The Diary Game Season 3/ Aug 26, 2021/ Paragis Tea

in Steemit Philippines3 years ago (edited)

Kumusta Steemians, sana'y lahat ay nasa mabuting kalagayan, iwas sakit.

Ang ibahagi ko ngayon ay itong panibagong inumin na aking niluluto na halaman na Paragis.

inbound341397035454172426.jpg

inbound7729922970513509247.jpg

Noong isang hapon mga pasado alas kuatro ay pumunta ako sa kapitbahay naming may tindahan. Mabuti ang panahon kaya tunkod ko lang bitbit ko. Ang layo ng kapitbahay namin ay mga 250 meters, may kalayoan din. Hinay hinay akong lumakad para bumili ng tissue paper.

Sa kalagit-naan ng aking paglalakad hala sumakit na si balakang ko at ang kaliwang paa. Sabi ko hala paano ako makabalik nito walang tao o choppy, ang tawag nila sa tricycle dito, man lang. Kahit masakit tiniis ko pang lumakad hanggang narating ko ang tindahan. Wala pa namang upuan man lang aking ma upuan. Napansin ng aking kapitbahay sige ko massage ang aking balakang at akoy hapong hapo.

Binili ko ang dapat kong bilhin, pero tinanong ako ng tindera anong nangyari sa akin. Sabi kong sakit balakang ko. Sabi niya inom nitong damo. Sabi ko anong damo. Lumabas siya ng bahay at doon sa may labasan pinutol ang damo. Ay, sabi ko Paragis. Oo, sabi niya pakuloan mo yan, yan ang itubig mo na. Alam ko itong Paragis sabi ko. Oo, sabi niya lahat ng sakit kaya yan, yang balakang mo kaya yan.

Nagpasalamat ako sa kanyang tinuro sa akin. Pag uwi hinay hinay akong lumakad dahil hang sakit talaga. Pagdating ng bahay, kahit masakit kumuha ako agad ng gunting at sa harap lang ng garden hang daming Paragis. Ginupit ko. At nilinisan.

inbound8688296041778324908.jpg

Kumuha ako ng kaldero at nilagyan ko ng 5 basong tubig at pinakuluan ko

inbound2670729076861310932.jpg

inbound6333383181937105200.jpg

Habang nagpakulo, gi search ko sa YouTube yong tungkol sa Paragis. Nalaman kong daming nagpapatotoo na ito'y nakakagaling lalo sa kagaya ng balakang ko.

Ng matapos kumulo, hayon nilagay ko na sa baso at pinalamig ko ng konti, at ito'y ininom ko. Hang lasa ay parang tubig ng mais lang. Sarap pinawisan ako.

Pang pangatlong araw ko ng nagpakulo ng Paragis. Buti na lang di ko pa ginupit ang mga damo. At sa harapan ko lang pala ang gamot.

Hanggang dito na lang..Inanyahan ko tatlong steemians na sumali sa Diary Game na ito si @aideleijoie @jewel89 @yoieuqudniram....kayo nakatikim na ba kayo ng Paragis Tea?

Sort:  
 3 years ago 

Wow thank goodness everyday kana nagpakulo nyan momshie & praying ma okey napo health mo @jurich60
..natikman ko yang paragis nung may dala si ate odeth.

 3 years ago 

Oo mukhang okey siya puede din sa gilagnat

 3 years ago 

Umiinom din ako niyan mam. Masarap at Ang Amoy parang nilagang mais.

 3 years ago 

inbound8751783329779122224.jpg

 3 years ago 

Maraming Salamat Ate sa pagbahagi ng Iyong Diary Post.

Pwede pala yan gawin tea? ang alam ko nian ay damo lang hehehe.

Para sa karagdagan impormasyon and updates po sa community natin, pwede nio pong bisitahin ang mga posts ni @steemitphcurator.

Ingat po lagi!

 3 years ago 

Pati lagnat mag subside sa tea niya.

 3 years ago 

Nakakagamot pala yan ate? Salamat sa pagbahagi ng kaalaman tungkol sa halamang gamot ate.😊

 3 years ago 

Oo search mo sa Google at YouTube daming sakit gamot siya.

 3 years ago (edited)

Salamat po sa dagdag kaalaman, kapatid!

 3 years ago 

Salamat at napadaan ka

 3 years ago (edited)

Walang anuman po ma'am. Ingat palagi

 3 years ago 

Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong Diary Game post.

Para po sa karagdagang Impormasyon, pakibasa po sa link sa ibaba.

@steemitphcurator

Congratulations for the 2nd place! Keep it up!

 3 years ago 

Nakarami na ako nito sis. Gamot ko ito pag nabinat ako especially kung konti lang ang tulog dahil sa gantsilyo. Ito at ang makahiya sis, minsan kino combine ko sila para madali akong gumaling. Ang sakit kasi sa ulo pag nabinat. At di madadala sa gamot.

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.16
JST 0.030
BTC 65316.48
ETH 2593.30
USDT 1.00
SBD 2.65