kasi maganda at tirik na tirik ang araw kaya inasahan kong matutuyo talaga ang mga sinampay kong damit at kumot.

Ganito lang ako ka simple dito sa amin, kahit medyo mahirap masaya naman ako dahil nakatulong ako sa aking magulang. Kami-kami lang naman dito sa amin kaya kami lang din ang nagtutulungan sa lahat ng trabaho o gawaing bahay.

*Lubos na nagmamahal,
@kaesuna

#SteemitPhilippines

Sort:  
 3 years ago 

Ang bait mo naman, sana magpapatuloy pa ang kabaitan mo. Binabati kita sa una mong post dito sa @steemitphilippines.👏

 3 years ago 

Maraming salamat po😊

 3 years ago 

Magpakabait at magsikap mag post para kumita.

 3 years ago 

Opo ate...salamat po

 3 years ago 

Welcone to #Steemit and post more.

 3 years ago 

Salamat po😊

 3 years ago 

Congrats sa una mong post dito sa community. Keep it up.

 3 years ago 

Salamat po

 3 years ago 

Welcome again sa Steemit Philippines 🇵🇭

 3 years ago 

Welcome sa Steemit Philippines!!!

 3 years ago 

Salamat po😊

 3 years ago 

Mabuhay at Congratulations!!!

Isa ang post na ito sa napiling recommendation post para sa @booming upvote sa araw na ito. Maghintay na lang po bukas o higit pa kung natanggap ang post mo.

Sa karagdagang impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at ibang Social Media Accounts.

Maraming Salamat po!!!

 3 years ago 

Ganyang ganyan din angbuhay dito sa amin... welcome sa diary game

 3 years ago 

Maraming salamat po😊

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 60238.27
ETH 3215.90
USDT 1.00
SBD 2.46