Sunog! Sunog!

in Steemit Philippines2 years ago

Hello everybody,

Tandang tanda ko pa ang pangyayari. Wari ko'y parang kahapon lang nangyari. Buwan iyon Ng Mayo 1978, hapon, di gaanong busy ang tindahan noon kaya nakapag luto Ako Ng saging gi banana cue ko at may nag babasa Ng mga komiks sa labas. Ang mga lodgers namin 11 silang lahat yong iba may klase yong iba naman nanood Ng sine dahil wala silang pasok.

inbound4398808173005736077.jpg

May bumili ng sigarilyo, habang sinuklian ko siya, may narinig kaming may sumisigaw na Sunog! Sunog! Sabi ko, "Hala, ano yon?" May sumagot naman, "Wala yon Ate, sigaw sigaw lang. Patuloy Ako sa pag luto. Ng biglang may mga teachers pumasok sa puesto at nag sabi, "Ate malaki na Ang sunog sa labas parating na dito mag ligpit kana."

inbound770161700430905490.jpg

Nataranta na ako anong iligpit ko, naalala ko anak kong panganay tulog pala sa kuarto. sabi ng teachers," Ate si little girl mo dalhin namin sa school kami na bahala sa kanya. Dalian mo pag ligpit hayan na ang apoy!" Binigay ko sa kanila anak ko at nervous na ako kung ano ang iligpit ko, inuna ko ang mga benta ng tindahan. Hang dami Ng sumisigaw sa labas. "Ate, labas ka na, nandyan na ang apoy!" Sa taranta ko, binitbit ko ang stove na may apoy pa, pati ang tangke. Habang tumatakbo ako patawid ng hi-way, patungo sa school. May sumisigaw sa akin. "Ate, ate, e off mo Ang stove!" Ay, oo nga, may apoy pa Ang stove, gi off ko na.

inbound8657268882753943773.jpg

Nakarating ako sa entrance Ng school, ma ingay na, nagsidatingan na mga bombero. Sunog na lahat pati puesto namin, Iyak na lang ako Ng Iyak. Dahil wala akong naisalba.Napaka laki na Ng Apoy ramdam na ramdam ko na ang init. Biglang may nagsabi sa akin teacher, "Ate tinawagan na namin si sir(yong asawa ko) sa office nila parating na yon. Tahan Ka na."

inbound4978058371972511865.jpg

Bandang 4:00pm dumating na nga asawa ko putlang putla dahil galing sa opisina nila tumakbo lang siya dahil walang taxi na masakyan dahil traffic Nga sa high way, dahil sa mga bombero. Hayon, kweninto ko na lang ang nangyari sa kanya at Sabi ko ubos na puhunan natin. Sagot niya, "wag na mag alala makaraos din tayo."

inbound8123310287125782919.jpg

Nakita namin ang may- ari ng katabi naming tindahan, siya ang nagsabi na doon pala nag umpisa sa bakery mga dalawang tindahan bago ang aming puesto. Yong katulong daw binuksan muna ang stove bago nag hanap ng posporo, ng sinindihan nag liyab. Wala kaming naisalba kasi Isang gamit maliban dito sa stove na hilahila ko.

inbound8569945897425824371.jpg

Dumating na din mga estudyante naming lodgers galing sa sine, di makapaniwalang ubos ang gamit nila. Kadalasan sa kanila taga Mindanao at taga Bohol.

Dahil faculty si hubby, sa paaralan, nag offer ang school na habang di pa kami maka hanap Ng tirahan sa taas muna ng mining laboratory kami mga stay pati ang mga lodgers namin. Kaya sa school ang tirahan namin ng mga ilang araw. Dumating din ang mama ko, binigay ko muna ang panganay ko sa kanya, siya muna mag alaga sa bata dahil limang buwan akong buntis sa pangalawa namin anak. Para maka kilos din kami sa paghanap ng matirhan.

inbound4907055136390817734.jpg

Kinabukasan nag karoon Ng program Ang school, donate a dress or anything para sa mga nasunogan. Bandang hapon pinatawag kaming lahat na nasunugan mamili Ng damit para may magamit kami. Ang mga studyanteng lodgers namin binigyan din Ng cash dahil di pa alam ng mga magulang nila ang nangyari. Nag telegram pa Sila sa mga parents nila.

Di ako naka tulog Ng gabing iyon, dahil iniisip ko mga gamit di naisalba, ang pinanghinayangan ko ang mga litrato namin o picture albums namin, Yong pictures Ng eldest namin noong baby pa siya at mga pictures ko din noong bata pa ako at Ng Kay hubby ko. Mga memories Ng panahong di na maibalik.

Ang pasalamat lang Ng lahat na walang buhay ang nalagas o nasaktan sa sunog na iyon. Buti na Lang di ako nakunan sa nervous ko sa pangyayari.

Ito ang di ko malimutang nakakatakot na pinagdaanan ko sa buhay. Nangyari ito sa harap Ng Cebu Institute Of Technology na Isang University na ngayon. Sa harap mismo Ng gate Ng school may tindahan kami at newspaper stand at may 11 student lodgers.

Salamat sa pagbisita o pagbasa Ng blog ko.

@jurich60

Sort:  
 2 years ago 

Sabi nga nila, mas ok daw manakawan kesa masunugan Ka. Importante buhay Ka kasama Ng stove mo hehe. Di nga, pag nasa ganyang sitwasyon , nabubuhat mo ang di mo kayang buhatin!:)

 2 years ago 

Truth Sis, pati nga ref nabuhat Ng Isang tao para maisalba lang Ang gamit.

 2 years ago 

Congratulations!

Your post is recommended for booming support today. Continue creating quality content here at Steemit Philippines Community.

Verification result:

Verified userYes
Plagiarism-freeYes
Bot-freeYes
#steemexclusiveYes
#club status#club100
Words used716

Maraming salamat po.🙂
@long888, mod

 2 years ago 

Lisud if masunogan gyud Ate. Pero maayo kay okay ra mo.

 2 years ago 

Ang sarap naman po nyan Ma'am.

 2 years ago 

nahurot jud nako ug basa ba... kung akoi naa ato nga time arang seguro nakong ratola... salamat sa ginoo te safety ra imo 2nd baby, buntis pa jud ka ba.

 2 years ago 

Mao lagi abi gyud nakog malaglag ay.

 2 years ago 

Dili jud lalim basta kalayo na ang kontra. Praise God, Auntie, walay nahitabong dili mao sa imu baby. Safe mo tanan.

 2 years ago 

Glory to God ate,everything is fine

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 63362.14
ETH 2592.64
USDT 1.00
SBD 2.80