Steemit Philippines Photography Contest Week 3/Hulog-Hulog/August 31,2021

in Steemit Philippines3 years ago (edited)

Kumusta mga ka Steemians ipagkaloob tayong lahat ay nasa magandang kalagayan kahit saan man sulok tayo sa buong mundo.

Ito ang aking patimpalak Hulog-Hulog ang tawag ko sa ulam na ito, pinoy na pinoy dahil sa malunggay. Na kadalasan ay ating tanim lang sa bakuran natin.

inbound307858539360508230.jpg

Simpleng sabaw sa hapag kainan, makabusog at talagang sulit, ganado sa pagkain.

Ang paraan ng aking pag luto...

Mga sangkap:

Lapu-lapu isda
Luya
Dalawang Kamatis malalaki
Siling panigang
Sibuyas dahon
Malunggay
Konting asin

Magpakulo ng tubig, ilagay ang luya at isda at ang kamatis na buo pa hindi hiwain. Pagkulo at malambot na ang kamatis, kunin ang kamatis at pisa in, tapos ibalik ulit doon sa kumukulong tubig. Pag kulo ulit, ihulog ang malunggay at maya maya ang sili at timplahan ng asin.

Ang style ng pag luto na ang kamatis ay pakuloan muna ay turo ng aking Nanay. Para daw malasang malasa ang sabaw. At napatunayan ko naman masarap. Salamat sa Nanay kong tinuro niya ang sekreto ng pagluto ng simpleng hulog hulog ngunit masarap.

Ang sinahog ko ay Lapu-lapu ng isda dahil ito ay tinatawag sa amin na til ugon. Kung baga walang kontra, puede kumain ang mga may sakit. At masarap, manamis tamis ang sabaw, pag ito ang halo sa gulay. Swak na swak sa hulog hulog. Lalo sa malunggay, partner sila.

Alam natin na ang malunggay ay pangpahaba ng buhay ayon sa kasabihan. Kung may tanim tayo sigurohin ang pag gulay nito kung puede araw araw. Ito ay nakakatulong lalo sa mga senior citizen kagaya ko at ng nagkasakit ako ito yong hinanda ko sa hapag kainan, pang pa sa uli ng aking katawan. Araw-araw kong pinag tyagaan ang pag himay himay ng malunggay.
At na feel ko ang tuloy tuloy na kagalingan.

Hanggang dito na lang,
Salamat sa pag basa.
Maraming Salamat,

inbound1511471007022152509.gif

Ini invite ko sila @jewel89 @aideleijoie @sarimanok sumali sa contest na ito

Sort:  
 3 years ago 

Ang galing ate, kultura na talaga nang mga Filipino ang sabaw at sa iba't ibang lugar, iba ibang klasing sabaw din.

Salamat sa pag-sali ate.

 3 years ago 

Ang sarap naman nyan ate.

 3 years ago 

Oo pawisan tag bogbog lalo kanin mais ang partner.

 3 years ago 

Oh my momshie @jurich60 sarao na sarap tlga ako sa mga luto mopo lalo na yang sinabawan (no magic sarap) kaya very healthy. Happy tummy sainyu mi 😋

 3 years ago 

Kalami higop sa init na sabaw ani Ate!

 3 years ago 

Mao gyud tagaktak ang pawis

 3 years ago 

naalala ko tuloy si nanay dito sa luto mong hulog hulog ymmom. Sa kanya ko eto natutunan nung nasa kanya ako while naka bed rest nung buntis ako kay Angelo then first trimester naka ned rest ako. Habang nakaleave ako and nagpapagaling nun sya nagalaga sa akin, sa Gordon Heights pa sya noon nakatira. Eto ang palagi nyang niluluto sa akin para daw healthy malakas ako para din daw sa magiging baby ko. Sobrang masayang masaya ako noong time na yon palagi kaming nagkukwentuhan ni nanay, naging close kami dahil more than a week ako nasa kanya, dumadalaw lang si Joseph pero pag gabi uuwi na din sya. After nun naman yon na yong nastroke na sya.... so so so sad ako nun dahil usapan namin sya ang magaalaga sa baby pagkapanganak ko dahil babalik na ako sa work pero hindi na nangyari. Actually etong gulay na eto ang remembrance ko kay nanay kaya kapag naalala ko sya magluluto ako netong food na eto. Namimiss ko tuloy si nanay dahil sa post mo na eto

 3 years ago 

Oo sarap mga tinuwa si Nanay.

 3 years ago 
Judge: @loloy2020
CategoryDetails (✅/❌)
Theme: Filipino Culture
Fully Verified
Correct Title and Tags
Used the #steemexclusive tag
At least 300 Words✅/315 Words
1 Photo per Entry
Mentioned 3 Friends
Write-ups RatingGood
Criteria for JudgingRatings/Score)
1. Relevance to the theme8
2. Creativity7.8
3. Technique8.2
4. Overall impact8.5
5. Quality of story7.8
Total Ratings/Score8.1
 3 years ago 
Criteria for judgingPoints 1-10
1. Relevance to the theme6
2. Creativity7
3. Technique7
4. Over all impact6
5. Quality of story7
6. Total score6.6

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.16
JST 0.030
BTC 65578.21
ETH 2613.33
USDT 1.00
SBD 2.67